Ngumiti lang ako at nag thank you sa kaniya.

"Okay her item--" nalipat ang atensyon ko nang makarinig ako ng bulong-bulungan sa gilid ko, sa kabilabg table.

"I still don't get it why that arrogant kid was invited here." Galing ito sa matandang babae.

"Alam ko amiga, napakalaki ng ulo at napaka palengkera. Hindi ko nga alam kung bakit pinulot 'yan ng mag-asawa."

"Sinabi mo pa. Napaka antipatika, gahaman, at mapagsamantala. Sigyro hinihintay niya na mamatay ng maaga ang mag-asawang Punsalan." .

Nakaramdam ako ng galit sa aking dibdib habang tinititigan ang mga chismosang matatanda. Nakita ng isa sa kanila na nakatitig ako ng matalim kaya napalunok ito at sumunod naman ang dalawa niyang kachismisan. Nag panic ang mga ito.

Magsasalita sana ako pero sumabat si Ieous.

"If you're just here to gossip, at least don't let everyone else hear what you all talking about. We are not interested to listen to irrational people. Mga matatanda kayo pero wala kayong pinagkatandaan." Pinagsabihan ni Ieous ang mga matatanda pero hindi nito inalis ang pagiging magalang. Napayuko na lang ang mga matatanda at natahimik.

Imbis na matuwa ako ay nalungkot ako sa ginawa ni Ieous at lalong nagukuhan. Hindi na maganda ang pinapakita niya sa akin at hindi maayos kung ano man ang nangyayari sa amin pero patuloy parin niya akong pinoprotektahan. Gusto ko siyang hilain palabas at pag-usapan ang nangyayari.

"Okay, we'll start at one hundred thousan pesos." Panimula ng MC.


"Five hundred." Nagulat ako nang itaas ng katabi ko ang puting board. Napakindat sa akin si Bantay.

Ngumisi ako.

"Seven hundred." Malakas at malinaw na sabi ni Ieous. Agad akong napalingon sa kaniya. Tumingin siya sa akin. "For my date."

Pakiramdam ko may nangkukulam na sa akin, kanina pa may tumutusok sa puso ko. I felt sad and disappointed sa sinabi niya.

"Eight Hundred." Hindi nagpatalo si Bantay.

"One million." Lalo na si Ieous. Ikinagulat ko ang bid niya. Para nga pala sa kasama niya kaya gustong gusto niyang kunin.

Edi wow.

"Oohh! One million, bid has been raised. Going once?"

Iaangat pa sana ni Bantay 'yung curved board na hawak niya pero agad kong inabot ang kamay niya at pinigilan. Umiling ako.

"Hayaan mo na, pagbigyan natin si I-- Mr. Rossi, for his date." Pangungumbinsi ko. Napakurap ito at hindi malaman ang gagawin pero tumango na lang ito.

"Sold!"

************************************

Bumalik na naman sa inuman at kainan pero kailangan ko ng magpahinga dahil hindi na maganda ang pakiramdam ko. Kasama ko parin si Bantay at tinatanong kung anong gusto ko na kainin o inumin lahit na may nag se-serve ng food at hundi buffet ang set up ng kainan. Maluwag ata tornilyo nito, dapat talaga namimili ng mga taong hinahabilo. Nakaupo parin kami kung saan kami naka pweto noong auction.

"Oh my gosh, I knew it!" Narinig namin sa 'di kalayuan ang boses ni Lourna kasama ang lalaking mukhang mga kasing edaran niya.

"I told you they look good together, you finally met him Kelly." Masayang nakangisi si Lourna na pinagtaka ko. Hindi ko mawari ang ibig sabihin niya

"Po?"

"Auntie, we haven't actually asked each other's name vut I knew hers after the Mc said it." Sabi ni Bantay.

Teasing GameWhere stories live. Discover now