"I swear. She was a part of my life way before I met you."

May kung anong tumusok sa puso ko nang marinig ko iyon. Ang tagal na niya palang kilala iyon, patay na nga iyong tao pero hanggang ngayon minumulto siya niyon.

"Tell me everything right now, or I swear I'll leave and we're done!" Pagbabanta ko.

Alam kong torture 'to sa sarili ko but somehow I really want to know. A realization hit me right there and then. Mangmang ako sa nakaraan ni Scor. Wala akong alam sa pinagmulan niya, sa childhood niya o sa mga past girlfriends niya. Which is why this took me on a surprise.

"Wag! Bakit mo ako iiwan? I'm telling the truth! Tingnan mo kasi ako!"

Mula sa pagkakaupo sa tabi ko ay lumuhod siya sa harap ko para mag pantay ang mga mukha namin. Nakita ko naman sa mukha niyang sincere siya pero bakit hirap na hirap pa din akong pakinggan siya? Sobrang sakit sa puso ko na punung puno na ng negatibong emosyon.

"Alam ko naman kasing ganito ang magiging rekasyon mo eh... Plano ko naman talagang sabihin, Tos. Inunahan lang ako ng gagong 'yon eh." Napahawak siya sa batok niya habang nakayuko.

Nilunok ko ang bara sa lalamunan ko. Mabuti nga 'yon eh. Na sinabi sa akin ni Jojo. Alam ko naman kasing wala siyang balak sabihin sa akin. He just wants to keep me in the dark forever. Pero sabi nga nila diba, walang sikretong hindi nabubunyag. Malalaman at malalaman ko din naman.

"Bakit hindi mo kayang maging honest sa akin? Alam ko, wala ka talagang balak sabihin. Sinimulan mo na ngang mag-sinungaling eh, siyempre itutuloy mo na." Masama ang loob na sabi ko.

Wala na akong pakialam kung mag-mukha akong immature. Uunahin ko naman 'yung nararamdaman ko kasi 'yon 'yung mali ko eh. Palagi ko siyang inuuna. Kaya eto, wala nang natira para sa akin. Wala tuloy akong mapanghawakan.

Sinapo niya ang batok bago sumubsob sa hita ko. Pinabayaan ko nalang siya. Hindi naman mababawi non yung pinaghalo halong sakit na nararamdaman ko ngayon. First time kong nag-open up sa isang tao. Nag-bigay ako ng all out. Tapos palpak pala.

"I'm sorry. Please naman. Maniwala ka. Hindi ko sinasadya. Hindi ko naman pinlanong gustuhin at mahalin ka eh. Wala naman akong pake kung kamukha mo 'yong ex ko. Matagal na 'yun." Paliwanag niya.

Unti unting natitibag ang pader na binuo ko pero ayoko. Ayokong maniwala. Napaka imposibleng coincidence lang lahat ng ito. Ah, oo nga pala. Kasalanan ko ito.

"I want to go home. Let me leave." Walang emosyong sabi ko nang matapos akong umiyak.

"Are you breaking up with me?" Binitiwan niya ako at bumagsak ang braso niya sa magkabilang gilid niya.

Gusto ko siyang sagutin ng oo pero ayokong magpadalos dalos. My mom always tells me that I should never make a decision when I am mad or upset. Palagi daw kasi tayong nakaka gawa ng maling desisyon sa tuwing galit tayo.

"I need to think. Please. I can't talk to you right now." Maliit ang boses na sabi ko.

Napagod na akong umiyak at napagod na din akong umintindi. Kakausapin ko nalang siya kapag maayos na ako at stable na ang pag-iisip ko. Tumayo ako at inayos ang sarili ko, humarap pa ako sa salamin para punasan ang pisngi ko. Namamaga na ang mga mata ko at labi ko. Sisinghot singhot akong dumiretso sa pinto.

Hindi ko alam kung ipag papasalamat kong hindi niya ako sinundan o ikasasama pa lalo ng loob ko iyon. Mabilis akong naglakad papasok ng elevator at kumaripas ng alis sa building na iyon. Hanggang sa makasakay ako ng taxi ay hindi pa di matigil ang paghikbi ko. Parang iiyak nanaman tuloy ako ngayong mag isa nalang ako.

The Things I Hate About YouWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu