Pasukan na naman.
Ang pinaka kinasasabikan ko noon. At labis na kinatatamaran ko naman ngayon.
Di ako tulad ng ibang estudyante, sabik sa baon kaya pumapasok
Basta.. Ewan ko ba.
"Tabe!!!! Tabe!!!"-Sam
Nagulat ang mga tao sa biglang sigaw ng isang lalake
Si Sam lang pala, tropa ko.
Di na nya kailangang hawiin ang mga tao para lang mag sitabi sila
Kasama nya rin yung iba
Sila Nigel, Carlo.
Gangsters, NOON.
Mga barkada ko silang lahat dito sa school
Kapansin pansin kasi ako lang babae sa barkadahan namin
Dahil nakilala sila bilang mga bully at gangsters sa school, pati ako dawit na simula naging barkada ko sila.
"Hera! Nandyan ka pala kumag ka!"-Carlo
"Kala namin di ka na papasok!"-Sam
"Si Hera? Di papasok? Impossible"-Nigel
"Ingay nyo letche." Sabi ko sabay walkout
"Nakakainis. Sana naging magkakaklase na lang tayo"-Sam
"Di mo kaya utak ko"
"Boom mayabang!!"-Sam
"Cutting tayo!" Pag aaya ko.
"Wag mo na kami damay Hera!"-Nigel
"Oo nga nagbabagong buhay na kami!"-Sam
"Tara!"-Carlo
"Oh. May kakampi ako!"
"Tara na nga"-Nigel
Wala rin silang nagawa kundi sumama
Hohoho. Alam ko na gusto rin nila
Pumunta kami sa isang abandoned room sa dulo ng campus
Abandonado na sya kasi nasunog to nung nakaraang taon.
Since malayo naman to kumpara sa ibang kwarto, dito na lang itinatambak ang mga lumang upuan.
Hindi pala to nasunog, SINUNOG pala.
"May pakinabang din pala tong kalokohan natin minsan eh no? Akalain mo nagkaron pa tayo ng instant tambayan"-Sam
"Buti na lang di to abot ng CCTV, kundi lahat tayo sibak dito"-Nigel
"Sayang ka Hera"-Sam
"Wala kong pake, kahit I-drop mo pa ko ngayon eh"
Tumambay kami ng matagal dun, puro kwentuhan lang nung bakasyon
*Tiiiing~ Tiiiing~ Tiiiing~ Tiiiing~*
Tumunog na yung bell.
"Di tayo papasok kahit isang subject manlang?"-Carlo
"Tara na!"-Sam
"Ayoko sa mga kaklase ko"
"Hayaan mo sila. Tara na! Makakahabol ka kami hindi"-Nigel
Psh. Ano ba yan
Tamad na tamad na kong pumasok eh!
---------------------
(Sa classroom)
CLASS 4-A
*third period*
YOU ARE READING
My Girlfriend Is A Gangster
Teen FictionAno nga ba ang tunay na imahe ng mga kababaihan? MARIA CLARA ba? Paano kung ang makikilala mong babae ay kabaliktaran niya? Gugustuhin mo pa bang makasama sya? Magiging curious ka ba? Isang babaeng palamura, masungit, suplada, warfreak, at puro boys...
