Napangiti naman ako sa desisyon ni daddy na sabay kami mag-aaral ni jac. Ngumiti si Jac sa akin na parang dream come true lahat sa kanya. You deserved it, jac.
"Magandang ideya po iyan dad." Sabi ko.
"And theres a one thing that you need to know."
"Ano po iyon dad?"
"All of my treasure is in name to you." Seryosong sabi ni dad.
God? Treasure? Totoo? OmG Hindi ako makapaniwala. Siguro kaya sila umalis nung nakaraaan dahil inayos nila ang mga papeles na nagsasabi na sa akin ipinangalan lahat ng kayamanan ni daddy.
Sila ang pinakamayaman sa mundo, tapos yung kayamanan na 'yon mapupunta sakin?
"Tama ang narinig mo anak, nung nawawala ka pa ay ipinangako namin ng daddy mo na magpapayaman kami, at kapag nahanap kana ay sayo lahat ibibigay iyon. You don't have to worry about your future, we save a lot of money to you," sabi naman ni mommy.
Ang mga paa ko sa ibaba ay parang nakuryente sa sinabi ni Mommy. Hindi ko akalain na ganito sila kayaman!
"Halos lahat sa 'yo nakapangalan pero may isa na ibinigay namin kay jac, at kailangan mong palaguin yon jac." Sabi ni dad kay jac.
Napangiti naman si jac at sinasabi sa ngiti nya na hindi-ako-marunong-magpalago-look.
"M-maraming Salamat po;" nakangiting sabi ni jac.
"Don't worry iho. Hindi pa naman ngayon. Syempre may magtuturo muna sa iyo bago mo mapalago iyon." Sabi naman ni mommy.
Bigla naman tumunog ang cp ni dad.
"Ah, papasukin sila." Sabi ni dad na nasa cellphone ang kausap.
Maya-maya lang ay pumasok na ang mga naggagwapuhang guard ko. Agad na napako ang tingin ko kay Lei. Grabe, sa kanilang apat?
Si Lei ang talagang makikitaan mo ng kasungitan ngunit lamang na kagwapuhan. I mean..he's perfect.
Oh..bakit ko ba siya iniisip?
Agad kong inalis ang tingin sa kanya. Naalala ko nanaman 'yung kagabi.
Napatingin naman ako kay Ken na medyo maayos na ang itsura, may kaunting pasa siya ngunit hindi naman ito halata sa malayo.
Sumulyap naman ako kay jac, at ang loka namimilog at dilat na dilat ang mata. Sabi na, basta guwapo alive na alive siya.
"Heaven." Bulong ni jac sa 'kin.
"Good morning tita, tito." All of them greeted us.
"Good morning jane!" Masayang bati ni led sa ‘kin.
"Good morning din." Nakangiti kong sabi, binati rin naman ako nung apat at lahat sila ay nakatingin kay jac.
YOU ARE READING
That Nerd
Teen FictionNERD SERIES #1 Ang pagiging nerd ay isa sa mga maituturing kong kabwisitan sa buhay ko. Akala ko talaga mababawasan ang atensyon na makukuha ko sa iba pero mukhang nagkamali ako. Dahil parang dito pa matatapos ang buhay ko. Being bullied almost ever...
Chapter 16
Start from the beginning
