“Historical pala ang trip mo ngayon…”

“Oo at walang basagan ng trip…*singhot* ano yun? Parang nasusunog?”, si Lance.

“Wala ka bang nakasalang sa kalan?”

“Shit! hindi ko yata napatay yung kalan!”, sigaw ni Lance sabay tayo at diretso sa kalan para patayin ang apoy at inalis niya na rin ang kawali na natutong na dahil sa matagal na pagkakasalang sa kalan.

“Naalala nga ako pero nakalimutan naman yung nakasalang sa kalan…”, nakangising sambit ni Charles kay Lance na bumalik sa upuan niya.

“E kasi po kanina pa ako nakatitig sa inyo kaya ganun.”,pambobola ni Lance.

“Asus!!! Napakabolero!”, si Charles na pinisil muli ang ilong ni Lance tulad ng dati.

“Namiss ko yan..”

“Namiss kita…”

                At nagngitian ang dalawa habang magkatitig, sa puntong iyon ay tila nagkaroon ng panibagong alab ang relasyon nilang dalawa at nakalimutan ang pinagdaanang tila naging parte na lamang ng isang madilim na alaala. Tumuloy sa pagkain ng agahan ang dalawa, kung minsan ay magususubuan o di kaya’y magtatawanan pero mas madalas na tititig lang sila sa mukha ng bawat isa na tila kinakabisa ang bawat sulok at anggulo tapos ay magpapalitan ng ngiti at tutuloy sa pagkain.

                Matapos ang pagkain ay naggayak na ang dalawa para sa pagpunta nila sa Intramuros…

“Lance, ano kayang magandang isuot para sa lakad natin?”,tanong ni Charles na nakabrief lang at nakapamewang.

“Kahit ganyan lang ayos na.”, natatawang sambit ni Lance na nakatapis ng twalya dahil kakatapos lang ng paliligo.

“Seryoso naman ako…”, patampong sambit ni Charles kay Lance.

“E kasi naman pati yung damit na isusuot mo e ako pa yung magsasabi kung alin ang bagay… pero ito yun, kahit na ano pa ang isuot mo e bagay sa iyo… ayos?”

“Opo! So magcocoat ako?”, nakangising sambit ni Charles.

“Ok lang naman kung kaya mong maglakad ng napakatagal sa ilalim ng sikat ng araw nang naka-amerikana e ikaw ang bahala, basta ako e nakawalking shorts at T-shirt lang.”, si Lance na nagsusuot ng shorts.

“that’s more like it… sungit mo pa rin tulad ng dati!”

“Oo na! Bilisan mo na sa pagbibihis para naman marami tayong mapuntahan…”

“Kung makapagmadali naman ito e may kotse naman.”

“Commute lang tayo ngayon, mahal ang gas!”

HOUSE FOR SALE (boyxboy) *COMPLETED*Where stories live. Discover now