Chapter 1. Bump

114 47 8
                                    


Janna's Pov.



Ang buhay ko parang coke lang yan, kung hindi sakto, zero naman. Napangiti ako matapos mabasa ang qoute. Hindi sa nagyayabang pero pakiramdam ko kasi ginawa ang kasabihang yan para sa akin, bagay na bagay kasi, sakto sa pinagdadaanan ko.

Napatingala ako as I imagine mylife. I'm just a typical simple girl full of dreams,  As in full talaga, yung tipong siksik, liglig at nag-uumapaw.

Wala na akong mga magulang, they both passed away. My father was hit by a delivery truck and  a year after, my mother passed away because of too much sadness.  Ewan ko ba, pero simula kasi ng mawala sa amin si Tatay naging malungkutin na si nanay hanggang sa unti-unti napabayaan niya ang sarili niya na naging dahilan ng pagkakasakit niya at di nga nagtagal pagkamatay.


Siguro sobra-sobra ang pagmamahal ni Nanay kay Tatay  yun lang naman kasi ang pwedeng maging dahilan kaya mas pinili niyang sundan agad si Tatay. Hindi ako galit sa kanila ah.


Honestly, I really admire how they love each other.  And I wish to find someone who can love me the way my father love my mother.


Masakit at mahirap na mamuhay ng wala sila, but I have to, kasi I know madaming malulungkot pag pati ako nawala pa. Besides I never been so alone in my whole life kasi I have them; My neighborhood, My friends and those people who help me in my study kaya ayun nakapagtapos ako ng high school with flying colors.


That's my way of saying my gratitude to them and for fullfilling my promise to my parents.


"Whoah! Janna nagawa mo!" Halos mabingi ako sa lakas ng tili ng kaibigan kong si Shei. Nagtataka ko siyang pinagmasdan habang naghahabol siya ng hininga mula sa pagtakbo.


"Huh! ang alin?" Kako na inabot ang noo niya para punasan ang pawis niya, mas lumawak naman ang ngiti niya.

"Nakapasa ka friend!" Tumatalon-talon niyang ibinigay sa akin ang sobreng may logo ng isa sa unibersidad na in-apply-an namin.

"Ano ba kasi to?" Nasabi ko sa gitna ng pinaghalong kaba at excitement habang nanginginig ang mga kamay na binasa ko ang  sulat.


"Kyaaahhhhh!!!!" Tili ko habang napapatalon-talon, nag-uumapaw ang kasiyahang nararamdaman sa kaalamang nakapasa ako sa C.U at isa ako sa napasama sa scholarship program nila.


"Congratulations friend I'm so pride of you!" Masayang bati sa akin ni Shei, bestfriend ko. Bahagyang napailing nalang ako kahit kailan kasi patawa talaga tong friend ko na to kaya mahal na mahal ko siya eh.


"Proud friend, hindi pride." Pagtatama ko. Napaisip naman siya 


"Proud ba?" Tumango ako.


"Ganun ba yun?" Kunot noo niyang tanong pero maya maya eh napangiti din. "Hayaan muna  magkatunog naman eh," natatawang napailing nalang ako.


" Sira ka talaga. Anyway, kamusta ang result mo?" turo ko sa sobreng naiwan sa mga kamay niya na may katulad ng logo ng hawak ko.


"Ah, hindi ako pumasa eh, alam mo naman limited imetion lang ako di kinaya ng utak ko yung test, pero okay lang yan important is nakapasa ka" Nakangiti niyang sabi.

"Limited edition friend"

"Ganun na din yun, gets mo naman e." mapaglarong itinaas baba pa niya ang kilay  kaya napangiti ako sa gitna ng lungkot na nararamdaman para sa kanya.


" Paano na ang pag-aaral mo?" Nasabi ko nalang, alam ko kasi kung gaano din niya kagusto na makapasa at mapasama sa scholar. Umiling siya at binigyan ako ng tipid na ngiti.


 Loving Mr.Arrogant Where stories live. Discover now