Dos: "Bulag,Pipi,Bingi"

11 0 0
                                    

#MgaDagliniAlingTasya2


ARIESA

Agad akong bumangon sa kamang hinihigaan ko. Alam kong hindi ito ang kwarto ko dahil hindi ito kasing lambot ng kama ko.

Nasapo ko ang aking ulo. May importante pa pala akong gagawin.

Hindi na inalala ang paligid ay agad na akong napatakbo papalabas.

Napahinto ako ng makita ko ang pag-aalayan ko ng surpresa ngayon. Napangiti ako ng mapakla at tuluyan nang umagos ang mga luha ko.

Naalala ko pa noon kung paano niya ako ipagtanggol sa mga bully sa school. Kung paano niya patuyuin ang mga luhang di maubos-ubos.

Naalala ko kung paano niya ako ipagmalaki sa mga taong mababa ang tingin sa akin. Na kahit service award lang naman ang natanggap ko sa recognition day, ay daig ko pa ang valedictorian sa matamis na ngiti at magarbong pahanda ni Papa.

Naalala ko pa kung gaano siya kasaya noong nalaman niyang gusto kong maging piloto na minsang pinangarap niya at magiging pangarap na lang dahil dumating ako.

Naalala ko pa kung gaano kalungkot ang kanyang mukhang lumuluha, sa bawat panahon na gusto kong sugatan ang mga braso't leeg ko. Tinatanong kung saan siya nagkulang. Kung hindi ba siya sapat na rason para patuloy na mabuhay.

Ang iyong aruga at pagmamahal ay kasing tamis ng kendi at kasing sarap ng ube.

Oo, siya lang naman ang taong andiyan palagi sa tabi ko sa mga panahong iniwan ako ng mundo.

Ang taong palaging tinataboy at binabalewala ko kahit na puro pagmamahal ang pinapakita nito sa akin.

Ang taong kahit puro sakit ng ulo ang bigay ko ay hinding hindi ako  pinabayaan.

Yung taong uunahin ka pa kahit marami pa siyang gagawin na ultimo kahit piso na lamang ang nasa bulsa niya, ibibigay niya pa rin ito sa iyo.

Yung taong napaka-strikto pero kapakanan mo lang ang iniisip.

Yung taong sinagot-sagot mo dahil galit ka sa hindi nito pagpayag na gumala ka, na kung iisipin kapakanan mo lang ang kanyang iniisip.

Yung taong handang gawin ang lahat, buhay man ang kapalit, mapakain ka lang.

Pero hindi ko nakita ang lahat ng iyon. Hindi. Kasi bulag ako sa makamundong pagnanasa. Kasi pipi ako, hindi makapagsalita, hindi malunok ang nakabarang bagay sa aking lalamunan. Kasi bingi ako, at piniling pakinggan ang ang mga demonyo linulunod ako.


Ako'y bulag, pipi at bing kaya pinili kong itaboy ka, saktan ka, iwan ka.

Ngayon ko lang napagtanto na siya ang tunay kong bayani. Bayani na kahit walang kapa at kapangyarihan ay nagawa niya akong palakihin mag-isa sa kabila ng pag-iwan samin ni Mama. Si Superman na handang magsakripsiyo para iligtas ako sa gutom at hirap ng buhay.

Ang taong mahal na mahal ko ngunit hindi ko man lang naiparamdam sa kanya.

Si Papa.

Pinahid ko ang mga luha kong ayaw ng magsitigil. Babawi ako ngayon pa. Muli ngayon ipaparamdam ko na kung gaano ka kahalaga sa buhay ko at kung gaano kita kamahal. Gusto kong magpasalamat at sa wakas humingi ng tawad.

Bakit kaya ganun? Mahirap sambitin ang mga simpleng katagang salamat at paumanhin?

Huminga ako ng malalalim at agad ko siyang sinundan. Tinawag ko ng ilang beses ang pangalan niya ngunit hindi niya ko liningon. Wala akong magawa,  kaya sinundan ko na lamang siya. Papunta siya sa kwartong pinaggalingan ko kanina kaya nagpatiuna ako dun. Nagtago ako sa likod ng pintuan at walang imik na naghintay.

Narinig ko ang kaniyang mga yabag kaya agad akong umalis sa pinagtataguan ko.

"Paps kong gwapo. Happy Father's Day po!"

"Anak!" nanghihina niyang sabi habang papalapit sakin. Labis akong nasaktan nang nakita kong tumulo ang luha niya.

"Paps? Na-touch ka ano? Sabagay ngayon ka lang nabati ng pasaway mong anak. Sorry pa ha? Gusto kong malaman mo, na hindi ka nagkulang, na sapat ang pagmamahal na ibinigay mo, na sapat ka pa. Paps, Alam kong ngayon ko lang 'to sasabihin pero mahal na mah---

Natigilan ako sa pagsasalita at napawi ang matamis kong ngiti ng lampasan lang niya ako.

Lakas maka-snob nito ah. Wala na akong magawa kaya nakasimangot na tumalikod nalang ako.Pero hindi ko siya susukuan, gaya ng hindi niya pagsuko sa akin.

Pero hindi ko alam na ang makikita ko pala ang siyang papatay sa akin at sa kanya.

"Anak."

Nanlaki ang mga mata ko. Literal na gumuho ang mundo ko.

Hindi. Hindi 'to totoo. Gisingin niyo ko. Hindi 'to totoo.

"Anak? Bakit? Pinangako mong ipapasyal pa kita. Pinangako mong di mo na uulitin. Anak ko!" Nanghihinang sambit ni Papa habang patuloy na umaagas ang maalat na tubig sa kanyang mga mata.

Agad akong napaupo at napahagulgol.

Tiningnan ko ang braso ko. Nagtagumpay ako. Sa labing anim na beses, ngayon nagtagumpay ako. Pero bakit ang sakit? Diba dapat masaya ako?

Gusto ko lang naman na mawala ang sakit. Na mamanhid ako.

Bakit triple pang sakit ang nararamdaman ko ngayon? Na bagkus na sumaya dahil sa wakas, malaya na ako, ay parang kinulong ko ang sarili ko sa dilim ng sakit at galit?

Ang sakit. Sobra.

Paps, di na pala kita mababati ng 'Happy Father's Day'.

Di na rin kita mapapasalamatan sa lahat ng ginawa mo sakin.

At higit sa lahat di ko na kailanman masasabi na mahal na mahal kita.

Huli na. Nahuli ako. 

Dahil ngayon kitang-kita ng dalawang mata ko na hawak-hawak mo ang walang buhay na bangkay ng anak mo na walang iba

kundi ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mga Dagli ni Aling TasyaWhere stories live. Discover now