Naglakad siya ng dahan-dahan at hinanda na niya ang hawak niyang lagare. Sinubukan kong kumilos pero dahil sa sobrang takot ko ay hindi ako makakilos ng maayos.

"Sino ka?! Bakit mo ginagawa 'to?" Tanong ko pero wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad palapit sa'kin.

"Layuan mo siya!" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Mond at may kasama siyang taga ibang school.

Pinagtulungan nila Mond 'yung lalaki at may may umalalay naman sa'kin para tumayo. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko si Jiro.

"Salamat, Jiro. Pero sino 'yung isa niyong kasama?" Sabi ko sa kaniya. Napatingin kami do'n sa dalawa at agad silang lumayo sa lalaking nakamaskara at lumapit sa pwesto namin.

"Okay ka lang, Mi? Tara. Alis na tayo." Sabi ni Mond at tinulungan niya si Jiro na alalayan ako at umalis na kami sa lugar na 'yun.

~~

REN'S POV

Napunta kami ni Gian sa isang storage room at doon muna nagtago habang hindi pa namin nakikita ang iba pa. Tumingin ako sa phone ko at nakita kong wala pa ring signal. Kanina pang walang signal 'to ah.

"Kuya, tignan mo po 'to oh." Napatingin ako sa direksyon ni Gian nang narinig ko siyang nagsalita at may tinuturo siya sa harap niya.

Napatingin naman ako sa tinuturo niya at tinapat doon 'yung flashlight ng phone ko at binasa ang nakasulat doon.

"Shutoku University..." Paninimula ko. Shutoku? Alam ko dapat Seirin University 'to ah. Pero bakit iba ang pangalan?

"Sabi ni ate sa'kin habang hindi pa namin ginagawa 'yung game ay mapupunta daw kami sa isang lugar na alam namin pero may kakaiba din sa lugar na 'yun." Sabi ni Gian sa'kin.

"Nag-aaral din si ate sa Seirin University at dito kami napunta. Saka sabi ni ate ay hindi pa alam kung paano makakabalik sa sarili nating mundo kung tagumpay ang pagpunta natin dito." So, paano kami makakabalik ngayon?

"Kung hindi alam ng ate mo kung paano makabalik, bakit tinuloy niyo pa rin?" Tanong ko naman sa kaniya.

"Kasi sabi niya hindi naman daw totoo 'to eh." 'Yan din 'yung iniisip namin no'ng ginawa namin ang ritual kanina. Pero nagkatotoo ang lahat.

"Gian, tulungan mo kong maghanap ng mga files dito na pwedeng makatulong sa'tin para makabalik sa mundo natin. At 'pag may nakita ka o kaya nakita kang tao, tawagin mo agad ako." Sabi ko at agad naman niya kong sinunod.

~~

Habang naghahanap ng mga files ay napunta ako sa bandang likod na parte ng storage room at may nakita akong isang babaeng nakatayo at agad ko siyang nakilala.

"K-Kriselda?" Napangiti siya sa'kin at naglakad palapit. Hinawakan niya ko sa pisnge at 'yun din ang ginawa ko sa kaniya.

"Pero patay ka na. Bakit ka nandito?" Tanong ko at nginitian niya lang ako at may tinuro sa bandang likod niya. Napatingin ako doon at may nakita akong isang box. Nilapitan ko naman 'yun at kinuha.

Nilapag ko sa pinakamalapit na lamesa 'yung kahon at binuksan. Naramdaman ko naman na lumapit si Kriselda sa'kin at niyakap ako.

"Kailangan mo ng patawarin ang sarili mo, Ren. Hindi mo kasalanan ang aksidenteng 'yun." Bulong niya at napa iling ako.

"Kasalanan ko. Kung tinitignan ko lang 'yung dinaraanan natin no'n dapat buhay ka pa hanggang ngayon." Sagot naman.

"Wala kang kasalanan. 'Wag mo ng sisihin ang sarili mo." Sabi pa niya. Napatingin ako sa kaniya at hinalikan siya sa noo.

"Nandiyan 'yung ibang sagot sa tanong niyo. Hinahanap ko pa 'yung iba para makatulong at para makauwi kayo ng ligtas sa sarili niyong mundo. Hindi kayo nababagay sa dimension na 'to." Pagkasabi niya no'n ay nawala na siya ng parang bula.

Ibang dimension? Kung gano'n Talagang kailangan ko na talagang tanggpin ang totoo. Napalingon ako nang may narinig akong yabag ng paa at nakita ko si Gian na may hawak na libro. Nilapag niyo 'yun sa lamesa at umupo sa upuan.

"Kuya, tignan niyo po 'to." Tumingin ako sa tinuro niya at agad na nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko 'yung isang litrato ng babae.

"Siya 'yung babae kanina na may hawak na palakol diba?" Tumango siya at hanggang sa picture ay natatabunan pa rin ng buhok ang mukha nito.

"At kasama niya rin po 'yung lalaking pumatay sa ate ko." Napatingin ako sa katabing picture nung babae at may picture doon ng isang lalaking may maskarang suot.

"Bakit kaya sila pumapatay?"Napatanong ako sa sarili ko kahit na hindi ko rin naman alam kung ano ang sagot. Nagbasa na lang ulit kami ni Gian at inalam na lahat ng dapat naming alamin.

END OF BATCH 4.

Last Batch (Revised Version)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora