Chapter 4: What do they want

Start from the beginning
                                    

(______)

"OhMyGash?! Seriously Ma?" nag-nodd lang si Mama na ngiting ngiti.

Whats up to my mom? Bakit pumayag na syang gamitin namin ang mga racing cars namin. *O*

Grabe! I waited for this for Years!!!

"Listen Cyrus and Janelle. I need to trust you from now on. You can use any race car you want, join any race event you want but stay away from jail and dont get yourself killed." seryosong wika ni Mama.

Napayakap nalang kami ni Kuya kay Mama ng mahigpit :))

Okay lang naman ang school days, deadly stares ang kasalubong ko araw-araw. Si Demon (Xander) naman kapag sala sa absent... Late o tulog sa klase.

(─‿‿─)

Pero himala na hindi nya ako binubulabog :")

Yeah, i love that! Kaya peaceful padin ang feeling ko kahit halos lamunin na ako ng mga tingin ng mga kaklase kong mga haliparot este mga babaeng may gusto kay Demonyo (Xander)

***

Magdadalawang linggo na akong palaging kasabay sina Angela at Rei sa school.

"Janelle, sumama ka samin mamaya."

"Saan?"

"Gang meeting"

"Bakit member na ba ako ng gang nyo?"

"Bakit? Gusto mo ba?"

"Hoy Rei! Wag ka ngang mag agaw! Ipapagpaalam ko na sya kay tita" sabat naman ni Angela sa usapan namin ni Rei.

Napa-iling na lamang si Rei kay Angela.

"Pssss."

"Bakit di nyo nalang ginawang isa ang gang nyo?"

Natahimik sila sa sinabi ko.

"Teka, may nasabi ba akong mali?"

"Wala naman Janelle." matamlay na saad ni Rei.

"Matagal na naming binalak yan pero hindi na namin tinulou dahil makakabanga namin ni Prince kapag pinag-isa namin ang DGG at PFG." paliwanag naman ni Angela.

"Prince? A.K.A Demonyo este Xander?" Napatango na lang yung dalwa.

Napa-isip na lamang ako. Bakit ganun nalang ang takot nila kay Xander? TULOG LANG NAMAN YUN PALAGI SA KLASE.

(─‿‿─)

Sabagay mukhang horror naman ang mukha nun. Natural na nakakatakot XD

***

Sumama ako kay Rei at Angela papunta sa Meeting nila. Kahit naman pala magkaiba sila ng samahan ay parang iisa lang din dahil magkakaibigan ang lahat, hindi nga lang nila tinatalaga na isang gang lang sila.

"Boss may mensahe ang SS." saad ng isang member ng Dark Galaxy Gang (DGG) kay Rei.

Inabot nito kay Rei ang isang disk at kaagad naman itong binuksan ni Rei.

Isang doll like na babae ang lumabas sa screen. Grabe ang ganda nya. *O*

Na insecure na ata ako XD

"Greetings Dark Galaxy Gang, ipaalam nyo narin sa Pink Flare Gang ang tungkol sa mensaheng ito..."

Ang Dark Galaxy Gang or DGG ay grupo nina Rei samantalang kay Angela naman ang Pink Flare Gang or PFG. Kaya ang kaninang walang pakialam na si Angela ay nagseryoso at tumutok din sa Mensahe ng Sorority na nagpadala ng Video.

Black Star (Street Racer Princess)Where stories live. Discover now