"At ito rin ang mundong gusto ni Jane kung saan pwede siyang gumanti ng hindi nahuhuli?" Tanong naman ni Mikay at tumango si Alex.

"Nadamay ang lahat ng walang kasalanan sa paghihiganti nila dahil nandito tayo sa teritoryo nila." Sabi naman ng kapatid ni Gian.

"Ang mga kaluluwang nandito ay maaaring kakampi niyo o hindi. Galing sa hiling ni Jane o sa hiling ng kaibigan niyo." Dugtong niya pa.

"Hindi niyo mapapatay si Axel dahil matagal na siyang patay. Pero si Jane ay pwede dahil buhay pa siya." Sabi naman ni Kriselda.

"Ang dahilan kung bakit natunaw na ang papel ni Jane ay dahil hindi na siya makakabalik pa sa orihinal nating mundo dahil sa isa din 'yun sa mga hinili niya." Dugtong niya pa.

"Kailangan niyong hanapin sila Mimi para makabalik na kayo sa dapat niyong balikan. Pero kung mangengealam si Jane, wala na tayong magagawa pa kundi ang patayin siya." Saad naman ni Alex.

"Sheen, Mond, tara. Hanapin natin sila Mimi. Dito ka na lang Mikay, mas ligtas ka dito." Sabi ko at lalabas na sana kami mula sa room nang tinawag ako ni Kriselda.

"Ren, mag-ingat." Ngumiti ako sa kaniya at lumabas na kami.

KRISELDA'S POV

Meron pa kong hindi nasasabi sa kanila. Napatingin ako kay Mikaela at nakita kong nag-aalala siya. Lahat sila ay nakilala ko na dahil lagi akong nakatingin sa kanila.

Ako ang taga-bantay dito sa lugar na 'to. At walang masasaktan sa kanila hangga't nandito ako. Dahil sa hiling ni Mimi ay ako ang naging taga-bantay dito.

Ang gusto niya lang naman ay bantayan ko siya at makasama ako pero dahil masyado siyang matatakutin ay hiniling na niya rin 'yun para maging ligtas sila.

Alam ko rin ang ginagawa nila papa sa kaniya. Gusto siyang tulungan at patahanin pero hindi pwede dahil matagal na kong patay.

"Bakit lahat ng mga naglaro ng closet game ay dito napunta?" Napatingin ako kay Mikaela nang nagtanong siya. Umiling ako bilang sagot.

"Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit kayo-sila napunta dito sa mundong 'to." Sagot ko sa kaniya. Pati rin ako ay nagtataka din.

"Dahil baka itong lugar din na 'to ang hiniling nila? Pwede rin naman na gusto nilang maputa dito kaya sila nandito diba?" Pagsingit naman ni Rian.

"Pwede din. Lahat naman tayo ay gusting mapunta sa ganit eh." Pagsang-ayon naman ni Alex at niyakap niya si Mikaela na halatang nag-aalala pa rin.

"Sana ligtas kayo lahat." Bulong ko at sumunod na ko sa sanilang lahat.

MIMI'S POV

P-pero... Bakit siya? Bakit niya ginagawa 'to?

"J-Jane? Bakit? Bakit mo ginagawa 'to?" Tanong ko sa kaniya at ngumiti siya sa'kin.

"Para makaganti. Gusto ko kayong patayin lahat dahil sa nangyari kay Axel. Kayo ang dahilan kung bakit siya nakulong at namatay!" Sigaw niya at sinugod niya ko.

Tutulungan sana ako ni Jake nang hinawakan siya nung lalaki sa braso at tinulak sa pader. Umilag ako mula sa kutsilyo ni Jane at hinawakan siya sa braso niya.

"Hindi ko kilala kung sino 'yung Axel na tinutukoy mo. Wala akong alam sa sinasabi mo, Jane." Sagot ko naman at kinagat 'yung braso niya at nabitawan niya 'yung kutsilyo.

Sinuntok ko siya at napahawak siya sa mukha niya na natamaan ng kamao ko. Tinignan niya ko ng masama.

"Ang kapatid mo ang dahilan kung bakit siya nakulong at namatay. Kung hindi lang siya namatay dapat buhay pa si Axel hanggang ngayon at dapat hindi siya kinasuhan nila Ren." Sabi niya pa.

"Kaya ka naghihiganti dahil do'n? Kaya ba dinala mo kami dito para patayin?" Tanong ko at sinamaan siya ng tingin.

"Hindi ko alam kung ano ang gusto mong mangyari Jane pero alam mong mali 'to! Mali tong ginagawa mo Jane!" Sigaw ko rin sa kaniya.

"Ano nga ba ang alam mo? Hindi mo naman kasi alam kung gaano kasakit ang mawalan." Nilapitan ko siya at hinawakan sa leeg niya. Hinigpitan ko 'yung pagkakahawak ko sa leeg niya hanggang sa pilit na niyang tinatanggal ang kamay ko.

"No'ng nawala si ate ng dahil sa kagaguhan ng nag over-take na sasakyan ay naghiganti ba ko? No'ng nawala si ate at halos patayin na ko ng mga magulang namin, may sinisi ba kong iba?" Nanggigigil kong tanong sa kaniya.

"Wala diba? Wala akong sinisi kundi ang sarili ko. Hindi ko sinisi si Ren kahit na siya ang nagmamaneho ng sasakyan no'n. Hindi ako nagalit kahit na kanino dahil alam kong hindi matutuwa si ate 'pag ginawa ko 'yun. Sa tingin mo ba ito ang gusto ng ng Axel na tinutukoy mo?" Mahabang kong saad sa kaniya.

Nakita kong halos hindi na siya makahinga dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa leeg niya. Mas lalo ko pang hinigpitan 'yun dahil sa mga ginawa niya sa mga taong nandito ngayon nang dahil sa kaniya.

"Hindi mo na sana kami dinala dito. Dapat kinausap mo kami tungkol dito." Sabi ko pa sa kaniya.

"M-Mi!" Napatingin ako kay Jake na nakaluhod sa sahig at hawak ang balikat niya na may dugo. Titingin na sana ako sa likod ko nang...

"Mimi!"

•••• END OF BATCH 14. ••••

Last Batch (Revised Version)Where stories live. Discover now