Chapter 2

6.1K 96 1
                                    

Sister, kamusta na pala yung date nyo kahapon ni... Sabi ni karen na di na naituloy ang sasabihin.

Oppsss... Sabay lagay ng daliri sa labi nito. Na panguso nalang si karen sa ginawa ng kaibigan.

Ano ba Devon? Alisin mo nga yang daliri mo sa labi ko? Baka san mo pa yan ginamit kanina eh? At inalis naman ni Devon ang daliri nito.

Grabi kanaman kong makapag salita ano tingin mo sa akin burara. Sabay irap sa kaibigan.

So ano na nga ang nangyari dun sa kadate mo kahapon?

Wala namang naganap na date kahapon eh at walang kwenta yung binigay mong kadate.

Bakit?

Tinanung mo pa kong bakit? Wala naman nakatulugan ko lang naman sya, eh pano naman di manlang ako nakasingit sa usapan namin. Daig pa kong babae mag salita, at di lang yan ha? Puro nanay nalang nya ang boong topic namin eh! Kiso ganito daw nanay nya magaling mag luto, magaling mag alaga, dios ko Karen naman kulang nalang sabitan ng medalya ang nanay nya eh! At malay ko ba sa nanay nya, di ko naman kilala yun.

Bakit magaling din naman magluto ang nanay ko ah, maalaga din sya sa amin ni kuya? Piro di ko yun pinag dadakdakan dahil natural lang naman ata yun sa mga magulang na ganun. At isa pa napaka kuripot ng lalaking yun. Naka limang kape na ata ako mula ng maupo kami dun gusto pa nya ata akong mamatay sa nerbyos eh.

Oyyyy!!! Karen nakikinig kaba sa sinasabi ko sayo. Sabay tapik sa balikat ni karen. At itikom mo nga yang bunganga mo dyan baka masukan pa yan ng langaw sa subrang lake ng bunganga mo. piro di parin na tinag si karen sa ginawa ng kaibigan kaya ang ginawa ni Devon itinulak nya ito na kamuntikan ng mahulog sa kinauupuan.

Heyyy ano ba? Sigaw ni karen.

Aba? Na nigaw pa ang gaga. Kung itulak uli kita dyan. Salita ako ng salita dito di karin pala nakikig at bakit ba nakabuka pa yang bunganga mo dyan.

Nako! Devon may dumaang angel sa harapan natin. At sabay lingon naman ni Devon.

Asan wala naman ah?

Wala na nga piro kanina mayrun? Pano naman kasi dada ka ng dada dya. Yan tuloy di mo na kita.

Aba? Sinisi pa ako nito eh ikaw kaya ang nag tanung sa akin kung ano ang nangyari sa date namin kahapon ni Mr. Abad.

So ano nga ba nangyari? Sabi ni karen na ibinalik na ang attention sa kaibigan.

Hhhmm wag na napagud na ako sa kakasalita dito. Mabuti pa magtrabaho na tayo baka makita pa tayo ng boss natin dito mapagalitan pa tayo pariho.

Oyyy Devon! Nabalitaan mo naba yung balita na. Papalitan nadaw yung prisendente ng companyang ito at ang ipapalit daw ay yung anak nyang galing america. Balita ko batang bata pa daw yun at walang asawa? Sabi ni karen sa seryosong busis.

So ano naman ang kinalaman ko dun eh ano naman kong papalitan na yung prisendte ng companya. Eh maykatandaan rin naman si sir De Leon ano? kaya lang dapat mamahinga na sya. At sana tulad sya ng ama nya na mabait. Lanteya ni Devon kay karen.

Yap tama ka.maikling sabi ni karen at isinabayan na ang pag buklat ng mga papel sa lamesa nito.

______________

Pagpasuk ni Juan Carlos sa pribadong silid ng ama agad nag kayakapan ang mag ama bago umupo ito.

Iho! Buti Naisipan mo nang bumalik dito sa pilipinas at binagbigyan mo ako sa akin hiling.

Oo naman po dad isa pa tama naman po kayo ni mommy eh bakit pa ako mag tratrabaho sa ibang companya eh kong mayrun naman tayo at kinakailangan ang serbisyo ko? Sabi sa ama nito na nakangiti.

Thats good iho dahil kilangan ko na talaga mag papahinga dahil matanda na ako at isa pa saiyo rin naman ito mapupunta balang araw kaya lang dapat habang buhay pa ako matutunan mo na kong pa ano magpatakbo at mag papasikot sa kumpanya natin. At siguro naman di kana kailangan turuan dahil alam mo na kong paano ang magpapalakad dito. Ipapabigay ko nalang kay Mrs. Agnes yung mga papales para pag aralan mo. Para bukas na bukas din makapag sisimula kana.

Yes dad! At salamat sa tiwala. So pano dad pwedi naba ako umuwi. Mis ko narin si mommy eh di pa kasi ako nakapunta ng bahay domiretsyo agad ako sa binili kong condo kaya pagkagaling ko dito tutuloy na ako sa bahay.

Eh bakit pa kasi kilangan mo pa mag bukod eh ang laki ng bahay natin ah?

Dady naman nasanay lang kasi ako na lagi nag iisa at isa pa lagi ko naman kayo dadalawin ni mommy kaya wag nakayo mag aalala.

Eh iho isa nalang wala kabang balak mag asawa? matanda na kami ni mommy mo. sana manlang bago ako mawala sa mundo makita ko manlang ang apo namin sayo.

Si dady talaga kong anu ano ang pinag sasabi. Di pa po kaya mawawala sa mundo ok makakarga nyo pa ni mommy ang mga apo nyo at Hayaan nyo po dad pag makahanap na ako ng tamang babae papakasalan ko agad at bibigyan ko kayo ng madaming apo. Sabi nito na may ngiti sa labi.

So ano pa ang inaantay mo umpisahan mo na maghanap ng makarami na hahahaha! Sabay tawa ng matanda na sinabayan din ng binata.

So pano dad alis na ako? Sabay tapik sa balikat ng ama at tumango naman ang matanda.

Pagkalabas ng binata sa opesina ng ama dumaan uli ito sa pwesto nila Devon.ng tumapat na ang binata sa naturang pwesto ng dalawa ngumiti ito sa babaing tumingin sa kanya na nakabuka pa ang bunganga. tulad ng unang pag daan nya nakatalikod parin ang isang babae.

Devon,Devon, sabi ni karen sa kaibigan na kinakalabit ito sa balikat.

Ano ba? Karen kita mong may ginagawa yung tao eh?

Devon, dumaan nanaman yung sinasabi kong angel at ngumiti pa sya sa akin. Sabi ni karen na kinikilig pa. Pag lingon ni Devon wala na yung sinasabi ng kaibigan.

Asan na yung angel na sinasabi mo? Sabi ni Devon at lumabas pa para lang silipin kong sino ang tinutukoy ng kaibigan piro pagkalabas nya wala namang tao sa labas.

Nako karen gutom lang yan eh kaya kong ano ano ang mga sinasabi mo dyan.

Kina haponan malapit na ang uwian.

Uyyyy Devon yung pinsan ko pala may kaibigan sabi nya ipapadate nya daw ito sayo dahil gusto nadaw mag asawa kaya dating gawi nanaman ok.

Nako!!! karen! tigilan mo na yan. ayaw ko na wala naman ako mapapala dyan sa ginagawa mo eh. Dibali nalang dun ako mapunta sa patpating anak ng kumpare ng papa ko. Sabay nguso kay karen.

Sigurado ka? Baka nabibigla kalang. Kong sigurado ka tatawagan ko nalang yung pinsan ko na ayaw mona. Nag akma ng kukunin ni karen ang cellphone kasa naman tumonog ang cellphone ni Devon.

Hello pa? Napatawag po kayo? Opo pauwi na po ako. Pa naman eh. At lumingon ito kay karen at hinalbot ang cellphon na nakalagay sa tinga ni karen.

Hello!!! Devon andyan kapa ba? Sabi ng papa no devon sakabilang linya.

Opo dito pa ako may inaayos lang kasi ako.

Basta pagkagaling mo dyan dirisyo kana dito.

Papa naman eh may bf na po ako kaya wag nyo na ipilit ang gusto nyo ok at pauwiin nyo na po sila dahil may date papa kame ng bf ko ngayun nakalimotan ko kaya malalate ako ng uwi. At sabay patay ng phone.

Opppsss wag kana mag salita oo tama ang narinig mo kaya pumapayag na ako sa gusto mo. Sabi nito kay karen na kanganga parin.

THE BABYWhere stories live. Discover now