Isang pagak na tawa ang lumabas sa kanyang bibig.

"Reiji, hindi mo kailangan mag-deny."

"Are you jealous?" biglang tanong ni Reiji.

Natigilan ang dalaga, saka napalingon sa binata, pero agad din niyang binawi ang tingin saka nilapag ang laruan na hawak. Ano nga ba ang isasagot niya? Aaminin ba siya na nasaktan sa nakita na halos nakayakap kay Reiji si Aiko? O itatanggi niya? Pero ano naman ang idadahilan niya kung bakit siya biglang nag-walk out? Biglang na-realized ni Andie na parang may relasyon sila sa naging reaksiyon niya.

"Hindi ah," tanggi niya.

"Aiko, tend to be clingy sometimes. Pero maniwala ka, walang ibig sabihin para sa akin ang ginawa niya," paliwanag nito.

"Reiji, stop explaining as if there's something between us."

"Bakit? Wala ba?"

Natigilan si Andie, saka muling napalingon sa binata.

"Reiji..."

"Stop pretending, Andie. Alam ko nararamdaman mo rin. May special na sa atin dalawa. Hindi na tayo ang simpleng magkaibigan na walang ginawa kung hindi pag-usapan ang anime figures."

"Reiji, please..."

"What? Kung mali ang sinabi ko, then, bakit naging ganoon ang reaksiyon mo kanina?"

"Dahil ano... kasi..."

Gustong batukan ni Andie ang sarili dahil wala na siyang maisip na dahilan.

"Kasi nagseselos ka, di ba?"

"Okay, fine! Nagseselos ako!" hindi na niya napigilan na bulalas, saka tumayo at naglakad sa bintana at humarap doon.

Napapikit siya saka napabuntong-hininga.

"Naiinis akong makita na halos nakayapos siya sa'yo! Nagseselos ako, kasi ang gusto ko, ako ang nasa posisyon n'ya! Ako lang! Pero alam ko na wala ako sa lugar para maramdaman 'to!"

Wala siyang narinig mula kay Reiji. Haharap na sana siya pero bigla itong yumakap sa kanya mula sa likod.

"I give you my permission to feel that way. Okay lang na mainis ka kapag may ibang babae na lumalapit sa akin. Kinausap ko si Aiko kanina, sinabihan ko siya na huwag uulitin 'yon dahil ayokong mamis-interpret mo ang lahat. I care about how you feel, Andie."

"Reiji," bulong niya.

"You have no idea how much I feel about you," sagot nito.

Pinihit siya nito paharap.

"Sabihin mo sa akin na pareho tayo ng nararamdaman, Andie."

Bumuka ang bibig niya, nagtangkang sumagot sa sinabi nito, pero walang salitang lumabas mula sa kanya. Nakita ni Andie na bumaba ang tingin nito sa labi niya.

"Let me help you make up your mind," halos pabulong na sagot nito.

Reiji held her with his one hand on her cheeks. Pagkatapos ay bigla siya nitong kinabig palapit at tuluyan tinawid ang pagitan nila at tuluyan lumapat ang labi nito sa kanya. Naramdaman na lang ni Andie na sinandal siya nito sa salamin ng bintana. Natulala na lang siya, makalipas ang ilang sandali ay lumayo si Reiji at tiningnan siya ng deretso sa mga mata.

"Alam ko, Andie. Nararamdaman ko, gusto mo rin ako," sabi nito.

Dahil sa halik nito ay wala pa rin siya sa tamang katinuan at nanatiling blangko ang kanyang isipan.

Expat Huntress Series 2: Kinō, Kyō No Ai (Yesterday, Today's Love)Where stories live. Discover now