Prologue

5 0 0
                                        

Sa laro ng pag-ibig, walang kasiguraduhan. Dapat marunong kang tumaya, dapat marunong ka rin mag taympers.

Ang pag-ibig, minsan parang baraha. Nasa sayo kung susugal ka o hindi. Nasa sayo kung lalaban ka o hindi. Nasa sayo kung paano mo sisimulan at tatapusin.

Hindi laging talo, hindi rin laging panalo.

Hindi "yes" sa lahat ng pagkakataon, minsan "tangina" rin.

Walang kasiguraduhan.

"Risking is always better than regretting."

Pero paano ka susugal kung may mabigat na dahilan ang pumipigil sa'yo?

Paano mo ako matataya kung sa bawat pagbilang ko, hindi mo na ko hinahanap?

Take the risk or lose the chance.

--

Hello! Ikaw! Oo, ikaw ngang nagbabasa. Bago ka magpatuloy...

Handa ka na ba?

Handa na ba tanggapin ng puso at isip mo ang mga aral na matututunan mo sa kuwentong ito?

Handa ka na ba maramdaman ang bawat sakit at lungkot, bawat tuwa at galak?

Kung oo, halika na! :) Magbasa ka na.

Storm & Rainbow.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora