Chapter 18 - Mountain of feelings (Part 1)

Magsimula sa umpisa
                                    

Tinulungan ni Ezekiel iyon dalawang turistang kalahi niya ata na magtayo ng tent na pinahiram niya sa kanila. Ang akala raw kasi ng dalawang turista ay isang buong araw lang aabutin ang pag-akyat ng bundok. Hindi nila aakalain na mahaba ang pag-akyat at hindi kakayanin ng isang araw lang at kailangan ipagpapabukas pa ang peak. Kaagad naman nagpahiram ng tent si Ezekiel. Palagay ko ay napaka-accommodating niya sa dalawang babae. Siya pa talaga ang kauna-unahan nag-offer.

Lumakas lalo ang ulan at at sinarado ko ng kaunti ang tent. Dahil pinahiram niya ang isang tent sa dalawang babaeng turista magsheshare na lang daw kami sa iisa. Ayoko pa ngang pumayag noon una pero hindi ako makaalma. Wala rin naman akong magagawa.

Mahaba-habang minuto pa ang nakalipas pero hindi pa siya bumabalik ng tent. Baka naman nakituloy na siya doon sa dalawang babae? Siguro, he seemed enamoured by them.

"Danielle." I saw him opening the tent at umusod ako sa loob para makapasok siya Basang-basa siya. Pumasok rin si Jade at basang-basa rin.

"Okey na sila?" Tanong ko.

"Oo, nakatayo na rin ang tent nila.Tinulungan ko silang itayo kasi baka hindi nila alam kung paano gawin since hindi sa kanila iyon." Tumango na lang ako. Hindi ako interesado.

Nabigla naman ako ng nagwasiwas si Jade ng tubig mula sa balahibo niya.

"Sorry."

"For what?"

"Nabasa ka ni Jade." Umiling lang ako.

"Hindi naman ako ganoon kaarte no. Magbihis ka na rin. Basang-basa ka." Basang-basa ang buhok niya pati ang damit niya. Sobra kasing matulungin.

"Dito? Okey lang ba?" Natigilan din ako.

"Di ako titingin." Tumalikod ako sa kanya at nilapitan ako ni Jade. Pinunasan ko ang coat niya. Basang-basa si Jade. Mas lalong lumapit pa siya sa akin at dinilaan niya ang kamay ko.

"Huwag mong uugaliin magbabad sa ulanan Jade ha. Magkakasakit ka." Jade was looking at me as if she understands me. "Mukhang mahirap pa naman kapag nagkasakit ka."

I heard him chuckle. "Done." Narinig kong salita ni Ezekiel. Umayos na ako ng upo at humarap sa kanya. Nakabihis na nga siya.

"Taga-Perth pala iyon dalawang babae."

"Ahh...okey." Binaling ko na lang ulit ang atensyon ko kay Jade na nahiga sa may gilid ko.

"Nakakatuwa nga eh. Si Nicole iyon may brown hair nagtatrabaho sa kumpanya ni Dad at kilala niya ako. Small world." Sumilip ako kay Ezekiel at mukhang amaze na amaze siya sa pangyayari.

"Oh... okey." Baling ko ulit kay Jade. Nakapikit na siya. Naghihintay pa sana ako sa pagsasalita niya pero tumigil na siya at tumahimik na. Ang tanging naririnig ko na lamang ay tagatak ng ulan sa labas.

"What's wrong with you?" Napatingin naman ako kanya.

"Wrong with me? Wala. Baka sa'yo meroon." Irap ko pa sa kanya. Saan ba galing iyan mga tanong niya?

"It seems like you are not interested on what I am talking about."

"Ha? Hindi ha. Paano mo naman nasabi?" Umiling siya tapos ay tumingin sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin na lang ulit kay Jade.

"Are you jealous of them?"

"Je-jealous? Bakit?! Feeling mo naman." He just laughed.

"Nothing." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon