Chapter 8️⃣

28 0 0
                                    

Dobleng sakit ang naramdaman ni Sophia pagkagising niya. Hindi niya alam kung ano ang dalawang iyon. Ulo niya siguro at ang kanyang puso.
Lace trim satin slip sleep dress in light pink ang suot niya kagabing pantulog kaya siguro iyon ang dahilan kaya siya nilalagnat pagkagising niya.. Oh, my! Iba talaga ang infact non sa kanya dahil sa lamig ng kapaligiran. . Idagdag pang nagbabad siya sa kanyang loptop.
Para mahimasmasan ang nararamdaman niyang sakit. Lumabas siya ng kanyang kuwarto. Kahapon pa umalis ang kanyang ama dahil kailangan ito ng mommy niya. At siya naman?! Nasa two weeks nalang ang natitira niyang vacation leave. Dahil pagkatapos ng mahaba-haba niyang oras balik na uli siya sa kanyang naiwang trabaho.
May inaasikaso pa siyang proyekto. Which is the room art for kids. Alam niyang iyon ang magugustunan ng mga batang nasa kanilang hacienda. Pumasok siya sa kusina..

"Good morning manang! aalis po ba kayo ngayon?!"

Nakangiti niyang tanong kay manang lordes. Nasa harap ito ng lababo habang abala sa paglilinis ng alimango.
Alimango?!! Naibulong niya sa kanyang sarili..
Nanlalaki ang dalawa niyang mata. Anong ginagawa nito sa alimango?!

" Good morning din sa iyo anak. Naku, hindi pa eh. Marami pa tayong stock sa pridyider."

Mamaya ay Sagot nito sa kanya. Nasa alimango pa rin ang pansin. Dahil buhay na buhay pa ang mga ito.

"Ah ganon po ba?! Hindi naman kayo kumakain ng ganyan. Maski ako... Para kanino ho 'yan?!"

Tanong niya pa saka niya itinuro ang mga crabs. Sa lahat ng pinakaayaw niya ay ang alimango. Pati nga ang mommy niya hindi kumakain. Buti pa ang daddy niya dahil sarap na sarap tuwing alimango ang ulam.

" Masarap daw kasi akong magluto, kaya sa akin niya ipinaluto ngayon.."

Anitong ngumuso pa sa kanyang likuran. Kaya naman walang pag-aalinlangang Lumingon siya sa inginuso nito. Nanliliit ang dalawa niyang mata.
There you are dude!.
Prisenteng nakaupo sa pinakadulo ng kanilang lamesa si kayden habang nakatitig ito sa kanya. Kyahhhhh.. Nakapantulog pa siya ng damit. Dahil sino ba naman ang mag-aakalang nandito ito ngayon.

"Manang masarap din namang magluto si Karen. Bakit hindi siya ang inutusan ng prinsipeng ito... Naku, sayang ang gas!.."

Aniya. Ang titig niya nasa binata. Palusot niya lamang iyon. Pakiramdam niya kasi sa tuwing nasa tabi niya ito ay lalong umiinit ang paligid niya.
As if namang maghahabul pa siya sa kumag na ito. Nilingon niya si manang lordes.

"Naku Princess, mas sayang ang gas kung hindi nagagamit."

Natatawang Sagot ng kanilang katulong. Tumaas ang kanang kilay niya sabay lingon sa binata. Ang kumag pinipigilan lang nitong matawa. Haiyst!!. Pakiramdam niya'y mas lalo siyang magkakasakit dahil sa simpleng pagngiti nito.

" Baka pwedeng magbibis ka muna."

Inirapan niya lang ito at hindi pinansin. Kahit na nasa tabi nito ang termo dahil kailangan niyang magcoffee.

"Anong ginagawa mo rito? Nagkamali ka ng inuwiang bahay."

Bitter niyang tanong. One week na siyang umiiwas sa presensiya nito. Saka wala siyang panahon upang pakinggan ang paliwanag nito.
Malay niya baka importante ang sasabihin nito..
Hindi niya alam!.

" Gusto lang kitang makita. "

Tinitigan niya ito. Bakit ba punong-puno ng kalungkutan ang dalawang pares ng asul nitong mata?

"Sir kayden, steam lang ba ito?!"

Sabay silang napalingon kay manang lordes ng magtanong ito. Ang tinutukoy ay ang alimango.

Deeply Inlove(chasing After You) (COMPLETED) Where stories live. Discover now