Chapter 1: Cassandra's life

5.8K 62 1
                                        

Cassandra's POV:

Nakaupo ako ngayon sa loob ng kotse ko habang nagiintay lumabas ang mga anak ko mula sa gate ng pinapasukan nilang exclusive school dito sa Ayala.

Ito na ang naging gawain ko tuwing hapon simula nang mag-umpisang mag-aral ang aking mga anak.

Isa akong fulltime mom at plain housewife. Alam kong dapat akong maging masaya dahil naibibigay naman lahat ng asawa ko ang lahat ng pangangailangan naming mag-iina. Meron ako ng mga bagay na pinapangarap lang ng iba. Mabait at maalagang asawa, makulit man pero matatalinong mga anak, magandang bahay, maluhong pamumuhay at sarili kong kotse.

Parang kahapon lang pero labing isang taon na kami magkasama ng aking asawa, at walong taon doon ang kasal.
"I miss you!"nasabi ko sa sarili ko habang naalala ko ang lahat ng aming pinagsamahan.

Labing walong taon pa lang ako nang mag-umpisa akong mag part time sa isang kilalang fastfood chain dito sa Pilipinas. Pero hindi tulad ng ibang kabataan ang naging dahilan ko para magtrabaho. Ginamit kong dahilan ang trabaho para hindi na ako pabalikin ni mommy sa England. Isang british national ang aking ama at gusto nila na doon na kami tumira lahat at ipagpatuloy ang pag-aaral. Pero hindi tulad ng nag-iisa kong kapatid na si kuya mark ayoko umalis ng bansa, kaya humanap ako ng dahilan para hindi ako sumama sa kanila.

"talaga? pero cassy hindi ka naman sanay magtrabaho eh. Can you really do it? I mean, look at you ni hindi ka nga marunong maghugas ng plato."hindi makapaniwalang tanong ng pinsan ko.

"there's always a first time diba? and beside ayoko talaga umalis kaya I'll try every option that I have."nakangiting sagot ko kay Yumi. Kahit na nung mga oras na yun kinakabahan din ako sa papasukin ko.

Naalala ko tuloy bigla ang lola ko. Matagal tagal na din pala simula nung huli kaming dumalaw sa kanya. Simula ng magkaisip ako si lola na ang aming kasama sa bahay. Isang taon pa lang ako ng magdesisyon si mommy n a sumunod na kay daddy sa england. Dahil kailngan niya tumulong kay daddy sa aming negosyo kaya iniwan niya kami ni kuya kay lola. Taon taon naman ay umuuwi sila tuwing pasko para makasama kami. Minsan naman ay kami ang pumupunta doon kapag bakasyon.
Mahal na mahal kami ni lola. Naalala ko pa nga gigisingin niya kami ni kuya ng 5 am kapag school days.

"Gising na mahal kong prinsesa." habang tinatapik niya ng mahina ang hita ko.

"La, five minutes pa po."yan ang lagi ko naman sagot sa kanya.

"CASSANDRA!" sigaw niya

At kapag sumigaw na siya magmamadali na akong tumakbo pababa. Pagkatapos kong kumain ay babalik na ulit ako sa kwarto para naman maligo. Ngayon nakaimis na ang kama at nakalabas na ang lahat ng kailangan ko kahit ang underwear na gagamitin ko. Alagang alaga kami ni lola ni hindi niya nga kami pinapahawak kahit man lang basahan.

At dahil malayo kami sa aming mga magulang si kuya na ang naging sandalan ko. Limang taon ang agwat ng aming edad. Siya rin ang naging taga pagtanggol ko lalo na sa school. kaya masakit sa akin nung mga oras na yun na magkaiba kami ng naging desisyon.

"Cass do you even know what you're doing?" galit na tanong niya. Alam kong galit na galit si kuya dahil simula ng tawagin niya ako hindi na siya umupo at nagpabalik balik na lang sa harapan ko.

"oo naman kuya."

"talaga?!anung alam mo sa pagiging service crew ha?" tanong niya.
Hindi ako makasagot dahil ang totoo wala akong alam. Basta ang alam ko lang mapipigilan ako nito para pumunta ng england.

"Do you really think just beacuse you have this job mom will let you stay behind?"
bumuntong hininga na lang ako alam ko na kung saan mapupunta ang usapan na ito.
"You're only making it more complicated, Cass. Tell me si John ba kaya ayaw mo umalis ng pilipinas?"

"Ofcourse not! Gusto ko lang i-prove sa inyo na matanda na ako and I can take care of myself."naiiyak na sagot ko sa kanya.

"By making wrong decisions? Why are so stubborn?"

"kuya please.. You can't lock me here forever and besides matagal na naman akong hindi inaatake diba? Kaya I know I can do this."

Narinig kong bumuntong hininga si kuya kaya napatingin ako sa kanya na naglalakad na palabas ng bahay pero bigla itong tumigil sa may pintuan at humarap sa akin.

"You have to be responsible for your decision, Cass dahil hindi na kita kayang protektahan kung lagi kang ganyan"pagkatapos ay lumabas na ito ng bahay.

Ilang araw din akong hindi pinansin ni kuya. Alam ko naman na galit siya sa naging desisyon ko. Pero ilang araw na lang ay maguumpisa na ako sa una kong trabaho at wala akong balak na bawiin lahat ng nasabi ko. Alam ko rin na mahal na mahal ako ni kuya at sigurado ako na ilang araw lang ay mapapatawad na din niya ako..

Unang araw ko sa training room ngayon at tatlong araw tatagal ang training, wala itong bayad kundi free meal lang. Wala naman kami masyadong ginawa kundi orientation lang at tour sa mga station sa loob ng kitchen. Pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pagod kahit aapat na oras lang kami kanina. Pagpasok ko ng bahay dumeretso na agad ako sa kwarto para makapagpalit ng damit at makapagpahinga bago ako gumawa ng mga report ko. Habang namamahinga isang katok ang pumukaw sa atensyon ko. Ilang segundo pa ay bumukas na ito at nakita ko si kuya na may dala dalang tray ng pagkain.

"thought you must be hungry.." then he smile.

Alam ko hindi na galit si kuya. Lagi niya kasi akong dinadalhan ng paborito kong egg sandwich na maraming lettuce bilang peace offering. Ganyan ako kamahal ni kuya at gnun din siya kahalaga sa buhay ko.

"Thanks, kuya! God, I'm going to miss this!" nakatingin ako sa kanya habang kinakagatan ko ang pinakamasarap na egg sandwich para sa akin.

"Well I guess I'm gonna have to stick around.."

"really??" I blurted out. Hindi pa rin ako mkapaniwala sa narinig ko..

"Yes, Cass but for a few weeks only. Two at the most. And I hope by that time nagbago na ang isip mo at sasama ka na sa akin"

Sa sobrang saya ko niyakap ko siya ng mahigpit. Alam ko naman na hindi ako matitiis ng taong ito.

Hindi ko pa din siya napigilan at pagkatapos ng dalawang linggo ay lumipad na din siya papuntang England. Nag-uumpisa na din ako masanay sa buhay ko. Estudyante sa umaga, counter crew sa hapon, at assignment sa gabi. Medyo nakakapagod at talagang nakakalungkot. Sa buong buhay ko ngayon lang ako napalayo sa kuya ko.

"Mom, open up."

Bigla kong natauhan, nasa school nga pala ako at nag-aantay sa mga anak ko. Pinindot ko yung switch ng lock para makapasok ang anak kong si Drake. Walong taon na si Drake at kasalukuyang nasa ikatlong baitang. Nakuha ni Drake ang imahe ng kanyang ama. Matangos na ilong, mahahabang pilikmata, mapangakit na mga mata at ang malalim na dimples nito na hindi na kailangan ngumiti para lang makita. Pumasok ito sa backseat.

"Where's your sister, D?" I asked nang hindi ko matanaw si Chloe.

"Maybe she's still playing with Lianne."

"I don't like it when you're leaving her behind you suppose to watch over her." Bababa na sana ako para hanapin si Chloe nang makita ko siya palabas ng gate kasama si Lianne.

Anim na taon si Chloe at nasa unang baitang ito. Nakuha naman sa akin ni Chloe ang kanyang mukha. At katulad ko meron din siyang kulay chocolate na mga mata. And she's a daddy's girl. Dahan dahan umupo si Chloe sa tabi ng kuya niya.

"So we're do you guys want to eat?"

Sabay silang napatingin sa akin at sumigaw ng "JOLLIBEE"
******************************************** thanks for reading guyz..
this is my first kaya sana magustuhan niyo..dont forget to vote..And
comment lang po kayo.. see you next update..

The Unfaithful WifeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon