SEBASTIAN CRUZ 13

20 3 0
                                        

Authors Note

Dahil po sa walang sawang pagsuporta niyo sa story ko. I dedicate this story to @mark_victoria031. Friend thanks for supporting and commenting my story. I appreciate it alot. Thanks again.

Sa mga gusto pong magpadedicate sa story ko. Just pm me in my Wattpad Account and also please do commenting and voting. Thanks <3 <3 <3

Guys! Sorry at ngayon lang ako nakapag-updates may nangyari kasi na hindi maganda sa akin kaya kailangan ko munang magfocus sa sarili ko. By the way may bago akong story "The Hidden Treasure of Lewis" suportahan din po natin ito. Salamat ng marami..:-))

SEBASTIAN'S POV

Pumayag kaming dalawa ni Christian na tumuloy muna sa bahay nila Allison para magpagabi sa kanila. Dahil nadin sa sobrang pagod namin umakyat kami sa second floor at hinanap ang kanilang guest room.

"Ano ng balak mo? Tapos ka na ng College edi tutuloy mo na rin yung business ng family mo?" sabi ko sa kanya habang nag-aayos ng aking higaan.

"Pwede.. pero kelangan ko munang mag exam ng (LET Exam) para meron akong lisensya sa pagtuturo. Kailangan pa naming mag exam nila Allison at Pia." sabi nya habang nakahiga na sa kanyang higaan. Malaki yung guest room nila kasya ang dalawang higaan tapos may cr pa sa loob.

"Ako nga hindi ko pa alam kung ano ang priority ko kung ang passion ko o ang business na kinalakihan ko? Pero titignan ko pa rin na paghiwalayin yung dalawang katawan ko para lang mahawakan ang dalawa ng sabay." sabi ko sa kanya habang nag-iisip.

"Nga pala Donald John Gray saan mo nakilala si Allison? Eh parang hindi naman palalabas si Allison eh?" tanong nito at humarap sa akin.

"Sira-ulo ka! Wag mong sabihin yan dito. Sebastian Cruz yan tawag mo sa akin. Ganito kasi nangyari nun gumawa kasi ako ng dummy account ko kasi alam mo naman sa showbiz na wala ka ng privacy. Kaya Sebastian Cruz yung pinangalan ko sa account ko para makahanap naman ako ng pwede kong pagkatiwalaan. At nakita ko si Allison Marie Gonzales nagpaparequest na i-add ko sya as a friend. Kaya yun inaccept ko sya tapos nagkaroon kami ng chat sa isat-isa tsaka nakipag eyeball ako. Tapos yun nakilala ko na si Allison." sabi ko.

"Eh bakit hindi ka nalang nagpakilala sa kanya DJ? Wala namang masama kapag magpapakilala ka eh." sabi nya.

"Alam kong dadating din kami dyan. Tapos kapag nasabi ko na sa kanya edi okay na. Basta alam ko malapit na. Eh ikaw nga hindi ko alam na kaschool mate mo sya eh.. tsaka same pa kayo ng course, Kaya nung pinakilala ka ni Allison sa akin nagulat talaga ako." sabi ko sa kanya.

"Alam mo naman simula ng bata pa tayo na tahimik talaga ako. Low profile nga diba DJ?" sabi nitong natatawa.

Magsasalita na sana ako ng biglang narinig namin na bumukas yung pinto. Kinabahan ako kasi hindi ko alam kung sino yung nandun kaya agad kong hinawakan yung pinto at sinilip kung sino yung nakikinig pero wala naman. Baka bigla nalang bumukas dala siguro ng malakas na hangin kaya naisipan nalang namin na ihinto yung kwentuhan namin upang makapagpahingga na...

ALLISON'S POV

Nagising ako ng maaga kaya masayang-masaya ako kasi maipaghahanda ko sila ng pagkain pero bakas parin sa mukha ko kung sino si Donald John Gray? Ano ang relasyon ng lalaking to kina Christian at Sebastian? Pero hindi ko muna ito pinansin bagkus bumaba ako ng kwarto at nakita ko sila lola at vicky kasama si mama na naghahanda ng agahan.

"Good Morning sa inyo. Pwede ko ba kayong tulungan?" sabay yakap ko kina lola at nanay at vicky.

"NENE! itong mga ulam ilagay mo na sa mesa tapos ayusin mo na yung mga plato at kubyertos sa lamesa." utos ni nanay habang gumagawa ng coffee. Si lola naman nagluluto ng mga pancakes samantalang si Vicky tinutulungan ako sa gawain dito.

SEBASTIAN CRUZWhere stories live. Discover now