Kita nyo na bat nyo pa kailangang mag live in, kung pwedi naman kayo magpapakasal...a di nyo ba alam na bawal yang ginagawa ninyo sa mata ng dios na ang dapat lang gumawa ng mga ganung bagay ay yung mag asawa na kasal na. Ngayun tingnan nyo pinanggagawa nyo dahil sa di nyo kaya alagaan itong batang to iiwan nyo nalang dito. Sabi ng matanda.

Piro mam, di nyo po kasi kami naiintindihan eh, talaga pong di namin anak ito. Na tinuturo pa ang bata ng dalaga.

Hala lumabas na kayo dito at wala nang piro piro. Di namin matatanggap ang batang iyan lalo na wala naman kayong sapat dahilan, na ni papel ng bata wala kayong ipinakita. Sabi ng matanda na tinataboy na silang umalis.

Walang magawa ang dalawa kundi umalis nalang na laylay ang mga balikat.

Pagkadating ng bahay agad naman nilapag ng dalaga ang bata sa kreb at pinadede ito dahil napapansin nya parang nagugutom na ata ang bata dahil nararamdaman nyang hinahawakan ng bata ang kanyang dibib, at naalala nya uli ang nangyari kaninang umaga.

Pagkatimpla ng dalaga ang gatas ng bata agad nya tinawag ang binata para kausapin ito.

Juannnn halika dito may pag uusapan tayo. Sabi ng dalaga na agad naman lumapit ang binata na wala paring imik.

Tutal wala natayong magagawa sa batang ito kundi kupkupin, di naman pweding itapon nalang ito dahil di naman ako ganung kasamang tao paliwanag ng dalaga at tango lang ang ginawa ng binata bilang tugon sa dalaga.

May isang patakaran ako na dapat mong susundin una una sa akin na matutulog ang bata, pangalawa kukuha ka ng taga alaga nito na stay out para pag nasatrabaho tayo dalawa may magbabantay sa kanya. Pangatlo walang mangingialam kong ano ang gusto kong gawin at walang tatawag sa akin pag ako maylakad, at ganun din ako sa iyo bahala kana kong ano ang gagawin mo sa bata pag umiiyak ito at ayaw tumahan. Sabi ng dalaga at tumango nalang uli ang binata.

Kinabukasan hindi pumasuk ang dalaga dahil walang nagbabantay sa bata, at sinabi naman ng binata na tatawagan nya ang agency na kong pwedi sila makakuha ng katulong na stay out. Habang nasa opisena ang binata di nya magawang di isipin ang dalaga dahil lalong tumatagal napapamahal ito sa kanya lalo na ang bata kaya kahit anong pilit nyang pag tratrabaho di nya magagampanan ng maayus.

____________

Samantala nag tataka naman ang dalaga dahil pasado 9pm na wala pa ang binata samantalang 5:30pm ay nasa bahay na ito.

Pagkagaling ng binata sa opisina tinawagan nya ang kaibigang si alex para samahan sya uminum at pumayag naman ang kaibigan nito.

Piro mga ilang oras muna dumating ang kabigang si alex sa bar na pinag uusapan nilang magkita. Pagkadating nito naka apat na beer na sya.

Oh pro kamusta? Bati ni alex sa binata pagkaita nila. Pasinsya kana kong ngayun lang ako dumating may dinaanan pa kasi ako. Sabi ni alex.

Ok lang yung pare at Ito buti naman. Matipid na sabi ng binata.

Sya ba? Tanung ni alex sa kaibigan na di naman pinansin ng binata at biglang tungga ng beer.

Bro dahandahan lang parang kanina kapa nag iinum eh. Sabi ng kaibigan.

Bro bat ganun? Bat di ko masabi sabi ang nararamdaman ko sa kanya. Alam kong marami akong naging gf piro iba sya sa lahat ng babaing nakikilala. Kahit pa sabihin nating magaspang sya kong kumilos. Piro iba ang dating nya bro. Sabi ng binata piro panay parin ng tungga nito sa beer.

Pano naman kasi bro bakit di mo sinabi sa kanya kong ano talaga ang nararamdaman mo? Malay mo may gusto rin pala sya sayo nag aantay lang sya na unahan mo. Paliwanag ni alex.

Hahaha!!!! Maimpit na tawa ng binata na mukhang lasing na. Si Devon Santos may gusto sa akin nagpapatawa kaba pare! Unang kita palang namin nag aaway na kami akala mo aso't pusa kong magbangayan at niminsan di kami nag uusap na di nag aaway. Sabi uli ng binata kay alex at sabay tungga uli ng beer, piro pinigilan na ito ng kaibigan.

Baka naman kasi inaasar murin kaya kayo nag aaway. Sabi naman ni alex. At tama nayan bro lasing kana at mag dridrive kapa. awat nito sa binata na walang tigil sa pag imum.

Preh di akoh lashing nakainum lang akoh, sabi ng binata na di tuwid ang pagsasalita. Nang pansin ng binata na wala nang laman ang boti agad itong tumayo para tawagin ang waiter ngunit di panga kakatayo ang binata natumba na ito, buti nalang nahawakan agad ni alex ang kaibigan bago bumagsak sa sahig. Agad naman nya inakay ang binata para alalayan ang kaibigan papunta sa sasakyan.

Pag kapasuk ni alex sa binata sa sasakyan nito agad rin nya itong pinasibat para ihatid ang binata sa bahay nito.

Nakatulog ang dalaga sa sofa habang hinihintay nito ang binata. Nang biglang may nag doorbil kaya nagising ang dalaga. At alam nyang ang binata na iyon piro bago nya binuksan ang pintuan tumingin mona sya sa wall clock at pasadong 1am napala.

Pagkabukas nito sa pintuan tumambad sa kanyang ang di kilalang lalake marahil kaibigan ito ng binata at bumaling naman sa binata na mukhang lasing na lasing.

Inalalayan ng dalaga ang binata para makapasuk at pinahatid narin nito sa kaibigan ng binata na dalhin na lang sa kwarto nito. Nang madala na ito ni alex ang kaibigan sa kwarto nito agad naman ito nag paalam sa dalaga.

Ako pala si alex pakilala muna ng binata, at ikaw si devon diba? Kasi naikwento ka ng kaibigan ko sa akin. Sabi nito sa dalaga na ngumiti naman ang dalaga bilang tugon sa binata

Tama nga si carlos napakaganda nga ni devon kahit simpleng damit lang, at di nakakasawang titigan ang mukha nito. Wika ni alex sa sarili nito.

Ahhh alex! Bilang sabi ng dalaga. Salamat pala sa paghatid kay Juan Carlos, di ko alam kong bakit sya nag lalasing ng ganun. Sabi uli ng dalaga na samalungkot na busis.

Walang ano man yun ganun naman talaga kaming magkakaibigan nag tutulongan. At di nya lang kasi masabi sa babaing mahal nya na mahal nya ito kaya ayun naglalasing sabi ng binata.

Ahh ganun ba? Sabi nalang ng dalaga na parang nakaramdang ng kurot sa puso.

So pa ano uwi na ako ikaw nalang bahala sa kaibigan ko, at yung sasakyan nya naiwan dun sa bar ipapakuha ko nalang bukas para maihadi dito sabi ng binata bago mag paalam sa dalaga at hinatid naman ito ng dalaga hanggang pintuan.

Pag kaalis ni alex agad naman pumunta ang dalaga sa kusina para kumuha ng maligamgam na tulig at pumasuk sa loob ng kwarto ng binata.

Titinigan nya muna ito bago nilapitan. At tinanggal ang suot na sapatos at sinunod ang damit ng binata na basa ng pawis at pinunasan nito ang buong katawan ng binata habang pinupunasan nya ito nanginginig naman ang kanyang mga kamay. At biglang nagising ang binata.

Huminto naman ang dalaga sa kanyang ginagawa ng malaman na nagising ang binata. Agad na kinuha ng binata ang kamay ng dalaga at hinila ito kaya naman nawalan ng panimbang ang dalaga at dumangan ito sa dibdib ng binata. Nag titigan muna ang dalawa gang ang dalaga nalang ang sumuko at ibinaba ang tingin. akma na sanang tatayo ang dalaga ngunit hinila uli ito ng binata sa pagkakataong ito ang binata na ang nakadangan sa kanya. Tinitingan muna ng mabuti ng binata ang dalaga at sinisipat mabuti ang mukha at hinahaplos ito.

Di ininda ng dalaga ang bigat ng binata na nakapatung sa kanya. At ipinikit ang mga mata at nag aantay sa ano mang gagawin ng binata.

Alam nyang mahal na nya ang binata kahit alam nyang may mahal na itong iba. Piro handa syang ipagkaloob ng buo ang kanyang sarili sa binata kahit pa di sya mahal nito.

Habang nakapikit naman ng dalaga naglalakbay naman ang mga kamay ng binata kong san san na ito pumutunta gang sa lumalapit na ang mukha ng binata sa mukha ng dalaga gang sa may naramdaman ang galaga na kung ano na ikinagulat nito.

THE BABYWhere stories live. Discover now