Chapter 5

11.4K 277 2
                                    

THE LONELY HUNK [DUANE]

By;EMMZ

Chapter 5

Nang dahil sa akala ni Margaux ay ipapakasal siya sa isang DOM kaya't nagdesisyon siyang umalis ng walang paalam magpakalayo layo siya sa lugar na di siya matutunton para hindi siya mapilit sa kanilang kagustuhan...kinuha niya ang kanyang bag pack at nilagyan ng mga ilang damit at mga importanteng gamit niya....Nang naayos na niyang lahat ang mga gamit na kailangan niya'y saka dahan dahang lumabas ng kwarto at dahan dahan na pumanaog ng hagdan at diretso sa may pinto ng makarating sa may gate ay andun yung kanilang guardiya na si mang Elmo...

"Mam kararating niyo lang aalis na naman kayo?...takang tanong ng guardiya...

" Ah eh may usapan po kasi kami ni Monette na matutulog ako sa kanilang bahay kasi bukas ay pupunta kami ng baguio at sabay na kaming aalis nasa may labasan siya naghihintay....pagdadahilan ni Margaux kay mang Elmo..

"Ganon po ba oh sige ingat po kayo mam,..ay mam hatid ko na lang kayo baka kung may mambastos pa sa inyo diyan...prisinta ni mang Elmo...

"Naku wag na po mang Elmo baka Makita ni Daddy o lolo na walang bantay sa gate eh mapagalitan pa kayo....wika nito sa kanilang guardiya..

" Oo nga noh!...sang ayon ni mang Elmo...

Nagmamadaling tumalilis si Margaux pagkalabas niya sa gate buti na lang at napaniwala nito ang kanilang guardiya...

"Kailangang makaalis ako ditto habang hindi pa nila alam na umalis ako...bulong niya sa sarili at pinara ang nakitang taxi ...

"Saan po tayo mam....tanong ng driver pagkasakay niya...

"Sa may terminal po ng bus...sagot naman ni Thea habang tumatakbo ang sasakyan

"Saan pong terminal kasi marami pong terminlal ng bus eh....kakamot kamot ang ulong sabi ng driver..

Yung pinakamalapit po...Ani Margaux

Nakahanda na ang mga gamit ni Duane sa pagpunta ng batangas nang biglang lumapit sa kanya ang lolo Sebastian niya...

"Ngayon na ba ang alis mo apo gabi na ah bakit hindi na lang mamayang umaga ang alis mo....nag aalalang tanong ni lolo Baste..

" Lo mas gusto kong magbiyahe sa gabi walang gaanong trapik at hindi mainit...ani ni Duane.

"Sabagay nga apo basta mag ingat ka dun....paalala ni lolo baste...

Samantala walang kaalam alam ang mga kasambahay ni Margaux sa kanyang paglalayas at patuloy parin ang kanilang usapan...

"Eh yung apo ng kaibigan niyo papa ilang taon na ba...tanong naman ng daddy ni Margaux na si major Philip Samonte kay lolo Martin...

"Biente nwebe na daw siya...sagot naman ng matanda...

"Eh kalian nyo po ba sasabihin kay Margaux ang balak niyong ito papa....Tanong naman ni Mariana sa ama...

"Mayang pagdating niya dahil pupunta daw ditto bukas si Baste at pag ayos na ang lahat saka niya sasabihin sa apo nito ang kanyang plano....pagbabalita ni lolo Martin...

"Eh kung hindi po pumayag yung kanyang apo di kahiya hiya ang anak ko papa parang ipinagpipilitan natin siya....nag aalalang sabi ni Mariana na sinang ayunan naman ng kanyang asawa...

The Lonely HUNK...DUANE...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon