‘We're twisted together yet we're complicated.’
May ‘kami’ pero pakiramdam ko hindi siya, akin. Hindi ako sa kanya. Buong puso ko pa ngang inalay yung pagkatao ko e hindi ba dapat ibig sabihin nun sa kanya ako?. Kasi mahal ko. Ewan ko.
Yung tipo bang kami nga, may label yung relationship namin pero hindi ko ma-explain kung anong meron sa relasyon na ito. Sa mata ng tao, perfect couple kami pero ang hindi nila alam ang ‘perfect’ na tinatawag nila ay nakapa-complicated. Mahirap ipaliwanag kung anong meron kami. Kung akin ba siya, o kung sa kanya ba ako.
We're exchanging i love you's and all pero pakiramdam ko yung pagkakasabi niya walang pakiramdam, yung bang dapat kapag sinabihan ka ng tatlong mahiwagang salita na iyon e parang nakalutang ka sa langit? Pero hindi e. Wala akong maramdaman. Hindi naman kami nagbebreak kasi nga mahal namin ang isa't isa. Mahal nga ba niya ako? Mahal ko nga ba siya? Hindi ko alam.
Tulalang nakatitig lang ako sa malaking portrait namin ni Jake sa office ko. Malaki ang mga ngiti namin habang nakaharap sa camera. May kislap ang mga mata at bakas sa amin ang saya, nasa likod niya ako at yakap yakap ko siya. Naglalarawan ng masayang magkasintahan at yung tipong ang gandang pagmasdan pero ngayon parang ang hirap ng ipaliwanag.
Anong nangyari satin, Jake? Bakit biglang nagkaganito?
We're entangled, Jake. What happened, Babe?
Nagbalik ako sa reyalidad mula sa malalim na pagiisip ng may kumatok sa pintuan ng office ko. Umayos ako ng upo. Baka si Jake ito.
“Come in.”
Imbes na si Jake ang bumungad ay ang secretary ko ang nakita ko.
“Sir, hinahanap po kayo ni Sir Jake mula sa lobby.”
Saglit akong napatulala. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Bakit hindi ko agad naisip na hindi naman mahilig kumatok si Jake kapag nagpupunta siya dito sa office ko? Bakit kanina ng naisip kong baka si Jake ang kumatok hindi ako nagmadaling tumayo para salubungin siya at yakapin ng mahigpit tell him how much i love him and ask him how was his day going?
At bakit inutusan ni Jake ang secretary ko na papuntahin ako sa lobby? Dati rati naman agad siyang papasok ni wala pa siyang pakialam noon kung nasa gitna man ako ng meeting o busy. Bakit ngayon sa lobby na kami nagkikita?
Ang hirap ipaliwanag.
“Sir Rior?”
Napakurap ako bigla. Tumikhim ako bago muling hinarap si Kate at nginitian.
“Ah yeah, t-thanks Kate. Tell him i'm coming. Aayusin ko lang ang mga gamit ko.”
Ngumiti naman ito bago tumango at nagpaalam na.
Nagmadali akong ayusin ang mga gamit ko bago kinuha ang suit case at naglakad palabas ng office. Gamit ang libreng kamay ay niluwagan ko ang neck tie na suot ko habang papasok sa private elevator.
Parang hindi ako makahinga bigla. I don't know. Maybe i'm hallucinating or something, dala na din siguro ng masyado kong pag oover time this past weeks kaya naistess na ako ngayon. Idagdag pa ang mga nangyayari samin ni Jake ngayon.
Nang makarating ako sa lobby ay agad kong nakita si Jake na nakaupo roon tila walang pakialam sa mga taong titig na titig sa kanya na halos maglaway na. Napailing nalang ako. Hindi ko na pinansin ang sumagi sa isip ko na bakit hindi ako nainis sa mga tumitingin sa kanya gaya ng dati?
Lumapit ako kay Jake. Naramdaman naman nito ang presensya ko kaya tumayo ito bago kinuha ang hawak kong suit case.
“Let's go.” sambit lang nito bago nagsimulang maglakad.
YOU ARE READING
Entangled (BxB- One Shot)
Short Story'We're twisted together yet we're complicated.'
