At bago pa man siya nakaganti ng yakap dito ay bigla itong bumitiw at inilabas nito ang cellphone nito.

Napakurap naman siya nag iisip pa kasi siya kung paano sasabihin dito ang nangyayari sa kanila ng kapatid nito pero mukhang gusto naman nito--

"Yes mom, dad! Yes! Come over, we will have a celebration because finally... Aleksander is married!" impit na tumitiling sabi ni Ana sa phone.

Huh?

"What! Bakit mo sinabi agad!" natatarantang sabi niya at inaagaw ang cellphone nito, pero hindi niya makuha iyon at iniiwas lang nito ang mukha habang nakadikit sa tenga nito ang phone nito.

"Yes, oh no no! I will drag Alek here, duh! I have his wife, come here tomorrow okay? Settled...bye! Love you both!" sabi nito at hanggang natapos ito at hindi niya naagaw dahil matangkad din ito at magaling umilag sa kamay niya.

"Too late" maluwang ang ngiting sabi nito.

Tulala na lang siya.

---

Kabadong kabado siya habang nakatingin sa salamin.

Presentable naman ang itsura niya pero kinakabahan siya ng sobra.

Bigla na lang makikilala niya ang magulang ni Aleksander.

Pakiramdam niya para siyang kambing na sesentensyahan na para ihanda.

Diyos ko.

Hindi pa nga niya naayos ang buhay kasal nila ni Aleksander, at iyong sinabi nitong--

Namula siya at agad na bumilis ang tibok ng puso niya.

Mahal kaya siya nito talaga?

...But I love you...

Parang biglang paulit ulit na nagpi play sa utak niya ang sinabi nito.

Hindi pa niya ito nakikita o nakakausap dahil parang feeling niya ay ayaw nitong makipag kita?

Napangiti siya ng pagak, mukha ngang mas mabuti nang pumunta ang mga magulang nina Ana at Aleksander dito para nmana kahit paano ay makita niya ang asawa--

Natigilan siya.

Heto na nman siya sa eksena sa isip niya na natatakot siya at hindi siya handa, hindi niya kasi alam kung paano i-handle ang sitwasyon na gaya nito.

At bahagya siyang naging malungkot nung naalala niya ang nanay niya...naisip niya, kung buhay pa kaya ito...ano kaya ang maipapayo nito sa kanya?

Bumuntong hininga siya.

Para kasing sa mga desisyon niya bilang isang babae na papasok sa isang relasyon ay nagiging hadlang ang takot...lalo na ang mga bagay sa hinaharap ay hindi kayang hulaan ng kahit na sino.

Lalo pa at nagsimula ang takot na iyon na resulta ng kahapon.

Napapitlag siya nung nakarinig siya ng katok sa pinto.

"Circe! They're here!" malakas na sabi ni Ana, at nagkukumahog siyang bumaba para salubungin ang mga ito.

Lumunok siya at pilit na inaalis ang kaba sa dibdib niya.

"They're nice I'm telling you" sabi ni Ana sa kanya at tinapik nito ang balikat niya at saka nito binuksan ang pinto.

"Mommy! Daddy!" masiglang bati ni Ana sa mga magulang nito.

Habang siya ay nakanganga sa isang sulok.

Dahil ngayon lang siya nakakita ng isang pares ng magagandang lahi, tama siya, kaya pala ang gwapo gwapo ni Aleksander at ang ganda ni Ana, may pinagmanahan ang mga ito.

Perfect Imperfections : Aleksander Where stories live. Discover now