“Bitawan mo siya, iho. I asked her to do that.”, sambit ng ina ni Lance.

“Tita… why do such act?”, nagtatakang tanong ni Charles.

“Lance is asking about the person who gave him the bracelet and I can’t afford to tell him that you were the one who gave it so I got someone to pretend as his girlfriend.”

“This is too much tita… “

“I know. Kaya nga sinasabi kong iwanan mo na siya para hindi ka na masaktan.”

“Bakit hindi na lang kaya natin sabihin ang totoo?”

“And you believe that things will be better once you tell it to him? His situation is much worse than what you perceive it is and it’s more complicated that what you know. If he won’t be able to accept his past then he’ll definitely get worse… handa ka bang isugal ang buhay ni Lance para lang sa kasiyahan mo?”, tugon ng ginang.

Sa yugtong iyon ay napatigil muli si Charles at napilitang huwag na ngang sabihin ang totoo at magtiis na lang hanggang kaya niya…

“I understand now… pero can we stop introducing new faces as they may start to cloud Lance’s mind. Baka kasi mas lalo akong hindi maalala ni Lance sa ginagawa natin e….”, naluluhang sambit ni Charles.

Tila naawa naman sa kalagayan ng binata ang ginang kaya niyakap niya ito at tinapik ang likod… “Sorry Charles, promise, we will not introduce new faces anymor. I’m sorry that you have to hurt this way,kaya nga ayoko ng magstay ka e dahil alam kong mas mahihirapan ka lang..”

“Handa naman po akong masaktan, buhay ko po kasi siya e…”

“Enough of the drama, Charles, hinahanap ka ni Lance.”, si Melissa na nakatayo sa hallway at nakapamewang.

“Umayos ka nga ng porma… para kang lalake kung kumilos.”, pang-aasar ni Charles na pinunasan ang mukha tapos ay naglakad papasok sa kwarto ni Lance.

“Amanos lang tayo Charlie dahil para kang dalaga kung umarte… ahaha!”, balik na asar ni Melissa na tinugon lang ng ngiti ni Charles.

“Kambal nga sila ni Lance… parehas baliw.”, nangingiting usal ni Charles sa sarili at naisip rin niyang kung wala si Lance ay malamang na nahulog ang loob niya sa kakambal nito.

Binuksan niya ang pintuan at tumuloy na sa loob ng kwarto ni Lance.

“Ano na? Sino na’ng lampa? Tumakbo lang tapos hinimatay na?”, natatawang usal ni Charles.

“Adik! Nahilo lang ako kasi parang naamoy ko yung hininga mo kaya hinimatay ako.”, si Lance na hindi mapigilan ang pagtawa.

“Pero ok ka naman na?”, nag-aalalang tanong ni Charles.

“Oo naman. I’m strong as a bull…”

“Buti naman kung ganun at may napurnada pa tayong wrestling match!”, nakangising sambit ni Charles.

“Charlietot… Is it ok if you’d stand as my bestman?”, tanong ni Lance na parang hindi napansin ang ngisi ni Charles.

“Ikakasal ka?”, gulat na tanong ni Charles.

“Nothing soon but I have plans of marrying Bev.  If she gave that bracelet and that bracelet gives me the feeling of being so special and loved then maybe, we have that special bond, maybe I love her so much.”

“Lance, you don’t love her ok? She is not the one who gave that bracelet.”

“Pano mo naman nalaman?”

“Cause I gave that bracelet, we are bestfriends right? We used to live in a house together and that’s why I know everything about you… We used to love each other.” Isip-isip ni Charles.

“Huy! Paano mo nalaman?!?!”, pasigaw na tanong ni Lance.

“Wala! Kasi close tayo tapos kilala ko naman si Bev at walang kakayanang bumili ng white gold bracelet yun at ireregalo sayo…”, depensa ni Charles.

“Judgmental mo talagang kumag ka!”, natatawang sambit ni Lance. “Naiinggit ka lang yata e. bakit kasi hindi ka pa maghanap ng makakasama mo sa buhay?”

“Hindi pa naman ako ganun katanda saka may hinihintay pa akong tao”

“Sigurado ka bang darating siya? Si Melissa kaya… maganda naman yung utol ko diba?”

“Oo, mabait pa pero may laman kasi ito ngayong iba e…”, si Charles na tinuro ang dibdib niya.

“Wag kang maghintay sa taong hindi mo alam kung kelan babalik o kung babalik pa nga ba… You might just be wasting your time.”

“Let me waste my time… alam kong babalik siya.”

“Move on, man… That person may want you to move on.”

“Really? Gusto niya na nga ba?”

“Baka… malamang… ang alam ko lang ay ayaw ka niyang masaktan…”

“Pero masakit kung kakalimutan ko siya ng basta basta…”, sambit ni Charles na sasagutin pa sana ni Lance kung hindi tumunog ang telepono ni Charles at kinailangan nitong umalis agad…

Nang makaalis si Charles ay pumasok sa silid si Melissa at nakakunot ang noo…

“Akala ko ba sasabihin mo na?”

“Naghahanap lang ako ng tamang tiyempo?”

“Bilisan mo na dahil habang tumatagal, lalo lang siyang umaasa at nasasaktan…”, si Melissa na lumabas ng kwarto para iwan ang kapatid para makapag-isip rin ito.

“Maybe it’s time to tell him the truth…. Pero pano? Paano?”, sambit ni Lance nakatitig ngayon sa kanyang pulseras.

HOUSE FOR SALE (boyxboy) *COMPLETED*Where stories live. Discover now