Bakit?

5 0 0
                                        

"Igme" tawag ko sa alagang aso ko. Katatapos lang namin kumain ni ina at kaninang umaga ko pa hindi makita ang alagang aso ko.

"Igme asan ka?" muling tanong ko habang lumilibot sa buong bahay namin.

"Anak wag ka masyadong maingay" pagsulpot sa harap ni ina.

"Ina hindi ko po mahanap si Igme!" natatarantang sigaw ko.

"Anak sinabi kong wag kang maingay!" pabulong na bigkas ng aking ina. Hindi ko makita ang mukha ng aking ina pero ramdam kong natatakot siya at naiinis saakin.

"Ina nasan po si Igme?" maiyak iyak kong tanong sa aking ina. Inilibot kong muli ang aking paningin sa madilim naming bahay. Halos wala akong maaninag ni isa kaya't pandinig na lamang ang tanging mga mata ko.

Nakita kong nagaalinlangan ang mga mata ni ina pero kalaunan nagsalita rin.

"Anak makinig ka, si Igme ...ang alaga mo, ang ....inulam natin kanina" napasinghap ako at nanlaki ang mata sa sinabi ng ina.

"Ano po inay?!?" tila nabingi at nabaliw sa aking narinig.

"Sinabi kong wag kang maingay!" tumataas na tono ngunit pabulong paring sabi ng aking ina

"Pero ina bakit kailangan si Igme pa po?"

"Wala tayong magagawa anak, kung hindi natin kakainin si Igme mamatay tayo sa gutom. Tayo na lang natitira sa pamilya natin at kailangan natin lumaban"

"Pero ina-"

"Anak makinig ka sa sasabihin ko" hinawakan ni nanay ang dalawang pisngi ko at lumuhod sa harap ko na handang ipaliwanag ang nangyayari sa paligid. Binalot ako ng takot sa uri ng ekspresyong ibinibigay ni ina.

"Anak masyado ka pang bata para maintindihan ito pero kailangan mong malaman na hindi na tayo ligtas sa panahong ito. Lahat ng dagat ay wala ng lamang isda kundi puro plastic at basura na lang. Wala ng puno sa paligid at marami ng namamatay sa kawalan ng sariwang hangin. Unti na lang tayong mga babae sapagkat lahat ng lalaki ay walang awang pinagsasamantalahan at pinapatay mga kapwa nating babae. Kung nagtataka ka at madilim dito sa bahay ay dahil baka may makakita sating mga kalalakihan at hindi ko kayang mawala ka sakin dahil ikaw na lang ang natitira saakin. Hindi pwedeng sumigaw at pabulong lang ang pagsasalita natin dahil natatakot akong may makadiskubre na may nakatira dito. Kailangan mong maintindihan lahat anak, ito ang iniwan satin ng henerasyon ng mga lola mo" umiiyak na paliwanag sakin ni ina. Nanuyo ang lalamunan ko sa narinig at natulala ng ilang saglit.

"Ina" umiiyak kong sambit at niyakap ang aking ina.

Wala rin akong magawa kung hindi umiyak at magalit dahil sa iniwang resulta ng henerasyon ng aking mga lola. Taong 2080 na at wala akong magawa kung hindi umiyak dahil wala akong laban bilang isang bata, bilang isang babae, at bilang isang mamamayan na hindi mapangalagaan ang kalikasan. Ang tao ang tunay na halimaw sa lupa, sa kalikasan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How did everything end up like this? (One shot story)Stories to obsess over. Discover now