This is a work of fiction. names, characters, businesses, places, events, incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictious mannner. Any resemblance to actual events is purely coincidental.
Do not distribute without the permit of the author.
Plagiarism is a crime.
Libre lait he-he, Sorry for typo's and grammatical errors.
¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
----
"Kazumi, pinapatawag ka ni sir Dohan sa office niya, ikaw lang ang remedial sa mathematics."
"Kazumi!"
Halos matumba ako sa lakas ng sigaw ng nag-iisa kong kaibigan na si Demetria, oh diba pang ancient Greek pa pangalan niyan haha!
"D-demetz, bakit???"
Inayos ko muna ang eyeglasses ko bago siya lingunin.
"Ang sabi ko, remedial ka sa mathematics, pumunta ka na ngayon sa office ni sir dohan, baka malintikan ka na naman."
Oo nga pala! kailangan ko ng pumunta sa remedial class ko, bakit ngayon ko pa nakalimutan?!
"Oh pano? di ka sasabay sa Jeep ah?, mauna na ako."
Tumango lang ako saka mabilis na tumakbo sa 3rd floor ng building namin.
"S-sir...hayy..s-sorry."
Paghingi ko ng paumanhin dito, magkasalubong na naman ang kilay nito, galit na naman 'to saken, ako lang kasi lagi ang sumisira sa demo niya, lagi akong hindi nakakapasa sa quizzes na binibigay niya, eh anong gagawin ko, sadyang boplaks ako sa math!!!
"Sagutan mo na yan, ngayon na."
Maikling sambit nito, sabay pahagis na ibinigay sa akin ang test paper, pinulot naman ito ng katabi kong lalaki, teka sino 'to??? parang ngayon ko lang siya nakita sa remedial class ni sir?
"Sayo ata ito miss?"
Natulala ako sa angking kagwapuhan nito, bakit ganon??? nag-half smile pa siya parang nag s-slow motion yung paligid.
"Unahin ang pag-aaral bago ang kalandian Ms. Roces!"
"Wahhh!"
Nagsimula ng magtawanan ang iba pang mga remedial students, kabilang na si kuyang pogi, nako ano na naman bang kahihiyan 'tong ginawa ko!
Inilapag ni kuyang pogi yung test paper ko sa desk ko, napangiti naman ako kaso sa tingin ko napakapanget ko sa anggulong iyon! Huwag kang assuming Kazumi, pangit ka talaga. Haha!