Simula

0 1 1
                                        


Ang aking buhok ay patuloy na sumasayaw dala ng hangin. Pumikit ako at inalala ang mga pangyayari tatlong taon na ang nakalipas. Hindi ko inakala na mangyayari iyon. Hindi ko alam na, posibleng mangyari ang ganoong trahedya sa buhay ko.

"Aria, kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala."

Lumingon ako sa aking kaibigan, ang aking karamay, ang tanging nakakaalam ng tunay kong pagkatao.

Ngumiti ako ng mapait, at kahit sa huling sandali, niyakap ko siya. Nagulat naman siya sa ginawa ko, ngunit nang tumagal naramdaman ko nalang ang kaniyang mga kamay ay dumadusdos sa aking beywang. Ilang minuto kaming ganon, wala kang maririnig kung hindi ang alon pati na rin ang dahon ng mga niyog na patuloy na hinahangin.

"Tama na nga, ikaw ah. Iiwan mo na ako." She said while smiling but I can see through her eyes that there's no humor on it.

"I'm sorry, kailangan lang. Handa na ako. Handa na akong harapin ang mga problema ko." I said then I smiled to her. Sinuklian niya naman ang ibinigay kong ngiti, this time she smiled genuinely.

"Alam mo bang noong nakilala kita, akala ko noon, suplada at mata pobre ka? naiinis pa nga ako sa'yo non." Aniya, habang nakatingin sa dalampasigan. Bumaling din ako dun. Napangisi nalang ako nang naalala ang dating ako noon.

"Fetty!, Aria!, nasaan na kayo?"

May narinig kaming boses sa likod namin kaya bumaling kami don. Nakita ko si Aling Jenna. Ang kaniyang kayumangging balat ay bagay sa kaniyang itim na itim na buhok. Ang kaniyang mga mata ay may pagka-brown gaya ni Fetty.

"Oh, aba. Aria, malelate ka na sa sakayan." Sambit niya nang makita niya kami.

Ngumiti ako sa kaniya.

"Pasensiya na po, nagpapahangin lang." Paumanhin ko. Ngumiti naman siya ng tipid at iminuwestra ang daanan pabalik sa kanilang bahay.

Nang makarating na kami sa sakayan ay muli akong niyakap ni Fetty, I'll really miss this woman. Yumakap naman sa akin si Aling Jenna. Mamimiss ko ang mag-inang ito na kumupkop sa akin nang mga panahon walang wala ako.

Ngumiti ako sa kanilang dalawa at sumakay na sa tricycle. Kinawayan ko sila sa huling pagkakataon bago umandar ang sasakyan. Pumikit ako at inalala ang mga sandaling nakasama ko sila.

Naglalakad ako noon, walang wala, hindi alam kung saan pupunta. Hanggang sa may narinig akong isang malakas na busina and then my vision turned into black. Nagising na lamang ako na nasa pamamahay na ako nina Aling Jenna at Fetty. Anila'y muntik na daw akong masagasaan ng isang truck, buti nalang daw ay nakapreno ang driver ng truck. Nahimatay lang daw ako dahil sa gutom at uhaw.

I am really lucky because they have found me. Kung sa iba ako napunta ay hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan. They treated me like their own family member. At ganon na lamang ang lungkot nila nang malaman na aalis na ako. Hindi ako habang buhay sa kanila, kailangan ko din umusad. Dahil kung hindi ay habang buhay din akong magsisisi. I don't want to regret tomorrow.

Sa huling pagkakataon, tinanaw ko sila. Nakita kong hinatid nila ako ng tingin. At kahit na malayo na ay nakita ko kung paano kumislap ang mata ni Fetty.

See you.

Nakarating na ako sa terminal ng bus, but my mind is still in chaos. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Kung saan ako sasakay. Kaya ko ba talaga silang iwan?. Nagdadalawang isip ako na 'wag nalang umalis nang rumehistro sa utak ko ang pangyayari tatlong taon na ang nakalipas. Unti unting sumibol ang galit ko sa mga taong nang-alipusta sa kayamanan ng aking pamilya. I need a revenge. A sweet revenge. But is it worth it?. Alam ko na ang pagtatanim ng galit ay walang maitutulong sa akin. But who cares anyway?.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Sep 17, 2019 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

RuinedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt