"May iba tayong lakad mamaya," anang binata.

"H-ha? Teka, may isa pa kaming pagkain na kailangan tikman, hindi pa tapos ang trabaho ko!"

"Ayan na naman po siya sa pagiging workaholic n'ya," ani Alona.

"Nakakahiya naman kay Ma'am Erika eh!"

"Ano bang nakakahiya? Hindi, go! Magpakasaya kayo ngayon. Consider this day as your day off," mabilis na sagot ng Boss niya.

"Eh paano po 'yung article sa Ramen?" tanong pa niya.

"Ako na ang bahala doon. Natikman ko na ang karamihan ng Ramen dito sa Japan. Iyon ang kinakain namin ng asawa ko kapag nandito kami tuwing bakasyon. Kaya leave it to me."

"O sige po," aniya.



"SAAN TAYO pupunta?" tanong ni Andie habang nagmamaneho si Reiji, at

panay ang tingin niya sa mga dinadaanan nila.

"Basta, makikita mo mamaya pagdating natin doon," sagot nito.

"Ang daya nila! Gusto ko pa naman matikman 'yong authentic ramen!" protesta niya.

Marahan natawa ang binata kaya napatingin siya dito.

"Bakit ka natawa diyan?"

"Ikaw kasi parang ayaw mo akong kasama. Ano ba ang mas importante sa'yo Ramen o ako?" kunwari ay nagtatampo na tanong nito.

Siya naman ang natawa sa biglang pagda-drama nito.

"Importante ka naman eh, kaya lang kasi, ramen 'yon!" sagot niya.

Pumalatak ito habang umiiling.

"That hurts, Andie! Ramen lang pala katapat ko!"

"Sorry na!" natatawang sabi niya.

"Sige na nga, pagkatapos natin pumunta doon sa sinasabi ko sa'yo. Let's eat, Ramen!"

Namilog ang mga mata niya. "Yes!" masayang bulalas ni Andie.

Halos labinlimang minuto pa ang lumipas bago sila huminto sa basement parking ng isang gusali. Mula doon ay bumaba sila sa kotse saka sumakay ng elevator at huminto sa twelveth floor.

"Kaninong bahay 'to?" tanong ni Andie.

"Mine, come in."

Nasa bungad pa lang siya ay napatakbo na si Andie papasok dahil sa bumungad sa mga mata niya. Malawak ang condo unit nito, pero napapaligiran ang loob ng halos anim na matataas na glass cabinet na may limang layers, at lahat iyon ay puno ng limited edition na Anime Character Figures. Pakiramdam ni Andie ay nag-hugis puso ang mga mata niya.

"Oh. My Goodness."

"Welcome to my kind of paradise," anang binata.

Tulalang lumingon siya dito. "Sa'yo lahat ito?"

"Yup! Pero bakit parang amaze na amaze ka pa rin? Di ba nasabi ko na sa'yo dati pa na marami akong collection?"

"Oo nga, pero hindi ko naman na-imagine na ganito kadami! Parang isa o dalawang display cabinet lang ang pinakita mo sa akin noon," sagot niya.

Hindi alam ni Andie kung saan unang titingin. Gusto niyang hawakan ang mga iyon, pero hindi na siya nagtangka pang sabihin iyon sa binata dahil alam niya na may value ang mga iyon.

Expat Huntress Series 2: Kinō, Kyō No Ai (Yesterday, Today's Love)Where stories live. Discover now