Binuksan niya ang pinto. Akmang lalabas na sana ako ngunit agad akong napahinto. "Don't worry Private to kaya wala gaanong tao." Nakahinga ako ng maluwag mabuti naman kong ganon.

May binuksan siyang isang pintoan at pumasok kami roon. Bumungad agad sa akin ang dalawa kong kapatid na sina Celestine at Proserpina na kumakain ng prutas.

Napansin ako ni Celestina. "Athena!" sigaw niya. Ang lakas talaga ng boses nito. Tss.

"Ayos lang ba kayo? Wala bang nangyari sa inyo?" Nag aalala kong sabi. "Medyo ayos na kami Athena. Wag ka ng mag aalala." Sabi ni Proserpina sabay kain ng mansanas.

"Ehem. Ano ang mga pangalan ninyo maha- mga binibini?" Napalingon ang dalawa kong kapatid sa gilid dahil may nagsalita.

"Ooh may tao pala. Hello ako nga pala si Proserpina, siya po si Celestina, siya naman po si Athena at siya naman si- oh nasaan si Hestiya?" Wala nga si Hestiya. Shet! Nasaan siya?!

"Ang tinutukoy niyo ba ang yung isa pang babae?" Tumango Ang dalawa samantalang ako ay masama siyang tinignan.

"Nasaan ang isa kong kapatid?" Habang sinasabi ko iyon ay lumalapit ako sa kanya. Nagulat naman siya sa ginawa ko.

"A-ano nandoon siya sa isang kwarto." Kandautal niyang sabi. Tss lumabas siya at sinundan ko naman ito. Binuksan niya ang isang pinto na katapat lamang ng kwarto nila Athena at Proserpina. Bumungad agad sa akin ang mahimbing na natutulog sa higaan. Agad ko itong nilapitan at hinawakan ang kanyang pisnge na may sugat. Nakuu naman sa pisnge talaga.

"Hestiya!" Napapikit nalang ako dahil sa lakas ng boses niya. At dahil sa boses niya ay bigla nalang gumalaw si Hestiya.

"A-anong nangyari?" Bumangon siya at nasapo niya ang kanyang ulo.

"Hindi ko alam. Nakita ko Lang na may paparating na liwanag sa atin at nawalan na tayo ng malay." Sabi ko.

"Ako ang may kasalanan Kong bakit kayo nandito, kasi ako ang nakabangga sa inyo. Hindi ko-" Hindi ko namalayan na nasa harap na ako ng lalaking to at isinakal ko siya.

"Anong sabi mo? Ikaw ang may kasalanan kong bakit kami nawalan ng malay?" Sabi ko habang malakas siyang dinidiin sa pader. Siya ang dahilan kong bakit kami nawalan ng malay. Paano kong may mangyari talaga sa amin? Paano kong mawala ang isa sa amin? Paano kong mawala kami ng tuluyan? At kapag mangyari yun mawawasak ang buong EVELLIAN. Magugunaw ang aming kaharihan. Naramdaman ko ang ilaw sa aking mga mata at ang kapangyarihan na dumaloy sa aking katawan. Di ko mapigilan.

"Athena! Itigil mo na yan! Mamamatay na Ang lalaki!" Napapikit ako pero di parin nawawala ang lakas ng kapangyarihan ko.

"Athena! Huminahon ka wag mong hayaang controlin ka ng kapangyarihan mo! Athena!" Huminga ako ng malalim. At agad na binitawan ang lalaki. Napatulala ako. Malapit na akong lamunin ng kapangyarihan ko. At natatakot ako na mangyari yun.

"Ayos ka lang ba?" Agad nila akong nilapitan. Napatingin ako sa kanila na may pag alala sa kanilang mga mukha. Napabuntong hininga ako at napayuko nalang. Muntik ko ng napatay ang lalaki.

"Ayos na po kayo ginoo." Napabaling ang tingin ko sa lalaki ngayon na pinagaling na ni Celestina.

"Ayos na ako. Sanay na ako dito." Imbes na lumayo at matakot siya sa amin ay tumawa lang siya. Nagtataka naman tatlo kong kapatid. Tss.

"Hala nakita niya ang kapangyarihan natin. Paano na yan? Mapapahamak tayo nito." Sabi ni Celestina. At dahil doon ay napaisip kami. Nagkatinginan kaming apat. Mukhang buking na kami nito. Nakita niya Ang buong pangyayari. Ang pag ilaw ng mata ko na siyang lumabas ng kapangyarihan ko. At ang pag heal sa kanya ni Celestina. Nakuu naman dapat mag iingat ako e.

4 goddesses meets the 4 angelsWhere stories live. Discover now