Sa Piling ng Lalakeng Masahista

3.8K 15 1
                                    

Lalakeng Masahista

First time ni Luke na magpapamasahe sa isang spa. Wala sa plano ang bagay na yun, pero dahil sa udyok na rin ng mga kaibigan ay sumama sya sa mga ito.

Dimlight ang paligid ng spa na may mabangong amoy ng kung aroma. Dinala sila ng isang staff sa isang lugar at bumungad sa kanila ang isang wall glass at sa loob nito ay naroon ang mga nagkikisigan at gwapuhang mga lalake.

Pumili na ang mga kaibigan nya at dahil nga parang natulala ay napili nya ang isang moreno na bombayin ang mukha na masahista.

Sa isang makipot na silid, dun mangyayari ang unang karanasan sa pagpapamasahe ni Luke sa kapwa lalake.

Nandun ang kaba, takot, excitement at sarap ng pakiramdam. At nang dumampi na ang mga palad ng napiling masahista, sensasyon ang naramdaman ni Luke sa sandaling yun.

Naging magaan ang ugnayan ni Luke at ng masahista. Nagkatanungan ng pangalan at mga ilang kuwento ng buhay. Ang sabi ng kaibigan ni Luke, talagang ganun ang mga masahista. Kinukuha ang loob ng mga customer. Kaya dapat daw ay hindi magbigay ng mahahalagang detalye para hindi magka interes ang masahista. Pero ewan ba ni Luke, kung ano ang mga tanong sa kanya ay sumasagot sya ng totoo.

Dumaan pa ang mga nalalabing oras na parang naging magaan ang loob ni Luke sa masahista. At bago matapos ang kanilang oras, ang pagbulong ng masahista at pagtango ni Luke ay senyales ng isang magandang bagay na magbibigay kasiyahan sa bawat isa.

Dinama ni Luke ang lahat. Sakit at sarap. At sa bawat tingin nya sa mukha ng masahista, naroon ang damdamin ng paghanga nya dito.

Pawisan silang pareho ng matapos ang bagay na namagitan sa kanila. May bagay na pasimpleng inabot ni Luke sa kamay ng masahista pero umiling ang ito sa kanya at binulungan.

"Ako naman ang nauna sayo, baunin mo nalang na isang magandang alaala ang nangyari sa araw na ito sa ating dalawa!".

Hindi alam ni Luke kung ano ang iisipin at mararamdaman sa mga oras na yun dahil sa sinabi ng masahista.

Masaya. Yun lang ang pakiramdam ni Luke. Bago sila umalis sa lugar na yun, muli syang humabol ng tingin sa paligid ng lugar na yun at nahuli nya ang pagkindat ng isang mata at pagngiti ng masahistang nakasama nya ng mahigit isang oras.

Gusto nyang bumalik sa lugar na yun, pero pinaalala ng kaibigan nya na baka ma-raid ang lugar dahil nga sa kalakaran.

Nakaramdam ng takot para sa masahista si Luke. Gusto nya itong puntahan para bigyan ng babala.

Pero ang kaba para sa masahista ay napalitan ng selos. At alam ni Luke na hindi dapat. Nalaman nya sa receptionist na may customer ang masahista. Nasaktan sya sa nalaman. Pero alam nya na walang patutunguhan ang damdamin nya para sa masahista.

Nagdesisyon syang huwag ng maghintay at umalis nalang. At sa ilang hakbang nya palayo sa lugar na yun, namasa ang paligid ng mga mata nya. At isang hawak sa braso ang pumigil sa kanya. Ang masahista ang kanyang nalingunan. Wala silang karapatan pareho na magtanong sa kung bakit may pumigil at may naghahanap.

Katahimikan ang namagitan sa kanila. Pero binasag yun ni Luke ng pag amin ng paghanga at pagkagusto nya sa masahista ng ipagtapat nya ito dito. Sandaling tingin ang sagot ng masahista sa kanya. Ngumiti ito.

"Kahit na marangal sa panlabas ang trabaho ko, hindi ba sumbat ang wala ng dignidad sa tunay na kahulugan nito para sayo?".

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 07, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sa Piling ng Lalakeng MasahistaWhere stories live. Discover now