Napapitlag siya ng sundutin ni Alona ang tagiliran niya.

"Malay mo, pagdating sa Japan... yieeee!" tudyo nito.

Natawa na lang si Andie. "Tse, huwag ako pagtripan mo no?" saway niya.

Tinawanan lang din siya nito bago bumalik sa cubicle nito. Nagpangalumambaba siya sa ibabaw ng table saka kinuha ang isang character figure na guwapo at hawig sa binata. Pagkatapos ay kinuha ni Andie ang cellphone at binuksan ang messenger. Tinap niya ang screen sa tapat ng pangalan na Yamada Reiji, nang mag-open ang chat box nito ay agad siyang nag-type ng short message.

"Ohayo Reiji, received the package today. Thank you so much."

Wala pang isang minuto ay nag-reply ito.

"Hope they reached you without damage."

"Oh, they arrived safe and sound."

"That's good."

"Arigato."

Imbes na mensahe ang isagot ay isang emoticon na naka-pout na may puso sa nguso ang sinagot nito. Kaya naman sumagot siya ng emoticon na korteng puso ang mata.

Walang iba kung hindi si Reiji Yamada ang Senpai na pinag-uusapan nila ni Alona. Ang Japanese na nakilala niya noon, sampung taon na ang nakakalipas. Matapos niya itong tulungan noon, dahil magkalapit lang ang bahay nila na tinutuluyan. Naulit pa ang pagkikita nila. Si Aling Tessie pala na palagi niyang binibilhan noon ng meryenda ay naging kasambahay ng Lola ni Reiji, at siya rin ang nagpalaki sa binata noon. Late na rin niyang nalaman na fluent pala itong mag-tagalog. Si Aling Tessie pa ang nag-kuwento sa kanya na marunong daw kasi mag-tagalog ang Lola ni Reiji at sa tulong din nito kaya natuto ng husto ang binata.

Pag-aaral ang naging dahilan ng pagpunta dito noon si Reiji. Dalawang taon itong nanirahan sa Pilipinas at sa loob ng panahon na iyon ay naging magkaibigan sila. Ang binata ang nag-introduce sa kanya ng anime hanggang sa maka-adikan na niya ang panonood niyon, tinuruan din siya nitong kumain ng Japanese foods. Napatunayan ni Andie na hindi lahat ng Japanese ay masama at salbahe gaya ng kuwento ng Lolo niya. Dahil malayo sa ganoon ugali ang binata. Ang panonood ng anime ang naging stress reliever niya noon lalo na kapag sobrang pressure sa mga school projects at thesis. Andie became very good friends with Reiji. Kaya ng umuwi ang binata sa Japan ay labis siyang nalungkot. Nasaktan siya ng husto ng umalis ang binata, hanggang sa naputol ang komunikasyon nila ng tatlong taon, kaya hindi na umasa si Andie na magkikita o magkakausap sila.

Hanggang sa isang araw ay padalhan siya ng package ng pinsan niyang si Imee na may asawang Hapon at nakatira na sa Japan. Ang laman niyon ay anime figure ng pinaka favorite niyang anime character. Andie fell in love with that anime figure, simula noon ay nag-desisyon siyang mag-kolekta ng mga iyon. Mabuti na lang at may kilala si Imee na legit anime collector na may alam na murang bilihan ng original na anime figures. Regular customer daw si Imee at ang asawa nito sa Restaurant na pag-aari nito. Sa pamamagitan ng Video Call ay pinakilala sa kanya ni Imee ang kaibigan nitong anime collector din. At ganoon na lang ang gulat ni Andie ng makitang ang tinutukoy ng pinsan ay walang iba kung hindi si Reiji. Hindi niya maipaliwanag ang saya ng muling makausap ang dating kaibigan. He looks more matured then, pero mas lalo itong gumwapo. Noong una ay hindi sila madalas mag-usap nito, may girlfriend si Reiji ng mga panahon iyon at naiintindihan ni Andie na natural na ilaan nito ang oras sa mahal nito. Ngunit ng kalaunan, naging mas madalas ang pag-uusap nila through video call, o kaya naman ay sa chat. May mga pagkakataon pa nga na tumatawag ito sa phone niya. Hindi na rin nito kinukwento ang girlfriend nito gaya ng nakagawian. Until Reiji confessed one day that his girlfriend left him. Simula ng sandaling iyon ay mas lalo silang naging close. Sinubukan ni Andie na pasayahin si Reiji, sinuportahan niya ito sa kabila ng pinagdadaanan. Hindi na lang anime figures ang main topic nila kung hindi maging ang mga nangyayari sa personal na buhay nila. Pero isa lang ang hindi pa niya sinasabi sa binata, ang tungkol sa galit ng Lolo niya sa mga Hapon. Pinili niya na itago iyon dahil ayaw niyang ma-offend ang binata.

Expat Huntress Series 2: Kinō, Kyō No Ai (Yesterday, Today's Love)Where stories live. Discover now