Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.

Prologue

21 6 2
                                        

Pula. Pula ang likidong nakikita kong umaagos sa mga kamay ko na hinaluan ng ulan. Tumingin ako sa baba at nakita ang tiyan ko na may saksak. What happened again?

"Hindi mo dapat iyon ginawa." Inangat ko ang ulo ko at nakita ka. Nagiging blurry na ang paningin ko dahil sa ulan at dahil inaantok narin ako pero alam ko na ikaw iyon.

Hindi ko alam na mangyayari ito. Uuwi lang sana ako papunta sa bahay ni lola pero bakit pa kailangang mangyari to? Si lola, hinihintay niya ako. Mag-aalala iyon.

"Uuwi pa'ko. Kailangan kong umuwi..." Malakas dapat iyon pero naging isang mahinang bulong dahil nawawalan na ako ng lakas. Nakaramdam ako ng mainit na palad na humaplos sa mukha ko.

"Gusto mo pa bang mabuhay?" Tanong mo kasabay nang malakas na pagbagsak ng ulan sa lupa.

Gusto kong sagutin ka pero di ko magawa. Tumango ako ng isang beses, dalawang beses at mas dinamihan ko pa. Gusto ko pang mabuhay, gustong-gusto ko pa.

Pero impossible na.

Inihanda ko na ang sarili ko para matulog nang walang hanggan pero bago iyon ay nakakita ako ng liwanag. Liwanag mula sa buwan? Hindi, maulan. Mula sa flashlight? Hindi, wala kaming dalang dalawa. Nilinaw ko ang mga mata ko, ang liwanag ay galing sa mga kamay niya?

Napabalikwas ako ng bangon. Inilibot ko ang paningin ko at nakitang nasa loob ako ng kwarto ni lola. Hinawakan ko ang sarili ko sa iba't ibang parte. Ayos lang ako. Ayos na ayos. Walang saksak, walang dugo, nasa maayos na kondisyon.

Hindi totoo ang lahat nang iyon?

Right Hand ManStories to obsess over. Discover now