1

2 0 0
                                        

"What's wrong with you Neil?! I said let's broke up! Hindi ka ba nakakaintindi?! Ayoko na sa'yo! Hindi ka gusto ng pamilya ko para sa akin! Wala akong mapapala sa'yo!" 

Mga katagang ayokong marinig galing sa mismo sa kanya. Ayoko. Ayoko siyang pakawalan. Mahal ko siya mahal na mahal ko sobra.

"Please Angelica, pag-usapan natin 'to"

Imbes na kausapin ako tinalikuran niya ako at nagsimula ng maglakad.

Bhabs bakit? Bakit mo ko iniwan ng ganito lang. Binigay ko naman lahat sa'yo itinuring kitang prinsesa. Pero bakit nauwi tayo sa ganito. Yan ang mga katagang nais ko pa sanang sabihin sa kanya ngunit ako'y kanyang iniwan sa gitna ng daan.

Kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata ay siya ring pagpatak ng ulan. Buti pa ang langit dinadamayan ako.

"Hoy Kapitan! Bat ka naliligo ng ulan mag-isa hindi ka man lang nag-aya" gulat akong napatingin sa nagsalita.

Si Kenneth, kasama niya si Patrick. Buti nalang umuulan kasi kung hindi nakita na sana nila akong umiyak. Malakas pa naman mangasar tong mga ungas na to.

"Bakit bawal ba maligo ng ulan ng magisa?" Saad ko sa kanila.

"Sus tara na nga sa bahay inom nalang tayo" yaya naman ni Patrick

Sh*t yun yung kailangan ko ngayon para kahit manlang sana konti makalimutan ko yung sakit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Girl From My DreamStories to obsess over. Discover now