“Wala naman. Gusto ko kasing magbakasyon muna at makapagrelax.”

“ganun ba? Kain na muna tayo…”, si Charles na hinawakan si Lance at iniupo sa silya na katapat ng sa kanya.        

Habang kumakain ay napansin ni Charles na tila namumutla si Lance at matamlay kaya nag-alala siya at nagtanong kung kamusta naman ito…

“I’m good…”, nakangiting tugon ni Lance.

“Sigurado ka? We can see the doctor if you want.”

“We? See the doctor? N-n-no… If the ill feeling would persist, maybe I would pero I’m fine, maybe some sleep would make me feel b-b-be….*BLAG!!*” naputol na sambit ni Lance na nabuwal sa pagkakaupo dahil sa pagkawala ng malay.

Nagulat sa nangyari si Charles kaya agad niyang binuhat si Lance at inilagay sa kama, agad rin siyang tumawag sa ospital para magpadala ng ambulansya na maaaring magdala sa kanila sa ospital.

Ilang sandali lang ay dumating na ang ambulansya at dinala na si Lance sa ospital.Nang makarating naman na sila sa ospital ay sinabihan na rin agad ni Charles si Melissa na hindi makakapunta dahil sa nangyari kay Lance kaya nagpasya ito na puntahan na lang si Charles para makausap pero bago pa man sila makapag-usap ay ang doktor ni Lance ang kinulit ni Charles.

“Doc, ano na ho ba’ng lagay ng pasyente?”, nag-aalalang tanong ni Charles nang lumabas ang doktor sa kwarto ni Lance.

“Ok naman siya. Walang masamang nangyayari sa kanya physically.”, kalmadong sagot ng doktor.

“Ok? Sumasakit madalas ang ulo at hinihimatay lagi tapos ok? Wala yata akong kilalang ok na ganun.”, pasigaw na sambit ni Charles.

“Ano ba’ng napapansin mo sa pasyente lately?”, balik na tanong ng doktor.

“Ano ho? Bakit ako ho ang tinatanong ninyo?”, pagtatakang tanong ni Charles.

“Cause I know that with his actions and the symptoms he’s showing, you believe that something’s wrong with him, that he may have a serious ailment but no, he’s healthy.”

“Bakit siya hinihimatay? Bakit laging sumasakit yung ulo niya at bakit lagi siyang parang namamaalam?”, si Charles na naguguluhan.

“Follow me to my clinic.”, sambit ng doktor na sumenyas na sa klinika na nila pag-uusapan ang lagay ni Lance. Sumunod si Charles sa doktor pero bago pa man makapasok sa loob ng klinika ay dumating si Melissa na may kakaibang presensya, wala ngayon ang ngiti nito at masayahing tindig, unti-unting nararamdaman ni Charles ang tensyon na dala ni Melissa kaya tango lang ang iginawad niya rito nang makitang papasok rin ito sa klinika ng doktor.

“Are you sure you want to know what’s happening?”, si Melissa na pumasok sa loob ng klinika pero nakatuon ang mata kay Charles.

“OO. Gusto kong malaman kung anong nangyayari kay Lance at kung bakit siya nagkakaganoon.”

HOUSE FOR SALE (boyxboy) *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon