Humina iyong boses niya sa huling sinabi niya. But I heard that oh so clearly. At ngayon nga'y ayaw nang matanggal ng ngiti sa labi ko. Damn. I really need that kiss right now.

"Gwapo lang?" mapaglaro ko nang tanong saka pinaglingkis ang mga daliri namin.

Natawa si Vanessa pero sumagot pa rin. "Sige na," saad niya na tila napilitan. "Mabait na rin, saka thoughtful at caring. Okay na ba 'yun?"

I didn't nod at that. Instead, I told her. "You forgot something though."

Nagsalubong ang kilay ni Vanessa. "Ano?"

A smirked almost automatically found its way on my lips as I answered, "Good kisser."

Napakurap si Vanessa, halatang hindi inaasahan iyon. But that didn't stop my gaze from going down to her inviting lips. At nang ibalik ko na ang tingin sa mata niya'y nagtanong na ako. "Can I kiss you though?"

She blinked again, clearly still flustered. Napatingin siya doon sa bintana sa harap.

Akong kong nakuha kung anong dilemma niya.

"The windows are tinted," I reminded her.

Nabaling muli ang tingin niya sa akin at mahinang natawa. She shook her head before responding in a low voice, "What are you waiting for then?"

A wide smile erupted on my lips. At hindi na ako naghintay pa't agad na hinawakan ang bewang ni Vanessa, kinabig siya papalapit sa akin.

*

We went to an Italian restaurant after since she was craving for some pasta.

"Sir Tyler," nadinig kong bati ni Tony nang makapasok kami sa loob.

Agad akong napangiti. Lagi na lang natataon na bakante siya kapag pumupunta ako dito.

"Usual niyo po ba?" nakangiti pa rin nitong tanong.

"Sana," sagot ko. "Available pa ba?"

"Oo naman po,"agad nitong saad. "Medyo naramdaman ko na pong dadaan kayo ngayon kaya't kanina pa po nakareserve. Tara po."

I shook my head as Vanessa and I followed him.

"You always go here?" mahinang tanong sa akin ni Vanessa.

I put my hand on the small of her back. Then I nodded at her.

Naabot na naming ang booth. Una ko siyang pinaupo doon sa couch saka ako umupo sa tapat niya.

Tony got our orders. At nang dapat na aalis na siya ay bigla niyang naisip na manukso.

"Sir, iba na naman po ang dinala niyo dito ah."

Saka kumindat pa ang loko.

At bago ako makasagot ay umalis na ito dala iyong menu.

I felt Vanessa's gaze on me before I saw it. At nang magtama ang mga mata namin ay nagtatanong iyong mga mata niya.

"I always go here with Ate Teriz and the kids," inunahan ko na ng paliwanag si Vanessa. "Tapos kapag lumuluwas si Mommy dito sa Manila, we eat here too."

Mahinang natawa si Vanessa saka malalim na napahinga. "Akala ko 'yung mga babae mo 'yung dinadala mo dito."

I scrunched up my face. "I never dined a girl before. Well, si CN, nalibre ko na pala 'yun. But that's an exception because she's Slade's girl."

Inabot ko ang kamay niya at hinintay na mapunta muli sa akin ang kanyang tingin bago sinabi, "So, you have nothing to worry about. Malakas lang mang-asar 'yung si Tony."

Best for Us (GU #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora