izhabellize

106 6 0
                                    

1. Sino/Ano ang naging inspirasyon mo sa pagkatha ng tula?

Mga karanasan ang aking inspirasyon sa bawat tula na aking naisusulat. Mga karanasan na maaring ihayag ng hindi direkta gamit ang masining na paggamit ng mga salita. Isa sa mga katangian ng tula ay ang malalalim na kaisipan na nakakubli sa bawat taludtod maging saknong nito. Dahilan kung bakit nahilig ako sa pagsusulat ng mga piyesa. 


 2. Ano ang tema ng tulang una mong sinulat? 

Maliban sa mga takdang aralin sa iba't ibang asignatura na aking naisulat sa pormang tula, ang una ay may temang pagkatao sa harap ng salamin at isang litrato. Tinatalakay nito ang mapagkunwaring itsura na nakadepende sa mga bagay na nakikita ng mga mata. Ang naging sandata ko sa nasabing piyesa ay kaugnay sa 'di patas na pagtrato at pang-aapi sa mga taong may 'di kanais-nais na anyo dulot ng malulubhang karamdaman at mararahas na karanasan.


3. Sa iyong mga kinathang tula alin sa tingin mo ang pinakamalapit na repleksiyon ng iyong buhay? Bakit? 

 Ang tulang "Bulag sa Liwanag" ay ang kuwento ng aking buhay. Ito ay nakatuon sa mga 'parangal' na siyang binibigyang simbolismo ng 'liwanag.' Ang liwanag na siyang dahilan sa pagiging 'bulag' ng pananaw ng mga tao. Ang sinag ng araw na kanilang nasisilayan ay katumbas ng aking mahabang paglalakbay sa kadiliman. Ipinababatid nito na ang mga medalya at kasulatan ng wagi ay hindi nagdudulot na tunay na kasiyahan. 


4. Sa iyong palagay bakit mahalagang basahin ang mga akdang pampanitikan katulad ng tula? 

Maliban sa masining na pagkakasulat nito na nakakaantig ng damdamin, ang isang tula ay nagbibigay talas sa ating imahinasyon at pag-iisip. Madalas ay nagpaparating din ng aral na magagamit natin sa ating pakikipagsapalaran sa buhay. Sa kanilang dako, ang mga tula na naghahayag ng sakit kaugnay sa pag-ibig at mabibigat na dinaranas ay nagdudulot ng kaisipang 'mayroon kang kasama' sa kabila ng anumang dagok. Nagbibigay ang mga piyesang ito ng pag-asa, kasiyahan at pagkagalak, at nakapagpapabukas sa isipan ng mga taong nakababasa nito. Bagay na nagdadala sa tao sa kaaya-ayang pamumuhay.

Makata of the Weekحيث تعيش القصص. اكتشف الآن