CHAPTER 8

250 9 0
                                    

I'm back❣️😘

CHAPTER 8

Inis paring naglalakad si Maureen papasok ng hotel room niya. Gusto niyang gilitan sa leeg ang kingkong na Andrie na yun pero hindi niya na ginawa. Ayaw niyang makulong, naghihirap na nga siya tas' makukulong pa.

Pagkapasok sa kayang sariling kuwarto ay agad niyang hinubad ang suot na dress. Tanging Ang maninipis na panloob lamang ang kanyang iniwan saka pumasok sa loob ng banyo. Kailangan niya ng cold shower para matanggal ang init ng kanyang ulo.

Nagbabad siya ng mahigpit trenta minutos sa loob ng banyo para malinisan ang katawan dahil nabahiran ito ng nakakadiring virus. Virus ng napakayabang na lalaki.

Nakatatlong ulit din siyang nagtoothbrush para mawala ang iniwang alaala ng halik ng kingkong na iyon. Hindi niya lubos maisip na ito ang kanyang unang karanasan sa tinatawag na halik.

"Kunyari kapa gusto mo din" aniya ng kanyang isip.

Ahhh! Tumigil ka. Wala sa isip ko ang mga ganyan ngayon. Ang kailangan ko ngayon ay pera at trabaho kaya dapat hindi ako maapektuhan sa lalaking iyon. Hindi puweding ako ang maunang mahulog dahil wala ng matitira sakin. Walang-wala na ako, Wala na din akong mapupuntahan.

"Kaya ikaw self, Wag kang maging marupok. Dahil ang mga lalaki papaluhain ka lang. Pagkatapos nilang kunin ang gusto nila iiwan ka din niyan."mariing sabi niya sa kanyang sarili at napabuntong hininga.

Wala siyang ibang ginawa kundi himilata sa kanyang kama. Manuod ng Kdrama sa Netflix at magrelax. Hindi na siya lumabas para kumain ng miryenda nagpahatid na lamang siya sa kanyang kuwarto.

Ayaw niya na sanang lumabas dahil ayaw niyang makita ang gagong Andrie ay nagugutom na siya. It's already pass Six na. Nagrereklamo na ang mga demonyo sa kanyang tyan.

Palabas na siya ng room ng bumukas din ang pinto ng kaharap niyang room. Doon iniluwa ang taong ayaw niyang makita o makausap man lang. Nagkunyari siyang walang nakita at isinarado ang pinto saka naglakad na.

"Pangit!"

Alam niyang siya ang tinatawag nito pero hindi niya ito nilingon. Nagkunyari ulit siyang walang naririnig at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hoy! Pangit!"rinig niyang sigaw nito pero dedma parin siya.

"Maureen!"galit na nitong tawag sa kanya. Natigilan siya saglit at naririnig niya na ang mga yapak nito.

"Bingi kaba? I'm calling you!" Galit nitong turan habang tinititigan siyang mabuti.

"Who you? FIY you just called my name once. Kaya ako tumigil diba. At saka puwedi pa huwag kang feeling close kasi nakakasuka. Just leave me alone."mataray niyang saad dito saka ito iniwan.

Bibilisan niya na sana ang lakad ng hablutin nito ang kanyang kamay. Sinalubong siya nito ng nakakamatay na tingin. "Ano bang problema ng kingkong nato! Nakakailan na siya ha. Pag ako di nakapagtimpi makakatikim to sakin ng mag-asawang sampal eh."

"What?"mataray niyang tanong dito.

Hindi siya hinirang na "The Bitch Magno" for nothing. Mataray talaga siya. Hindi niya iyon itinatago o itinatanggi. Pag-away niya sa isang tao mararanasan nito ang kamalditahan ng isang Maureen Kristine Asuncion.

"You're going out with that sando? Really woman? Are you nuts?" Galit din nitong salubong sa kanya.

"Anong masama sa damit ko? Hindi naman malaswa? Saka kung ikinakahiya mo yung suot ko puwedi kang magkunwaring di ako kilala. Puwedi ba huwag mo kong pakialamanan. Buset!" aniya sa saka hinigit ang kamay na hawak nito at padabog na naglakad paalis.

Hindi na siya nito hinabol at kinulit. Tinignan niya ang suot na damit. Nakaputong sando lang siya at maikli na short. Humuhubog ang katawan niya sa suot na damit. Hindi sa pagmamayabang pero maganda ang hugis ng kanyang katawan. Sakto lang din ang laki ng kanyang dibdib at balakang.

Papasok na siya sa isang restaurant kung saan siya magdidinner. Nakapakkage na ang stay nila dito kaya kampante siyang dina kailangan magbayad.

Habang kumakain ay napansin niyang pinagtitinginan siya ng mga tao. Kanina niya pa ito isinasawalang bahala pero naiilang na talaga siya.

"Bakit ba nila ako tinitignan? Dahil ba sa damit ko?"tanong niya sa sarili saka baling sa paligid.

Doon niya napagtantong hindi siya ang tinititigan ng mga tao kundi ang gagong unggoy sa kanyang ligod.
Nakapalumbaba ito Ng kanyang lingunin. Umayos ito ng upo saka siya tinaasan ng kilay.

"Anong ginagawa ng gagong yan dito?" aniya sa isip saka ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi niya na ulit ibinalik ang tingin sa lalaki dahil para siyang inaakit ng mga mata at labi nito.

MAUREEN MAG HUNOS DILI KA, MAHIRAP MAHULOG SA TAONG HINDI PA NAKAKAAHON SA IBA.

Mabilis niyang tinapos ang kinakain at lumabas na sa restaurant. Seryoso niyang pinagmamasdan ang karagatan na binabalot na ng kadiliman. Napakapayapa ng dagat, napakaganda nitong pagmasdan. Noon malaya siyang pagmasdan ang ganda ng dagat.

May private resort kasi ang mga Magno kaya pag bakasyon o pag may free time siya ay doon siya namamalagi. Doon niya nararamdaman ang kalayaan na gustong-gusto niyang makamtan.

Walang pumipigil, walang humuhusga, at walang naguutos ng gagawin niya.

Lumapit siya sa tabing dagat at dahan-dahang naglakad patungo sa tubig. Gusto niyang maramdaman ang kapayapaan ng dagat. Nababasa na ang kanyang suot na short pero hindi niya iyon binibigyang pansin. Patuloy siyang naglalakad sa palalim ng parte ng dagat.

Magiging masaya ba sila pagnawala ako? Mamahalin ba ulit ako ni mama pag patay na ako? Mag sisisi ba sila pag di na nila ako kasama? Magiging madali nalang ba ang buhay pag-ginawa ko to?

Ang tagal niyang nagtiis at naghangan ng kalayaan. Naging parang aso nasunod-sunuran sa lahat ng gusto ng kanyang step-father. Walang reklamo, walang angal, walang pagdadalawang isip.

Nasa bandang dibdib na Niya ang tubig ng may narinig siyang tawag. Galing iyon sa lalaking gumugulo sa kanyang isipan. Sa lalaking dapat niyang iwasan. Sa lalaking alam niyang sa huli siya Lang din ang masasaktan.

"Fuck! Maureen! Fuck!"kahit mahina ay rinig na rinig niya ang malulutong nitong mura.

Hindi niya ito nilingon sa takot na paglumingon siya hindi na siya makaahon pa. Hindi na niya matutupad ang pinangako sa sarili.

Ipipikit na sana niya ang kanyang mga mata para damhin ang kapayapaan na hatid ng dagat. Ngunit napamulat siyang muli ng may matigas na brasong yumakap sa kanya sa likuran.

Napakahigpit ng yakap nito at parang sa sandaling kanya itong luwagan ay mawawala siya.

"Baby please, don't do this to me." Namamaos pero nagsusumamo ang boses nito. "Don't scared me again like this. Let's go back. Please?" Dugtong pa nitong mas nagpalambot sa kanya.

Wag kang pafall, kasi nahulog na ako...

The Bitches Series 1 (Destined Crazily) Where stories live. Discover now