Wahhhhhhhh!!!!!!!!!!!
Napasigaw nalang ako ng makita ang balita.
Hindi ko akalaing bubulaga sa akin ang balita ngayong araw na to.
"Nakikita ninyo ngayon ang isang sikat na Korean Actor na si Ji Chang Wook na kakababa lang sa sinakyan niyang eroplano. Hindi magkamayaw sa tuwa at kilig ang kanyang fans."
Bakit siya andito??? Bakit? Bakit?
Hindi ako makahinga! Gusto kong halikan ang tv.
" Nandito ang aktor para sa isang product endorsement at sinasabing mananatili siya ng isang linggo dito sa bansa."
" Nandito siya. Nandito siya. NANDITO SIYA!!!!!!!!!!" napasigaw ulit ako.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwala na malapit na ako sa kanya. Mala--
" Malapit? " bigla akong nakaramdam ng lungkot.
Narealize ko ang layo ko parin sa kanya. Kahit nasa iisang bansa kami. Kahit hinihinga niya ang hangin na hinihinga ko ngayon. Malayo parin ako sa kanya.
"Hindi ako makakapunta ng Maynila. Hanggang Cebu lang ang budget ko. Huhuhu! Bakit ang saklap?"
Ikaw ba naman tumira dito sa dulo ng Pilipinas?
"Hoy? Anong ginagawa mo?" biglang dumating ang bestfriend kong maganda.
"Bestbud! Huhuhu!"
"Anong kaartihan yan?"
"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko..."
"Okay. Wag mo na sabihin hindi rin naman pala ako maniniwala."
"Walang hiya ka talaga! Kasi ganito... Si Wookie ko nandito." sabay ngiting kinikilig.
"Sino kamo? Sinong nandito?"
"Si Wookie nga! As in Ji Chang Wook! The K2! Healer! Kim Je ha!" energetic na ako masyado.
"Oh? Talaga?"
"Oo nga! Hindi ka ba masaya?"
"Bakit ako magiging masaya?
Magkaibigan ba kami?"
"Langhiya ka talaga! Huhuhu. Ba't ayaw mong sumuporta sakin? Support naman ako sayo pagdating kay David Archuleta ah?"
Adik siya kay David A. tapos ako naman kay Wookie. Hihi
"Hahaha! Sorry na nga. Pero hanggang tingin ka pa rin naman sa kanya. Alangan namang lumuwas ka ng Maynila at hahanapin mo ang bawat sulok nito makita mo lang yang Wookie mo."
"Kung may pera lang ako. Kung may pera lang talaga ako. Hay."
Tanggap ko naman na talagang wala na akong pag-asa. Walang pag-asang makita ko siya. Arrghh! Damn feelings. Bakit ang sakit satwing iniisip kong di ko na siya makikita ng personal?
"Hoy! Live siya sa page ng isang broadcasting station. Manonood ka ba o hindi?"
"Lakasan mo yung volume, makikinig nalang ako. Mas masasaktan lang ako pag nakita ko siya."
Nilakasan naman niya.
Interviewer: So, aside from product endorsement, do you have any other plans?
JCW: Well, I really want to visit Cebu. I heard there are lots of beautiful sceneries there and it's quite popular in Korea.
Wow! Nag-eenglish siya. Ang talino talaga ng Wookie ko. Hihi.
"In fairness, magaling mag-english ang future hubby mo." - bestbud.
"Syempre. Matalino ang Wookie ko."
Interviewer: Do you like to try some filipino dishes or filipino delicacies?
JCW: Yeah. Of course. Most especially Halo-halo. I heard it's very delicious and it's perfect for summer.
Interviewer: Yeah. You must try halo-halo. Well, Do you have any message for your Filipino fans?
JCW: Well, let me take this opportunity to thank you all for supporting me always in my projects and for waiting for me while I'm in military service. Saranghaeyo! Mahal ko kayo!
Interviewer: Thank You so much for your time Mr. Ji Chang Wook!
JCW: Wait!
Interviewer: Why? Do you have any other concern?
JCW: There is a girl i'm looking for. A filipino fan who I wanna meet.
Interviewer.: OMG! How lucky she is. Who is this fan? Who is she?
"Ano daw?" bigla akong napatingin sa pinapanood niya.
"Mukhang may mas maswerteng fan ang makakameet sa kanya. Hahaha. Talo ka bbgurl!"
"Tumahimik ka nga! Baka ako yan no! Bleehh.."
"Asa ka!"
JCW: I only know her Instagram username. She used to send messages to my instagram account. She seemed to be a broken hearted girl. She kept on sending messages to me about her life, about how sad she was and how lonely her life since her firstlove broke her heart. I didn't reply even once because she said it wasn't necessary. But since i am here, i would like to see her personally.
"Talo ka! Hindi ikaw yan."
"Feeling ko... Ako yan."
"Asaness ka!"
Bumilis bigla ang pintig ng puso ko. Biglang nag-flash sa utak ko lahat ng trip ko sa Instagram.
Nagtatalo ngayon ang utak ko. Baka ako yan? Baka hindi naman!
Sa 8.7 million niyang fans hindi naman siguro ako yan. Hindi lang naman siguro ako nag-iisang nagme-message sa kanya noh?
Interviewer: Wow! So, why do you want to meet her? Why do you want to meet this girl?
JCW: Because she once told me, She'll treat me a halo-halo when I visit Philippines.
*Creek! Blaag! Boom! *
(sound effects yon haha)
"Oh? Anyare sayo? Umayos ka nga! Kinilig kalang nahulog kana sa upuan. Huwag ka mahuhulog, hindi ka niya sasaluhin. Hahaha!! " sabay tawa na parang bruha.
Natulala ako. Narinig ko naman bespren ko pero hindi ako makapagsalita ngayon.
Gusto ko siyang batukan pero mas gusto kong ituon ang atensiyon ko sa interview.
Interviewer: Haha! Wow! A generous filipina. Well, who is she? She might watching us right now.
........
........
" Oh ano nangyari? Bakit tumigil? " hinihintay ko ang sagot niya eh kaso walang sumagot.
" I turned off my phone my dear best friend. Ayokong marinig mong ibang pangalan ang banggitin niya. Ayokong mas masaktan ka." sabay ngiti ng may halong concern.
"Che! Excited na sana ako eh. Malay natin ako yun."
Sana ako.
"Malay natin hindi ikaw yun! "
"Hay. Ang swerte nung babae noh? Okay lang. Masaya ako kapag masaya siya. Kung sa kanya siya sasaya, hahayaan ko siya. Palalayain ko na siya." sabay kunwaring nagpupunas ng luha.
"Sira! Magpapalibre lang naman si Wookie sa kanya, hindi sila magpapakasal!"
"Oo nga noh. Magsaya nalang tayo bukas sa Cebu bestbud! Yehey!"
"Oo nga! Kalimutan muna natin ang mga problema at magsaya!"
"Anong oras flight natin?"
"10 am po kaya gumising ka ng maaga nang maaga tayong makapunta sa airport."
"Araseo!"
Kinabukasan...
KAMU SEDANG MEMBACA
He Is An Oppa (Ji Chang Wook Inspired)
Fiksi PenggemarNakalimutan ko artista siya at fan lang ako. Almost a K-drama-like-love story. This is just a work of fiction. Imagination lang natin ang limit! :)
