When you and I collide

72 2 2
                                        

What if you made the wrong choice? what if that event didn't happen? What if you had a different fate? what if? what if...

***

*lakad lakad lakad* wala na akong ibang magawa kundi ang maglakad. Bakit kaya ganito? parang feeling ko may masamang mangyayari.

Ako nga pala si Jasmine "Jazz" De Ocampo. Pure Filipino ako but I grew up in Canada. Umuwi lang ako dito sa Pilipinas because of some personal reasons. If you're wondering why I'm so fluent in Filipino, eh kasi pabalik-balik na kami dito sa Pinas.

Nga pala, nandun pa sa Canada ang parents ko at pinauna na nila ako dito. Nababagot na nga ako sa kahihintay sa kanila eh, kaya gumagala na lang ako.

"HOY!"  may narinig akong sumigaw. Sino kaya 'yun? sinira niya ang senti moment ko. tsk.

Napalingon naman ako at biglang *BANG* may tumulak sa'kin. Nanakit katawan ko at nandilim ang paligid ko. ano ba 'to?? patay na kaya ako? buti naman, yoko ng mabuhay.

"Kidnap 'to! 'wag kang malikot miss kundi malilintikan ka --esti uupakan talaga kita!" sabi ni Mr. Kidnapper. 'di pa pala ako patay. tsk.

"huh? kidnap? sino bang kkidnap sa'kin?!" teka teka! kilala ko 'yung boses na 'yun ah! sisigaw na sana ako pero may biglang humila sakin at may 'princess carry' pang nalalaman 'tong gagong 'to!

pinilit kong lumaban pero bigla siyang bumulong "kumalma ka nga, my princess."

natulala ako...'di ko nga alam kung bakit, parang biglang tumibok ang puso ko...wait! erase, erase! kilala ko nga 'tong si Mr.kidnapper!

"Kurt, put me down!" I shouted angrily.

"eh? bat mo ako nakilala? ganun ba talaga ako kagwapo at kahit naka blind fold ka ay obvious pa din?" natatawang sagot niya "at taray mo ah, may English ka pang nalalaman, nasa Pilipinas po tayo ma'am."

"Diyos ko! tigilan mo nga 'yang pagka conceited mo! alam ko na 'malilintikan talaga ako' diba? at boses mo pa lang kilala ko na! :p" sinabi ko in a 'matter-of-fact' tone. eh kasi, favorite line niya 'yang "malilintikan ka talaga sa 'kin" eh. "and sorry ah? lumaki nga kasi ako sa Canada diba?" minsan kasi nakakalimutan kong nasa Pilipinas na pala ako.

Ayun, nagalit ata at bigla akong binitawan. 'di man lang ako binigyan ng warning kaya nauna ang pwet ko sa pagbagsak. Masakit kaya! try mo! mamaya lang, cge! lagot talaga 'yun sakin! kinuha ko ang blind fold sa mukha ko at super ready na sanang gulpihin siya ng biglang, 

"SURPRISE!!! HAPPY BIRTHDAY JAZZ! :D"

"huh? ano raw? birthday?" ay leshe! birthday ko nga pala!

"OMG! thank you so much :)" nagmamadali kong sabi. sana 'di nila nahalata 'yung shocked face ko. kahiya naman kung malalaman nilang mismo ako ang nakalimot sa bday ko >< "naalala niyo pala? wow ah, touched naman ako :'>"

"ahem...hoy Jasmine!" salbahe. sino kaya 'to! pinaka-ayaw ko talaga ang tawagin akong jasmine -.- kadiri lang! tsk.

"eh? huh? uhm..ano po 'yun? :)" lingon sabay pilit ng smile. pasalamat ka at 'di kita kilala, kundi nakooo! kanina ka pa nakakatay dun sa mercado. Teka, kilala ko ang boses na 'to.

"ayeeeeee! may pa-cute effect ka pa ah! first time 'to! wooooh! so okay na sa'yo na tawagin kitang Jasmine?? :D" lintik! nahiya na ata si yahoo icon sa ngiti ng babaeng 'to!

"AY LESHE KA FAYE!! KALA KO NAMAN KUNG SINO! LANGYA KA! SABI KO NGANG AYAW KO NG PANGALANG YAN E! TSK ><." hay nako! ang iisang taong pwedeng tumawag sa'kin ng Jasmine,

Si Faye Michelle Gutierrez, 16 yrs. old. Isang conservative girl pero nasa lugar naman ang pagiging conservative niya. Siya na ata ang pinakamabait na taong nakilala ko. She understands everybody, especially me and she's the only one who I can assurely share my secrets to.

talaga 'tong babaeng 'to! sarap ilagay sa loob ng sako at itapon sa dagat! kung 'di ko lang talaga mahal 'to! oy, walang dirty-minded diyan ah?? bestfriend ko kaya siya! xP

"opo opo. sensya naman birthday girl, oy! yang bibig mo ah, kung maka-mura kala mo kung sino! *pout* tsk." ah, oo nga pala, ayaw niya nga pala ng mga bad words. ang bibig ko talaga, kelangan na ata ng scotch tape.

"sorry naman, lam mo naman 'tong bibig ko diba? wag na kasing magtampo!! ayeeeee, ngingiti na 'yan :D" kung makapagtampo talaga 'tong babaeng 'to, WAGAS! "birthday ko pa naman ngayon. may gift ka ba ah?" demanding na kung demanding pero I need to change the topic na, iba siya magalit eh =n=

'di pa din siya nagsalita pero may inabot siyang box. wow! may gift nga talaga :3 'nu kaya laman nito. hmmm.  bubuksan ko na sana pero,

"WOW ANO 'YAN?! patingin!!" kinuha ni Kurt ang box! leshe siya! para sakin 'yun!

"hoy Kurt! 'di yan para sa'yo!!! Faye ooooooooh! kinuha ni Kurt!! pagsabihan mo naman!!" bakit pa kasi pinanganak akong short T.T ay hindi!! nasobrahan lang sa cherifer 'tong lalaking 'to! 5'9" ba naman ang height?!?! eh 5'4" lang ako.

'di ko maabot ang regalo ni Faye >< nag"puppy eyes" effect ako kang Faye para tulungan niya ako, 5'6" height niya eh, kayang-kaya niyang abutin ang regalo! :D pero 'di siya kumibo :O

"FAYE!!!" tumingin ako sa kanya sabay puppy eyes *w* 'di niya matitiis puppy eyes ko eh :"> "eh? oy, Faye! san ka ba nakatingin??" nag'bblush siya? 'nu bang nakain nito, eh kani-kanina lang nagtatampo 'to. Ah, oo nga pala. Nasa kamay ng crush niya ang regalong binigay niya sa'kin.

Si Kurt Vincent Siao, kababata ko at isang varsity player. 17 years old. Nasa kanya na ata ang lahat; looks, fame, brain, money. Lahat na ata ng girls tumitili kapag nakikita siya. pero ewan ko kung san pumunta ang good manners niya, naligaw siguro at 'di na nakabalik.

"Earth to Jazz! yoohoo, my princess, you're staring into space again." huh? princess? 'nu bang pinagsasasabi nito. Naku! si Faye, sana 'di niya narinig 'yun. 

"excuse me? kadiri lang ah! stop calling me that, nakaka-irita na ah! Let's go Faye!" sabi ko sabay hila kay Faye palayo kang Kurt.

"oy, teka lang, only girl! ang regalo oh! I'll give it back to you na." only girl na naman. Ako lang  kasi ang only girl, or should we say, only child nila mom and dad. Ang lonely ko noh? T.T tumakbo si Kurt patungo sa amin. At ng lumingon na ako para kunin ang regalo,

*MWAH* biglang nanigas katawan ko. Nanginit naman ang pisngi ko. The whole world seemed to freeze. "Happy sweet 16th birthday, only girl :* ! regalo ko sa'yo ;) " kiss sa cheeks? regalo?!!? more like a punishment!

wala na akong ibang masabi. Natulala na lang ako at sumigaw ng wala sa oras. Wala akong pakialam kung lahat ng tao sa party ay nakatingin sa akin. 'di ko kaya, ayaw ko sa mga lalaki. Ewan ko ba, parang allergic ako sa kanila. "SH*T KURT!! WTF >< why did you do that to me?!?! alam mo namang ayaw ko ng mga interactions with guys diba?!?!?! FUDGE!" loko siya! eh siya lang nga ang lalaking pwedeng lumapit sa akin, ginawa niya pa 'yun?!?!

nawala na sa malay ko ang lahat ng nasa paligid ko, pati si Faye. Tumakbo na lang ako papunta sa loob ng room ko habang nakatakip ang kamay ko sa mukha ko. Ayaw kong makita nilang umiiyak ako because of such a trivial thing. Para sa kanila trivial, pero para sa akin, it was out of the boundary na. 

That's because....

I had a traumatizing experience with the opposite sex.

***

 Yan lang muna :)) comment po kayo for suggestions and opinions xD first time ko po 'to, sana magustuhan niyo. Sorry po if may wrong spellings/grammars, di din kasi ako magaling sa Tagalog xD maghihintay po muna ako ng reactions bago ko 'to i'continue :))

When you and I collideWhere stories live. Discover now