Prologue

3.1K 43 8
                                    

This story is for Maureen Kristine Asuncion. Be thankyou for always there for me. You're very supportive friend and i wish you more birth day to cum este come. Happy lucky-17th Birthday Maureen😘❣️🎂  Sana magustuhan mo itong story na gawa ko para sayo😊. I love you😘

This story is work of fiction. Resulta lamang po ito ng medyo malawak na imahinasyon ng author😅. This story is not for 18 below and not yet edited. Kaya po maraming mga typo. Wrong grammar at kung ano pa. Salamat po sa pag iintindi. Thankyou spread love not hate everyone😍

PROLOGUE

"You will marry him Kristine! You like it or not. Hanggat nasa pamamahay kita susunod ka sa lahat ng gusto at sasabihin ko."Malakas ang boses na turan ng kanyang step-father.

"P—pero tito hindi ko po siya mahal. Ni hindi ko pa nga siya ganoon kakilala ipapakasal mo na agad ako sa kanya. Malaki ang utang naloob ko sainyo pero wala parin po kayong karapatan na kontrolin yung buhay ko."matapang niya ding sagot kahit na masaganang umaagos ang kanyang luha.

"Abay sumasagot kana...bakit kaya mo na yung sarili mo? Bakit may ipagmamalaki kana? Ginagawa ko to para may mapuntahan yang buhay mo. You will thank me someday!."galit parin nitong saad pero hindi na gaanong malakas ang boses dahil pinipigilan ito ng mama niya.

"Maureen tama na. Makinig ka nalang sa tito mo gusto niya lang naman na maging maayos ang kinabukasan mo. Mahal na mahal ka namin anak...intindihin mo sana kami."aniya ng ina niya na umiiyak na rin.

"Kung talagang mahal niyo ako mama hindi niyo ako pipiliting gawin ang ayaw ko. Mahal? Big word. Ngayon ko nalang ulit yan narinig na galing sa inyo. Kasi lagi nalang akong mali, lagi nalang nasahuli. Bakit Ma? Kasi may mga anak ka ng iba? Bakit Ma kasi hindi ako ganoon kaimportante gaya nila?"umiiyak niyang sabi habang nakatingin sa ina. "Lagi nalang tama sayo si Tito. Siya nalang lagi yung kinakakampihan mo. Ma anak mo rin naman ako... Ako yung unang lumabas sayo. Masaya tayong dalawa diba pero para mas sumaya ka pumayag ako sa pangalawang pamilya. Simula ng dumating sila kinalimutan mo ng may anak kapang isa."hindi na niya napigilan ang sariling sabihin iyon.

Mabilis na lumapit sa kanya ang Tiyuhin niya para sampalin siya.

"Wala kang respito. Wala kang utang na loob. Sino ka para pagsalitaan ng ganyan yung mama mo? Buti nga tinanggap pa kita sa pamilyang ito kahit hindi kita anak."galit na galit nitong sigaw sa kanya habang galit ding nakatingin sa kanya ang ina.

Hawak ang sariling pisngi ay tumalikod siya. Gusto niyang tumakbo palayo doon. Gusto niyang iwan ang lahat ng sakit na ipinaramdam sa kanya. Gusto niyang mawala nalang na parang bula.

"Sige umalis ka at huwag ka ng babalik. Paglumabas ka sa pamamahay na ito kalimutan mo nang kilala ka namin. Hindi kana kabilang sa pamilyang ito."sigaw ulit sa kanya ng tiyuhin.

Gusto niyang marinig ang sasabihin ng ina. Gusto niyang marinig mula sa bibig nito na huwag siyang umalis. Gusto niyang maramdaman kahit ngayon lang na mahal siya nito.

Tumigil siya saglit para marinig ang mga iyon mula sa ina pero nadurog ang puso niya ng iba ang sabihin nito. Para siyang pinatay ng paulit-ulit.

"Umalis kana Maureen...kung iyan ang gusto mo. Pagkatapos nito kalimutan mo narin na may nanay kapa. Hindi na kita anak."napatingin siya sa inang ng marinig ang mga katagang iyon pero mas lalong nadurog ang puso niya ng wala man lang pag-aalinlangan sa mata nito.

Tumango siya sa ina pinunasan ang sariling mga luha at matapang itong hinarap saka ngumiti ng masakit. "S—salamat Ma. Mag-iingat ka palagi. Mahal na mahal kita."iyon lang at mabilis na siyang tumakbo palabas.

Palayo sa malaking bahay ng mga Magno. Palayo sa itinuring niyang pamilya. Sa buhay na haharapin niya dadalhin niya ang sakit na idinulot ng mga ito para maging matatag.

Natagpuan ni Maureen ang sarili sa opisina ng kapatid sa inang si Fruvy. Gusto niya lang magpaalam dito dahil ito ang pinakamalapit sa kanya. Ito lagi ang taga tanggol niya sa papa nito.

Hindi pa siya nakakapasok sa main door ng opisina nito ay nagmamadali na ring lumabas ang kapatid niya. Mahigpit siya nitong niyakap ng makita siya.

"Ate tumawag si Inand nag-away daw kayo ni papa? Ayos ka lang ba? Sinaktan kaba niya?"nag-aalala ang boses na wika nito habang sinusuri ang katawan at mukha niya.

"A—ayos lang—."hindi niya naituloy ang sasabihin ng hawakan nito ang namumula niyang pisngi.

"Sinaktan ka niya? Binalaan ko na siya na hindi ka niya puweding saktan. Masakit na masakit ba ate?"galit nitong turan habang tinitignan ang namumula niyang pisngi.

"Ayos lang ako Fruvy...nandito lang ako para magpaalam sayo. Aalis na ako sa bahay sana huwag mong pabayaan yung sarili mo. Si mama at saka si Inand. Mahal na mahal ko kayo pero hindi ko na talaga kaya. Sana wag kayong magagalit kay ate kasi pangako babalik ako pagkaya ko ng ipaglaban yung sarili ko at kayo."umiiyak ulit niyang sabi saka niyakap ng mahigpit ang kapatid.

"Pinalayas ka ni Papa ate? Ako ang bahala ate. Hindi kana niya ulit masasaktan."sagot din nito sa kanya.

"Ayaw kong madamay ka sa away namin ng papa mo. Gusto ko naring lumayo para mahanap ko ang sarili ko. Mag-iingat kayo lagi...mahal na mahal kayo ni Ate."aniya pa saka kumawala na sa kapatid. "Sige Fruvy ikaw nalang ang magpaalam sakin kay Inand. Kailangan ko ng umalis baka pahirapan pa ulit ako ni Tito bago paalisin."aniya at niyakap muli ang kapatid.

"Saan ka pupunta ate? Please ate tell me."malungkot ang boses na sabi nito.

"Sa Manila Fruvy...sige na alis na si ate."sagot niya dito.

"Ate always call me okay. If you need anything just call me."Seryosong sabi nito saka pinunasan ang sariling luha at ang luha niya. Hinugot din nito ang pitaka para bigyan siya ng pera. "Here ate use this. Alam kong may naipon kang pera pero sana tanggapin mo ito. Incase kulangin ka...please."pakiusap nito.

Tinanggap niya ang perang ibinibigay ng kapatid at nagpaalam na ulit dito. Alam niyang labag sa loob nito ang pagpayag na umalis siya pero gusto din nitong sumaya siya.

Sana sa paglayo niyang ito ay makita niya ang tunay na kaligayahan. Dadalhin man niya ang sakit na ginawa sa kanya ng mga taong mahal niya ay hindi parin siya magtatanim ng galit sa mga ito.

Sana lang ay makita niya na ang totoong Maureen sa lugar na pupuntahan. Sa lugar na siya lang mag-isa. Sa lugar na walang magdidikta ng gagawin niya.

Sana sa lugar na iyon maging masaya na siya.

The Bitches Series 1 (Destined Crazily) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें