~~
REN'S POV
Nasa kalagitnaan na kami ng hallway ni Jiro nang may narinig kaming babaeng na naiyak kaya napatigil kami. Napatingin kami sa isa't isa at dahan-dahang sumilip sa isang parte ng hallway at nakita namin sila Sheen.
"Kuya!" Tawag ni Jiro kay Sheen at lumapit sa kaniya. Napatingin naman si Sheen sa direksyon at lumapit na rin ako sa kanila.
Napatingin ako sa direksyon ni Mikay at nakita kong naiyak siya at yakap-yakap si Alex na may laslas sa leeg. Nanlaki naman 'yung mga mata ko dahil sa nakita ko.
"Babe, kailangan niyo ng umalis dito at humanap ng paraan para makabalik sa mundo natin." Sabi ni Alex at pinakalma si Mikay.
"Unti-unti nang humihina ang kapangyarihan ng dalawang 'yun dahil sa ginawa ng kapatid ni Mimi." Nagtaka ako sa sinabi niya.
"Anong ginawa ni Kriselda?" Tanong ko agad. Sinenyasan niya kaming sumunod at pumasok kami sa science laboratory at sinara niya agad 'yung pintuan nang nakapasok na kami sa loob.
"Alam niyo na naman na nandito tayo sa ibang dimension diba? Kung saan ito ang pinili ng principal para mapuntahan ng lahat." Paninimula niya sa'ming lahat.
"Dahil sa dalawa ang principal sa grupo natin ay ganito ang nangyari. Ang isa ay pumapatay at ang isa ay ang prumo-protekta sa mga buhay." Dugtong niya pa.
"Anong ibig mong sabihin na dalawa ang principal natin? Diba dapat ay isa lang?" Tanong ko naman sa kaniya.
"Pero sa kaso natin ay dalawa sila. Kung sino sila? Sila Jane at hindi ko rin kilala kung sino ang isa pa." Sagot naman niya.
"Kung gano'n, sino 'yung isa pang principal natin?" Napa-isip si Jiro dahil sa mga narinig naming ngayon.
"Mamaya na nating isipin 'yan. May mga mababait, masasama at mapaglarong espirito dito. Subukan niyong umiwas sa dalawa at magiging ligtas kayo." Tumango kaming lahat sa kaniya.
"Ang mga mapaglarong espirito ay ang mga bata na mula lima hanggang pitong gulang." Napatingin kaming lahat sa direksyon ng pintuan nang narinig namin na kumalabog ito.
"Nagkakagulo na silang lahat. Kumilos na ng tuluyan sila Kriselda. Mananatili akong kasama niyo para makasiguro akong ligtas kayo." - Alex.
"Sumama na kayo sa'min. Babalik tayo sa classroom na pinagmulan natin para kunin do'n 'yung mga gamit na ginamit natin sa ritual." Sabi ni Jiro.
"Alam na namin kung paano makakabalik sa mundo natin kahit na hindi kami sigurado kung e-epekto ba pero kailangan nating subukan." Saad ko naman.
"Sige. Tara na. Dalian natin." Lumabas na kami ng laboratory at tumakbo na pabalik ng classroom namin kanina.
~~
MOND'S POV
Nakaupo kami ni Gian sa sahig habang naglalaro ng poker. Buti na lang at nadala ko 'to kundi pagti-tripan ko 'tong batang 'to.
"Kuya sa tingin mo, makakabalik pa ba tayo ng ligtas?" Tumango sa kaniya bilang sagot.
"Oo naman. Tiwala lang. Makakabalik tayo ng ligtas. Po-protektahan natin ang isa't isa." Sagot ko naman at napatingin sa likod niya dahil sa may babaeng nakatayo na malapit sa pintuan ng hindi ko alam kung paano siya nakapasok ng hindi namin napapansin.
"Sino ka?!" Tanong ko agad at napatingin si Gian sa kaniya. Tumayo si Gian at tumakbo palapit sa kaniya at niyakap.
"Gian, lumayo ka at baka saktan ka niya." Sabi ko naman at lumapit sa kaniya at hinila siya palayo.
"Ate, hindi mo naman ako sasaktan diba?" Ate? Kapatid niya 'to? Siya 'yung sinasabi niya kaninang ate na pinatay nung lalaking naka maskara.
Binitiwan ko na si Gian at hinayaan na siyang lumapit sa kapatid niya at niyakap. Pinanood ko lang silang dalawa na mag moment.
"Dito muna ako at po-protektahan kayo. At sa mga oras na 'to, alam kong alam niyo na kung paano kayo makakabalik sa mundo natin." Sabi niya at napatango ako.
"Pero may isa kayong problema. Dapat niyong gamitin ulit ang unang papel na ginamit niyo. 'Pag patay na ang kasamahan niyo, do'n lang matutunaw ang papel. At 'pag buhay pa hindi siya matutunaw." Sabi niya pa.
"Ayos lang. Binalikan na nila ang mga gamit na ginamit namin sa ritual. Pero paano si Gian?" Sagot ko naman at napangiti siya.
"'Wag ka nang mag-alala kay Gian. Nilagay ko sa bulsa niya ang papel na may pangalan niya. Kayo na ang bahala sa kaniya pagkabalik niyo sa mundo natin." Sabi niya at ngumiti ng malungkot habang yakap niya si Gian.
END OF BATCH 9.
KAMU SEDANG MEMBACA
Last Batch (Revised Version)
Misteri / ThrillerAkala mo mga ordinaryong estudyante lng sila pero hindi pala. Akala mo lang pala. Tandaan maraming namamatay dahil sa maling akala. Kaya kilalanin mo muna kung sino ba dapat ang iyong pagkatiwalaan. Date Created: August 2014 Date Revised: March 26...
Batch 9.
Mulai dari awal
