➷001: Letting Go

26 3 3
                                    

"If letting you go is the only thing that would set you free then I will let you go."

...

Tulala lang akong nakatingin sa litratong hawak ko habang sinasariwa sa aking isipan ang mga nangyari sa nakaraan. Nakaraang syang naging dahilan ng kung ano ang meron ako ngayon. Matagal-tagal na rin pala ang nakalipas mula nang—

"Mom, sino po yang nasa picture na hawak mo?" Tanong ni Giu sa akin na syang pumutol sa mga iniisip ko.

"Ito ba, anak? Well, childhood friend sya ni Mommy." Nakangiti kong tugon.

"Eh asan na po sya ngayon?" Sabat naman ni Shin nang makalapit sya sa pwesto ko. Karga-karga sya ngayon ng papa nya.

"Nasa heaven na sya 'nak." Usal ko habang sumilay sa aking mga labi ang mapapait na ngiti.


Napako ang tingin ng aking asawa sa akin. Sa paraan ng pagtitig nya, nasisiguro kong nag-aalala na naman sya sa akin kung kaya't minabuti kong agad na ngumiti.

"Oh, ano pang hinihintay natin? Watch na tayo ng movies." Pag-aanyaya ko.

"Yehey!" Masiglang sambit ng kambal at dali-daling nagtatatakbong pumunta sa sala.

"Are you okay, Bub?" Tanong sakin ng akinh asawa habang akay-akay ako papunta sa sala.

"Yes, of course. Don't worry. Halika na." Yun na lamang ang tanging naisagot ko bago pa man kami makarating sa sala.

...

Maagang natapos ang klase namin at excited na ang lahat na magsiuwi, ang iba naman ay napagdesisyunang gumala since Friday naman ngayon at walang klase bukas. Yey! Finally, we're free from stress. Agad kong iniligpit ang mga gamit ko para makauwi na nang biglang lumapit sa akin si Lyon at tinulungan akong iligpit ang mga ito. Ganyan sya kabait, napaka-gentleman nya talaga. Sya nga pala ang bestfriend ko.

"Any plan for tomorrow?"

"Huh? What do you mean?"

"Gala tayo bukas."

"Eh? Wala ka bang practice bukas?"

"Matagal na akong tumigil sa pagbabasketball, remember?"

"Ay, oo nga pala."

"Yan kasi, puro ka aral. Lagi ka na lang tuloy lutang. Bukas ah, gala tayo."

"Sige ba."

Matapos akong tulungan ni Lyon sa pagliligpit ng mga gamit ko, agad ko nang isinukbit ang bag ko at lumabas na kami ng room para makauwi na. Sabay kaming naglalakad pauwi dahil nasa iisang subdivision lang naman kami nakatira tsaka nakasanayan na talaga namin.

Sa aming paglalakad, tuksuhan ang sumalubong samin mula sa aming mga kaklase.

"Ayie~ ba't 'di na lang kasi maging kayo?"

One Shot CompilationWhere stories live. Discover now