Until one day...

"Sophiya, may naghihintay sayo sa labas." Sabi sakin ni Jhake. Sa totoo lang, thankful din ako na nagstay sa side ko si Jhake. Siya din ung isa sa mga taong nagpamulat sakin na hindi dapat ako magstay sa past. Sabi niya pa sakin ang tanga daw ni Justin dahil iniwan niya lang ako basta-basta..

"Sino daw ba yun? Pwede bang sabihin mo busy ako?" Sabi ko sa kanya. Busy ako dahil malapit na yung JS namin. Kami daw SC yung magddesign ng theme namin which is Masquerade :)

"Dami kasing manliligaw! Ang haba ng hair! Hahaha xD" pang-aasar ni Dannah Rhian Flores sakin. Isa sa bestfriends ko! :)

"Oo nga ee.. hahaha by the way, c Justin yung naghihintay sayo sa labas." Sabi ni jhake.

Bahagya akong napatigil nang marinig ko ang sinabi ni jhake..

"...By the way si JUSTIN yung naghihintay sayo sa labas."

Pinagpatuloy ko na lang ulit yung ginagawa ko..

".Oh? Bakit daw?" tanong ko kay jhake habang sinusulat yung mga kailangan para sa JS.

"Ewan. May sasabihin daw sayo e?" sabi sakin ni Jhake.

"Ah, sabihin mo busy ako :) Next time na lang kamo :)" sagot ko sa kanya.

"Ok. I'll tell him :)" sabi sakin ni Jhake.

Maya-maya bumalik si Jhake.

"Sophie, sabi niya sakin iintayin ka daw niya hanggang matapos ka."

Ugh. Ano kaya kailangan neto? Mapuntahan na nga.. Hay bakit ba hanggang ngayon hindi ko sya matiis? :(

"Hay sige lalabasin ko na. Guys, wait lang haa. Babalik din ako agad promise :)" sabi ko sa kanila.

Lumabas na ako at nakita ko siya. Sophie, KALMA! Hindi ka niya lalamunin ok?

"Piggy!! :)" and yes that's his endearment to me before.

"Uhm. My name is Sophiya not piggy.?" Sabi ko then I gave him a fake smile.

"..A-ah ok sorry.. Uhm btw, I just want you to be my bestfriend.. Again..."

Tumahimik lang ako.

"..Ah.. Nakakamiss ka kasi e. Alam mo yun, since grade 3, bestfriends na tayo? :)) cge na please. Alam ko hindi mo pa ako napapatawad pero sana dumating yung araw na pagbigyan mo ko sa hiling ko. :] please give me another chance..." sabi niya.

"P-Payag na ako maging bestfriend mo. ..Cge balik na ako ah. ..Bye." Sabi ko sa kanya at bumalik na.

"THANK YOU SOPHIE!" narinig kong sigaw nya kaya naman napatingin lahat sa kanya. And almost all of the people in that area gave me a confused look. I just gave them a smile.

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun. Kung bakit ko sya hinayaan na bigyan ulit ng chance. Chance to destroy me again...

Simula noong binigyan ko sya ng chance, lagi niya akong hinihintay. Minsan napapaisip ako, "sana ganyan ka nung tayo pa.."

Pero alam nyo ba kung bakit niya ako hinihintay? Dahil sa may iba na siyang nagugustuhan.. Isa sa mga kaibigan ko, si Chloey Tracy B. Martinez. Nung una, umiyak ako. Hindi ko mapigilan sarili ko sa nararamdaman ako. Oo, mahal ko pa din siya.. Hindi pa ako nakakamove-on. Lalo na at halos araw-araw siya ang kasama ko. Si Jhake minsan nagtatampo na dahil hindi ko na raw siya gaanong nasasamahan. Si Jhake halos lagi niya akong nakikitang umiiyak. At hindi sya nagsasawa na ipaalam sakin ang halaga ko. Araw-araw lagi niya ako chinicheer-up.

Hanggang sa mag-JS...

Habang nag-aayos ako..

Two messages received:

"Sophieee, asan ka na ba?" -Justin

--

"Oyy Sophie asan ka na? Wag ka na masyadong mag-ayos maganda ka na :P" -Jhake

Mas inuna kong replyan si Justin syempre..

"Nasa bahay pa. Teka laangg. :)"

Tapos kay Jhake.

"Hahaha kahit kelan talagaa. :)) Thank you! :)"

Nung dumating ako..

Sinalubong agad ako ni Jhake at habang naglalakad hindi ko inaasahan yung unang maririnig ko dun sa dalawang boses na nag-uusap sa di kalayuan...

"Tol bakit mo pa nga pala nilapitan si Sophie?"

"Tol may kailangan ako sa kanya. Alam kong siya lang pwede kong lapitan para mapalapit ako kay Chloey. Alam ko rin na hindi nya ako kayang tiisin dahil alam kong mahal pa rin niya ako. At yun ang alas ko!" then I saw him devilishly smiled.

Agad akong naluha nang marinig ko yun....

All this time..? Niloloko nya ulit ako?! Ang sakit! Sobrang sakit! Hindi ko na kaya. Gusto ko nang mamatay! Mahal na mahal kita Justin pero bakit ginagawa mo sakin to?! :'( Ang masakit, kala ko may chance pang mabalik pa yung dating tayo. Umaasa ako na isang araw, mamahalin mo ulit ako at maiisip mo yung halaga ko sayo? :'( Masyado na akong nasasaktan. Paalis na sana ako nang biglang pinigilan ako ni Jhake..

"Hintayin mo ko teka lang ah. Wag kang aalis dyan. Ihahatid kita sa bahay nyo. Teka lang sophie ah.."

At hindi ko inaasahan ang susunod na nangyare....

Sinugod at sinuntok bigla ni Jhake si Justin. Gusto ko silang pigilan pero hindi ko magawang magsalita.. Hanggang sa makita kong binubugbog na ni Justin si Jhake at dahil doon, inipon ko lahat ng lakas ko para awatin sila..

"T-TAMA NA!" Nagulat halos ang buong tao sa lugar pati na rin si Justin nang makita ako.

"..S-Sophie hindi---"

Hindi ko na sya pinatapos magsalita. Ayoko nang marinig ang mga kasinungalingang sasabihin niya....

Tumakbo ako agad pagkatapos kong sabihin yun. Sinubukan akong pigilan ni Jhake at ni Justin pero huli na ang lahat...

A/N:

Do you want to have a sequel? :) Just vote and comment if you want to. :) Thank you so much! :*

P.S: Kung sino magaling at gustong gumawa ng cover para dito, pamessage na lang. Thank youu :*

When your Love fades awayजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें