CHAPTER 5

236 16 1
                                    

"I just want to help." dugtong pa nya. Kinakabahan ako kasi uso pa naman sa Pinas ang rape, pero mukha naman kasi syang mayaman kasi yung hitsura nya, yung kotse na gamit nya. Baka hindi naman masama kung sasakay ako.

Ilang saglit pa, tumunog ang cellphone ko at tumatawag pala si Lawrence. I don't know kung dapat ko bang sagutin yung call, pero I chose not to answer.

 "Sa may Coldhall Village, sa may Paranaque lang po. Alam mo dun sir?"

 "Coldhall Village? Yes, I know there, sige ihahatid kita dun. Hop on!"

Hindi ko alam, pero para na din ako nagpapatiwakal sa ginagawa ko eh pero wala this is it na. There's no turning back. Technically 18 na din naman na ako, kaya 'di na nila madidikta ang dapat kong gawin sa napa-wonderful kong buhay.

 "Awesome." sagot ko naman dun sa lalaki. Pasakay na ako sa kotse nya ng may humawak sa braso ko at hinatak ako palayo sa kotse nung lalaki. Bigla namang nagpatakbo ng mabilis ung lalaki sa white car nung makita na may kasama na ako.

Sa gulat ko tinulak ko yung taong humatak saakin palayo dahil niyayakap nya ako. Pero wait, pamilyar saakin yung amoy nung pabango nya.

"Lawrence?!"

"Shontelle! What the hell?! Bakit ka sasakay dun sa kotse nung lalaking yun?! Kilala mo ba yun ha?! Gusto mo bang mapahamak ka?!" 

Sunod-sunod na sabi ni Lawrence, kaya din pala nya magpaka-talkative na ganito eh. Hawak nya ako ngayon sa magkabilang braso ko habang niyuyugyog nya ako ng bahagya.

"Bakit ka ba nandito?! Ihahatid nya ako sa bahay kaya sasakay ako sa kotse nya!" medyo nawawala na ako sa sarili ko dahil sa sobrang pagod. Pawis na pawis na din yung mukha ko at yung likod ko basang-basa na din sa pawis. 

"Hindi mo nga yun kilala eh! Bakit mo ginagawa 'to ha?!" pasigaw na sabi nya saakin na syang kinatameme ko chong! Gusto ko na lang tumalon sa tulay nang matapos na ang paghihirap ng kalooban ko. Ngayon lang nya ako nasigawan at hindi maganda sa pakiramdam lalo. Natakot ako bigla sa kanya kaya hindi ko na napigilang umiyak.

"Ginagawa ko lang naman 'to dahil masama ang loob ko! Ayokong saktan ka, pero dun pa din nauwi ang lahat! Gusto ko lang naman maging masaya ang mga magulang natin sa piling ng isa't-isa, mali ba yun? Tapos, nasaktan naman kita! Sabihin mo saakin saan ako ngayon lulugar?!"

Umiiyak na po ako sa lagay na yan. Hindi naman ako talaga iyakin, pero simula lang nung nainlove ako mas lalong lumambot ang puso kong bato. Sa mga luma kong school puro bully ang inatupag ko eh, hindi ako nakipag-date sa kahit sino dahil iniisip ko nga na corny lang at baduy ang main-love. Which is wrong kasi pag mainlove ka, hindi lang sweetness at lambingan ang meron. Hindi mawawala ang problema na susubok sa tatag ninyong dalawa.

Hinawakan nya ang braso ko at hinatak ako palapit sa dibdib nya at niyakap nya ako ng sobrang higpit.

"Sabihin mo saakin, anong dapat kong gawin? Anong dapat natin gawin? Kasi, mahal na mahal kita e! Ang echusero naman kasi ng love story nating dalawa! Pwede bang i-rewind na lang natin tapos hanapin mo na lang ako bago pa ikasal ang parents natin?" sinusuntok ko sya sa dibdib nya habang yakap-yakap nya ako. Pero mahinang suntok lang dahil nanghihina na din ako sa pagod ngayon.

"Kung pwede yun, gagawin ko. Pero, be strong Shontelle. Wag mo na ulit gagawin ito, sobrang kinabahan ang mama mo pati si daddy din. Buti na lang, natrace kita sa GPS ng cellphone mo. Wag ka ng umiyak." Kinuha nya yung panyo nya sa bulsa at pinunas sa luha ko at dugtong pa nya, "hindi ako papayag na hihiwalayan mo ako, OK? Masyado na kitang mahal para kayanin pa yun."

Wrong Love (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora