CHAPTER 6
Psy’s POV
“Where in the hell did I put that key”, I’m cursing to death while trying to find some important thing in my bag. “It’s got to be here somewhere. I’ll be damn if I lost that thing”, I added. I looked all over thru my things pero di ko pa rin mahanap ang susi ng big bike ko. Pauwi na ko ng mapansin kong nawawala ang susi ko.
I’d been stuck near the parking lot looking for that damn key. I should’t connect that on my key. Lintek… Bat ba kasi ginawa gawa ko pang key chain yun eh napakaimportanteng bagay pa naman.
Sa tingin ko kasi yun lang ang paraan para matago ko ang isang mahalagang bagay na pagmamay ari ko na di napapansin. Kabilin bilinan noon ng aking ina na ingatan ko ang isang tanging bagay na makakapagligtas sa akin sa nakatakdang mangyayari. Di ko man maintindihan ang mga huli niyang kataga ngunit itinuturing ko itong napakahalagang bagay na makakapagpaalala sa aking mga magulang.
Umupo ako isa sa mga bench sa ilalim ng puno. Habang pilit inaalala kung saan ko naiwan ang aking susi. Hindi ko pwedeng gamitan ng mahika yun dahil mababasag ang crystal.
Ang sphere ko ay napapalibutan na ng tatlong hex. Ang tatlong mahahalagang hex upang maprotektahan at di matunton kung sino man ang magkakaroon ng interes sa bagay na yon. Tatlo lang ang pwedeng magamit sa bagay na yon.
“Kailangan kong mahanap yun sa lalong madaling panahon. Bago man lang sumikat ng araw sana lang ay mahanap na kita.” I reached for my phone and call our driver to bring me the spare keys for my bike.
Pagkatapos kong tawagan ang aming driver, lumabas muna ako ng campus upang kumain at makapag isip. Kanina pa kasi ako nagugutom. Inistorbo kasi ako ng mga tatlong ungas kanina para lang sa isang walang kwentang usapan.
-------
Will’s POV
“Kanina mo pa tinutungangahan yan, Will. Anong meron jan?”, si Ina. Kanina pa to nangungulit kung ano tong pinagkakaabalahan ko. Kung pinagkakaabalahan mang matatawag to. All I can do is to stare at the thing. There’s something with the sphere na di ko maipaliwanag.
“If I were you… isosoli ko na yan sa may ari”, seryosong saad ni Ina.
“Bat mo naman alam na di akin to, aber?”
“Panong di ko alam na di sayo eh pambabae ang mga palawit tsaka nakita ko na yan kay Psy! Helloo….!!!”, smirk ni Ina. “Kung ako sayo balik mo na yan. Sigurado naghuhuramentado na sa kakahanap sa susi niya. Kanina pa ang uwian. Tsaka mahalaga sa kanya ang bagay na yan”, makahulugang sabi ni Ina.
Magtatanong pa sana ako pero nakaalis na pala ang dalaga. Ano kayang meron sa bagay na to at mahalaga ito sa kanya.
Balak pa sana nitong asarin ang babae pero sa di maipaliwanag na pangyayari’y may nagtulak sa kanyang isauli na lamang ang susi. Naglakad patungo sa parking area at hinanap ang bike ng dalaga. Nakita naman niya agad ito at tinungo. Wala ang dalaga sa paligid kaya umupo muna siya sa isang tabi.
Tiningala ko ang langit at napansing dumidilim na pala. Dagdag pang makulimlim ang langit. “Uulan pa yata”, bulalas ko. Nilabas ko ulit yung susi nung babaeng yun. Sa makailang beses muli ko itong tinitigan at inaaninag kung ano ang nasa loob ng bolang crystal.
“Pano napunta sayo ang bagay na yan?”, nagulat ako ng biglang nagsalita sa likuran ko. Galit? Bat di ko man lang naramdaman na may tao pala sa likod ko?
“I said san mo nakuha ang bagay na yan? Ibalik mo sa kin yan”, pabalang niyang sabi.
“Napulot ko lang na---“
“Whatever….”, she cut off sabay hablot sa susi niya at lumakad palayo.
I heard her murmur something habang siya’y papalayo. Di ko na siya hinabol. Para ano pa? I have this feeling na may kakaiba sa babaeng to. I’ve known her to be a bitch and rude pero may kakaibang aura na di ko matukoy.
Hayyy…. bat ko pa ba pinoproblema ang pasaway na babaeng yun. Makauwi na nga.
Bago pa man nakasakay sa kotse ko, nakita ko pang paalis ang dalaga. Napailing na lang ako ng pinaharurot niya ang kanyang sasakyan. Ng may nahagilap ang aking mga mata. May dalawang aninong nakatago sa gilid ng building na nagmamanman sa pag alis ng dalaga at bigla rin silang naglaho.
“Epekto na yata to sa kakatitig ko sa crystal na yun”. Napailing ulit ako at sumakay na lamang ng maramdaman kong pumapatak na ang ulan.
-----
OTHER’S POV
“Nakita nyo ba?”, saad ng isang nilalang sa may isang bahagi ng kwartong yon.
“Opo, kamahalan. Mukhang may magagamit na tayo para makuha siya. Malalaman din natin kung asan ang nararapat na nasayo, kamahalan.”, saad naman ng utusan.
“Maghintay lang tayo ng tamang panahon. Malapit na ang pagtutuos”, siya.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
palimos po ng vote at comment......
YOU ARE READING
I'm the Devil and Your My Angel
FantasyIn our world full of mystery, di mo na alam kung anong klaseng nilalang ang nakakasalamuha mo! Some can be deceiving. Just like Psy, a she-devil who possesses a human body. Can she possibly fall in love? Is she allowed to fall in love to an angel...
