I saw Kerko’s jaw tightened. Nakatingin lang din siya sa aming dalawa ni Lance. I did my best to at least try to ignore him and I believed I did it. Hindi ko siya kinausap o pinansin man lang sa buong duration ng brunch na ‘yun.

“Dale, pwede bang huwag muna akong sumama sa inyo ngayon?” naglalakad-lakad kami sa labas ng lapitan ko si Dale. Mamaya pa kasi kaming hapon. May mga nauna ng kinukuhanan pero ako at ang iba, mamaya pa and Kerko will be the photographer… as always. Nagalit kasi siya nung nakaraang umalis siya para puntahan si Sophia niya na may sakit daw tapos nagkaroon kami ng shots na very intimate na may kasamang male models. Bakit daw ginawa ‘yun. Tss.

“Hmmm…” inakbayan pa ako ni Dale bago inilapit ang mukha sa akin. “Ano ba?!” itinulak ko ang mukha niya. Mukhang tanga. “Kay Kerko ka magpaalam,” he winked at me.

“Kaya nga ako sa’yo nagpapaalam kasi ayoko siyang kausap. Ikaw nalang magsabi sakanya, okay?” I smiled sweetly to him. Bigla namang may nagtanggal ng kamay ni Dale mula sa balikat ko.

“Back off, dude. She’s mine.” Lance snaked his arm around my waist and kissed my temple. “Nawala lang ako saglit, umaatake ka na.” Natatawang sabi nito kay Dale.

“Bakit ba lahat nalang ng nagiging boyfriend mo, possessive?” tanong sa akin ni Dale. Tinignan ko siya ng masama. Dalawa lang naging boyfriend ko. Gusto ata nitong masapak? Hindi ko pipigilan si Lance.

“I am being possessive because I don’t want to lose her. Ayokong mawala sa akin si Mika.” Lance answered him. Nag-angat naman ako ng tingin para masdan siya. Seryoso ang mukha niya. Hinawakan ko ang pisngi niya at ngumiti. “Hindi naman ako aalis.”

He smiled to me and cupped my face, bent down his head and claimed my lips.

“Kailangan niyo talaga ng audience for that?” our lips parted ng magsalita si Kerko mula sa likuran. I sighed inwardly. Ayan na naman siya.

“Is there any problem, Kerko? May masama ba kung hahalikan ko ang girlfriend ko?” inakbayan pa ako ni Lance bago humarap kay Kerko.

“Not really, Saavedra. It’s just that—“

“Sandali lang! May nagseselos dito!” napalingon kaming tatlo ng sumigaw si Dale. May kausap siyang may kalayuan sa amin na tila tinatawag siya. “Teka lang! Minsan lang ‘to e!” Sagot ulit ni Dale sa kausap. Lumingon naman siya sa amin pagkatapos. We’re all glaring at him.

“Hindi ka nakakatuwa.” I said.

“Nagseselos?” Lance smirked. “Well, magselos ka lang hanggang gusto mo, Kerko. Libre naman. But you need to keep this in mind…” hinawakan ni Lance ang kamay ko at lumapit kay Kerko. “She’s mine now and I guess, you’re the one who should back off now.”

“Lance…” hinila ko ang kamay niya. I know when he’s serious and when he’s not and right now, alam kong kayang manapak ni Lance.

“We’ll see, Saavedra. And she’s not yours. She’s mine to begin with. Extra ka lang.” sagot naman ni Kerko.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें