Napabaling ang mukha ko nang suntukin ako ni daddy. Mas lalong nag-unahan ang galit na nararamdaman ko sa aking dibdib. Mas lalong nagliliyab.

“You... You killed them.”

Nararamdaman ko ang luha na tumulo galing sa aking mga mata.

“You guys are murderers! Anong ginawa nila sa inyo? Mga wala kayong awa!”

Naramdaman ko na naman ang mga kamano ni daddy na dumapo sa mukha ko.

“Wala kang alam, Erick, kaya huwag kang maki-alam,”

“Mga uhaw kayo sa pera!” galit kong sigaw at naglakad palayo sa kanila.

Nang malapit na ako sa pintuan palabas ng bahay, napatigil ako sa sinabi ni mommy.

“If you're planning to go to Dianna's house, then, we don't have a choice but to kill both Patrick and Patricia too.”

––
Hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin ang galit ko sa aking mga magulang at ang paninisi ko sa aking sarili.

Naalala ko pa hanggang ngayon kung paano nagmakaawa sa akin si Patricia na tulungan ko sila lalo na't nalaman niya na may dinadala palang sakit si Patrick. Ngunit wala akong magawa noon, kundi murahin ng tahimik ang aking sarili.

Kapag malaman nila mommy na tinulungan ko sila Patricia, baka isunod nila rin ang mga pinsan ko. Hinding-hindi ko na mapapatawad ang aking sarili.

Pilit kong tinapos ang kursong education. At nang makapasa ako sa board exam, sa paaralan kung saan nag-aaral si Patricia, doon ako nag-apply. Fortunately, nakapasok ako kaagad.

Unti-unti akong nabuhayan ng dugo nang nasilayaan ko na ulit si Patricia.

Pero para rin akong pinapatay nang makita kung gaano siya naghirap. Sa pangangatawan, makikita mo na kaagad kung gaano siya ka pagod. Hindi ko mapigilang sundan siya sa bawat pinupuntahan niya. Sa trabaho, sa hospital, pati sa kanilang bahay.

Masakit din malaman na hindi na niya ako itinuring na pinsan niya. Pero naiintindihan ko naman.

Palihim kong binabayaran ang bill ni Patrick sa hospital dahil alam ko na kung hindi ko gagawin iyon, maaring wala na silang makakain.

Pero alam kong hindi sila nakakain ng sapat dahil hindi naman sapat ang sweldo ni Patricia pang supply sa araw-araw nilang pangangailangan.

Kaya sa abot ng aking makakaya, palihim ko silang sinusuportahan– financially.

Sa bills, sa gamot ni Patrick, at paminsan-minsan, palihim akong naglalagay ng pera sa ibabaw ng mesa kapag tulog si Patrick.

Katunayan, wala na akong natira para sa sirili ko, pero ayos lang 'yon. Having no money is better than having no parents. Alam ko kung gaano kasakit sa parte nila ang mawalan ng isang ama at ina sa murang edad. Alam ko, araw-araw nilang dinadala ang sakit kaya naiintindihan ko kung bakit nagkaganoon si Patricia.

Lumalaki siyang may kinikimkim na sakit at kalaunay unti-unti na siyang pinapatay nito. Ang tunay na siya ay tuluyan ng natabunan ng sakit. Kaya ngayon, ibang-iba na siya sa Patricia na nakilala ko noon.

Masakit mang isipin pero, unti-unti na siyang nawawalan ng rason para mabuhay. At ayaw kong umabot siya sa punto na tuluyan na siyang mawalan ng rason. Hindi ko kakayanin.

“Oy, sir Villan, hindi ka papasok sa next subject mo?” rinig kong tanong sa isa kong kasamahang teacher.

“Ah– papasok din ako, ma'am,” sagot ko at bahagyang ngumiti. Ngumiti siya at tumango.

“Bawas-bawasan ang mag-isip ng malalim, sir. Mahirap mawalan ng trabaho,” pabiro nitong sabi at umalis.

Malalim akong napabuntong hininga at dinampot ang mga dadalhin sa susunod na subject.

Being a teacher is not easy but this is just my only way to help my cousins. Kung tutuusin, puwede naman na akong 'di magtrabaho dahil sa pera nila mommy, pero maliban sa gusto kong kumita at matulungan sila Patricia, mas gugustuhin ko na ring magtrabaho kaysa mag-manage ng kompanya nila daddy. Ayaw kong makita sa tinatrabahuan ko ang mga taong pumatay kila tita Dianna at tito Jacob.

Hanggang ngayon, hindi pa rin alam nila Patricia na hindi aksidente ang pagkamatay ng mga magulang nila.

At kapag malaman nila 'yon,mas lalo lang akong kamuhian ni Patricia.

Habang naglalakad, malalim akong huminga at kinalma ang aking sarili.

I need to act normal infront of Patricia.


Latecomer Where stories live. Discover now