Chapter 28

2.8K 75 5
                                    

Malapad ang back yard ng bahay ng parents ko. May malaking pool at malaking field sa likod noon. Ngunit sementado ang parte kung saan gaganapin ang birthday ko. Nandoon na ang DJ na inimbita ko at nagsisimula nang lumakas ang music. Para sa akin ang pinaka highlight ng gabing ito ay ang photo booth. Nag-patayo ako ng maliit na studio na puno ng giant m&m's, skittles at chocolates na back drop.

"Tosca! Happy birthday!" Bati ng isa sa mga kaibigan ko.

"Thanks Harley." Sabi ko at bineso siya.

Sunod sunod na ang pagbaha nila. Natanaw ko din ang mga kaklase ko noong college na inimbita ko, ilang mga pinsan at mga kaibigan.

"Yaaas! Happy birthday, queen!" Bati sa akin ni Beatrice na kaka dating lang.

"Thanks, Beatrice. Nasaan na ang dalawang bruha?" Tanong ko matapos ko siyang ibeso.

"They're probably on the way. By the way, here's my gift." Inabot niya sa akin ang isang paper bag na may tatak na Tiffany and Co.

Tumunog ang cellphone ko at akala ko ay si Scor na ang tumatawag kaya naman nadismaya ako nang isang unknown number ang rumehistro sa screen.

"Hello?" Sagot ko habang pumapasok sa bahay at lumalayo sa ingay ng party.

"Hello? Pwede ba kay Tosca Escovilla?" Ani ng nasa kabilang linya.

I heard and unfamiliar voice. It was a raspy man's voice. Tinanggal ko sa tenga ko ang phone at tiningnan muli ang number. Hindi talaga iyon pamilyar sa akin.

"Who is this?" Tanong ko.

"Si Jojo ito. Iyong kakilala ni Scor."

Halos mabitiwan ko ang cellphone ko sa narinig ko. Can this guy be more weirder? Saan at paano niya nakuha ang number ko? This is already starting to feel scary.

"P-paano mo nakuha ang number ko?" Pinigilan ko ang panginginig ng boses ko at umaktong matapang ako.

"Hindi na importante iyon." Malalim ang boses niya at tahimik ang back ground ng tawag.

"I-I'm hanging up." Kinakabahang sabi ko.

"T-teka, sandali! Hindi ako masamang tao. Kailangan ko lang talaga ng tulong mo. Pakinggan mo muna ako, pakiusap."

Mabilis na ang pag hinga ko at patuloy na ang malalakas na pag-kabog ng dibdib ko. Why is he calling me? On my own party!

"Pera ba ang kailangan mo? Sabihin mo lang kung magkano." Pikit matang sabi ko.

Inisip kong hindi ito matatapos. Pera lang naman ang kailangan niya at siguro, kung ibibigay ko sa kanya iyon ay titigilan na niya kami ni Scor.

"Oo. Na-ospital ang nanay ko. Hindi mo naman kailangang ibigay ang pera. Pwede namang bayad mo nalang."

Kumunot ang noo ko habang nakikinig. Anong pinagsasabi niya? Talaga bang maluwag na ang turnilyo sa ulo ng lalaking ito?

"Bayad saan?" Naiinis na sabi ko.

"Ayaw mo bang malaman ang tungkol sa nakaraan ni Scor?"

Natigilan kaagad ako sa sinabi niya. Natumbok niya ang nag-iisang bagay na makakapag pa 'oo' sa akin. Marami akong tanong sa isip ko. Mga tanong na kahit kailan ay hindi nasagot.

Ilang segundo ang inabot bago ako nakasagot. I have a lot of questions but I knew I had to trust Scor. He's my boyfriend and I know he's a good man.

"I'll think about it. Wag ka nang tatawag. Iba block ko ang number mo kapag tinawagan mo pa ako.

Mabilis king binaba ang tawag at bumalik sa party. Pilit kong isinasantabi ang naganap na konbersasyon kani-kanina lang. It's my birthday and I have to focus and thank the people that remembered me on this day.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now