CHAPTER EIGHT

Depuis le début
                                    

"Ate, lagot! Alam na ni Lolo na nandiyan ka sa Japan! Galit na galit!"




BAGO UMALIS ay nagpaalam muna si Andie sa Lola ng binata. Ipapasyal siya ng binata sa araw na iyon. Bago lumabas ng silid, isang larawan ng babae at lalaki ang umagaw sa kanyang atensiyon. Sobrang luma na niyon at halatang pinagdaanan na ng napakaraming taon. Parang may sariling buhay ang kanyang mga paa, at natagpuan ang sarili na papalapit sa larawan na nakasabit sa dingding ng silid ng Lola ni Reiji.

Habang papalapit, napakunot-noo siya. Ang lalaki sa larawan ay tila pamilyar sa kanya. Hindi lang niya iyon makita ng mabuti dahil halos kupas na rin iyon. Ngunit napigil ang paglapit niya doon ng lapitan siya ni Reiji.

"Let's go," yaya nito sa kanya.

"Okay," sagot niya.

Bago tuluyan maisara ang pinto, hindi pa rin inaalis ni Andie ang tingin sa larawan. She felt that familiar feeling on that photo.

Mula doon sa bahay ay nagpunta silang dalawa sa town proper. Andie was so amazed with the nostalgic feeling of the place. Sa kabila ng modernong panahon, na-preserve nito ang mga orihinal na bahay na ayon kay Reiji ay tinayo pa noong unang panahon. Karamihan sa mga bahay na iyon ay mga establishment na ngayon, gaya ng souvenir shops, restaurant or coffee shop, at iba pa.

Habang nag-iikot ay panay ang kain nila ng street foods. Matapos iyon ay umarkila sila ng tig-isang biskleta.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya.

"There's a place here called, Amanohashidate. It means Bridge in Heaven. It's a long sand bar strip that connects this Island, and that island in the middle of the sea," paliwanag nito.

"Is it beautiful?"

Ngumiti ito. "Tingnan mo na lang pagdating natin doon," sagot nito.

Sakay ng tig-isang bisikleta. Binaybay nila ang daan patungo sa sinasabi ni Reiji na sand bar strip. Pansamantalang nakalimutan ni Andie ang alalahanin ng tumambad sa kanya ang magandang tanawin. Sabi ni Reiji ay fifteen minutes nilang tatahakin ang daan na iyon bago sila makarating sa kabilang dulo.

Binati si Andie ng magagandang pine trees na nakatanim sa mabilang gilid ng sand bar at ng tubig dagat. Hanggang sa huminto sila pagdating sa gitna, at naglakad-lakad sa dalampasigan. Tumunaw siya sa malayo at muling bumalik sa isipan niya ang problema.

"Ate, lagot! Alam na ni Lolo na nandiyan ka sa Japan! Galit na galit!"

Nanlaki ang mga mata niya sa nabasa. Agad siyang tumawag sa cellphone ng kapatid.

"Paano nalaman ni Lolo?!" nag-aalalang tanong niya.

"Pumunta kasi dito 'yong kasama mo sa trabaho, si Ate Alona, dala niya 'yong mga pinauwi mong pasalubong. Tapos nag-usap sila nila Mama at Papa, nagkuwento si Ate Alona. Akala ni Mama tulog na si Lolo. Iyon pala narinig sila kagabi, tapos nakita pa ni Lolo 'yong mga pasalubong mo. Ayun, galit na galit na. Pinagsisigawan si Mama, tapos pinapatapon 'yung mga pasalubong mo. Huwag na huwag daw ipapasok ang kahit na anong may kinalaman sa mga walanghiyang hapon sa loob ng bahay niya."

Nakagat ni Andie ang isang daliri, kasabay ng pagbalot ng kaba at takot sa kanyang dibdib. Matanda na si Lolo Julio, iniiwasan niya talaga na bigyan ito ng sama ng loob dahil baka kung anong mangyari dito. Iyon ang isa pang dahilan kaya nilihim niya sa matanda ang pagpunta sa Japan.

Expat Huntress Series 2: Kinō, Kyō No Ai (Yesterday, Today's Love)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant