"Pinapabagsak mo pero bumibili ka ng shares. Na kumpiram ko na, baliw ka nga." 

"This is what you called business. Don't worry hindi naman ako malulugi dahil sa ginawa ko. I have plans."

"Whatever. I am still working sa 10 percent shares na natitira. Pinapahirapan ako ng shareholder na yun. But don't worry, you will have the remaining 10 percent by the end of this week. Anyways, I have to go, may case akong dapat puntahan 2 hours from now. So, yeah. Bye. Wag masyadong malandi. I heard from the two nagkakamabutihan na kayo ni Doc. Next time chikka mo sa akin yan."

She kissed my cheeks bago tuluyang lumayas. After five long years nasimulan ko na rin ang plano ko.

I can't wait for the day that you will finally crawl back where you belong, Beatrix Cuerva. Sa putikan

>>>>>

"Thanks for visiting me, babe. Fully loaded ang schedule ko ngayong araw and I feel so damn exhausted."

Natulala ako ng halikan ako ni Brayden sa labi. It's just one swift kiss pero parang pati puso ko nadala. Kinuha nya mula sa kamay ko ang dala kong pagkain saka hinawakan ang kamay ko papunta sa loob ng clinic nya.

We don't have label, ni hindi nga namin napaguusapan kung ano kami pero Brayden changed a lot. Naging clingy na sya at sweet. Malayong malayo sa masungit at supladong Brayden.

"Ang laki ng eye bags mo na. Natutulog ka pa ba?" He has dark circles around his eyes.

He sighed saka binuksan ang ginawa kong chicken shawarma. It's not perfect pero mapagtatyagaan na.

"This taste good. Did you make it?"

I nodded. "Yeah, pero nagpatulong pa rin ako sa personal chef ng baba. Alam mo naman di kami magkasundo ng kusina masyado hehe." 

He chuckles. "At least you tried. And it always tasted good. Can you wait for me? May apat pa akong patients and after that I'm free. Let's stroll around the city tapos hanap tayo ng masarap na pwedeng kainan."

I wiped some sauce sa gilid ng labi nya habang malaki ang ngiti. "Sorry Brayd, hindi ako marunong tumangi. I'll wait for you. Naku masyadong smelly yung food dapat pala hindi yan ang dinala ko."

Bigla kasing umalingasaw sa buong kwarto ang amoy ng shawarma. Iba ang amoy nya kumpare sa mga shawarma na nabibili sa malls.

"Nah, as long as its made by you I don't care. At saka nakikiamoy na lang sila wag silang choosy."

Humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi ni Brayden. I don't know where he got it pero hindi bagay sa kanya. Pinunasan ko pa ang gilid ng mata ko habang umaayos ng upo. Umiiling lang sya habang pinagpapatuloy ang pagkain.

"I'm done eating. Wait here."

Maraming beses na akong nakakapunta dito sa hospital where he is currently resident pero this is the only time na nakapasok ako mismo sa clinic/office nya. It's a typical type of clinic except sa mga expensive paintings na nakalagay sa walls.

Pinakielaman ko din ang frames sa lamesa nya. May dalawang frame sa lamesa nya. Family picture nila ang isa. My eyes widen when I saw the other frame. It's a picture of us nuong nasa Monaco kami. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang mapangiti.

"My gad heart. Stop beating fast at baka madala tayo sa operating room na." Mahina kong tinapik ang dibdib ko para pakalmahin ito.

Binalik ko na sa lamesa ang litrato bago pa ako makita ni Brayden.

"Babe."

"Yes?" Nilingon ko sya at ganun na lang ang gulat ko ng bigla nya akong  salubungin ng halik. He cupped my face and kissed me nonchalantly.

Stay with meWhere stories live. Discover now