Chapter 18 - Mountain of feelings (Part 1)

Start from the beginning
                                    

"Anong gagawin mo sa card?" Tanong pa sa akin noon isang kasama ng lalakeng puno linta.

"Pangtatanggal ko. Saglit lang ha." Hinila ko ng kaunti ang balat sa binti kung saan nakadikit ang ulo ng linta at kaagad na inislide ko ang card hanggang sa matanggal ang linta.

"Wow, ang galing mo miss." Ngumiti ako kay kuya. Tinanggal ko pa isa-isa ang linta sa binti niya. "Paano mo natutunan magtanggal ng linta?" Tanong pa niya.


"Sa mga estudyante ko. For some unknown reasons sa school kung saan ako nagtatrabaho maraming linta at palaging biktima ang mga estudyante ko. Kaya natuto akong magtanggal." Ngumiti ako kay kuya na natanggal ko na lahat ang linta niya. "May first aid kit ba kayo? Langgasin mo kasi may sugat." Tumango siya sa akin.

"Te-thank you." Ngumiti sa akin si kuya. Tumango ako sa kanya at ngumiti. "Anong pangalan mo miss?"

"Niel, ang pangalan niya, Zeke, boyfriend niya." Lumingon ako sa likod at nakita ko si Ezekiel na nag-abot ng kamay kay kuya. Boyfriend talaga ha. Napailing na lang ako.

"Uy pare. Galing nitong gf mo ha. Thank you." Tumayo na ako sa kinauupuan ko at biglang hinapit ako ni Ezekiel sa bewang palapit sa kanya.

"Oo nga eh sige p're. Gamutin mo na muna yan mga sugat mo."  Hinila pa niya ako papalapit sa kanya. Ayoko na lang umalma baka mapahiya siya sa ibang tao 

"Moshe nga pala." Tumango ako sa kanya.

"Nice meeting you." Si Ezekiel na ang nagsalita tapos ay naglakad na kami palayo sa kanya.

"Boyfriend?" Mahina kong sabi sa kanya.


"Yeah..." Inirapan ko siya sa pag-smirk niya.

"Wala akong sinabing boyfriend kita baka mamihasa ka. Tanggalin mo nga iyan kamay mo sa bewang ko." Paalala ko pa sa kanya dahil pakiramdam ko naman ay naging komportable na siya. Ayoko ng pakiramdam talaga kapag malapit siya sa akin ng ganito.

Tinanggal niya rin agad iyon. Mabuti naman. Tinawag niya si Jade dahil hindi pa ito bumabalik kanina pa. Ang alam ko ay may nilagay rin siyang device kay Jade para matrack din kung nasaan siya.

I saw Jade running but not towards Ezekiel but towards me. Nagulat nga ako at sa akin lumapit si Jade at kumakawag ang buntot nito. Sabi ni Ezekiel hindi raw porket kumakawag ang buntot ni Jade ay magandang sign iyon. Kapag daw mataas ang buntot nito hindi ko raw ito dapat i-pet kasi nasa excited stage daw ang isip nito at maaring mangagat siya. Pwede ko raw i-pet si Jade kapag mababa na buntot nito.

Naupo sa tabi ko si Jade at naramdaman ko na lang na dinidilaan niya ang kamay ko. Mukhang kalmado na siya. Hinaplos ko ang ulo niya at palagay ko ay nagustuhan niya.

"Saan ka nanggaling, Jade? Nag-alala sa'yo ang Daddy mo." Nakatingin lang sa akin si Jade na tila nangungusap ang mata. Ang ganda talaga ng mga mata niya. I wonder what her eyes saw. Ang exciting siguro.

"Daddy?" Nabigla naman ako ng makita ko sa harapan ko si Ezekiel at nakataas ang kilay.

"Oo, hindi ba mag-ama kayo?" Biro ko pa. Ngumiti siya sa akin ng malaki. 

"So ano kayo mag-ina?" Ngiting-ngiti niyang sabi sa akin. Inirapan ko siya. Pati ba naman ako? "Ang ganda naman ng mag-ina ko." Napailing ako.

....

Umuulan na at nasa loob na ako ng tent. Matapos ng mahaba at nakakapagod na pag-akyat ng bundok ay tumigil kami sa isang clearing at nagtayo ng tent para matulugan. Bukas daw ang huling lakad namin ay ang peak. Kailangan maaga raw kaming magising para maabutan namin ang sunrise.

Always The Second BestWhere stories live. Discover now