Prologue

46.9K 1.1K 81
                                    

Nandito na naman ako.

Nakatayo sa  paanan ng surgical bed kung saan may nakahigang babae. Mahaba ang buhok niyang kulay itim at may pagka chinita ang kanyang mga mata. Maraming nakakabit na wires sa katawan niya at madami rin siyang pasa sa katawan.

Pinanood ko lang siyang humihikbi habang ang kanang kamay niya ay nakahawak sa tiyan niya. Humakbang ako ng dalawang beses upang makalapit sa kanya kahit na alam kong hindi niya ako nakikita. It seems like I am here but I am not a part of this.

Hindi ko siya kilala, pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Nababagabag ako sa sitwasyon niya. Naaawa ako sa kanya. Bakit siya narito? Bakit siya umiiyak? Gustuhin ko man magtanong ay wala rin namang mangyayari.

Pareho kaming napatingin sa may pinto nang pumasok ang isang matangkad na lalaking moreno. Nagpalinga linga pa siya para masiguro kung may nakasunod ba sa kanya, mukhang hindi dapat siya naririto.

Dahan dahan siyang lumapit sa babae at kitang kita ko ang concern niya rito.

"Parang awa mo na," mahina bulong ng babae sa kanya.

"Wala akong pakealam kung anong mangyari sa akin, pero kailangan mo siyang iligtas, parang awa mo na," hindi na napigilan ng babae ang humagulgol habang paulit ulit na nagmamaka awa sa lalaking nakatayo sa may gilid niya. Napabuntong hininga ang lalaki at hinawakan niya ang kamay ng babaeng nakapatong sa kanyang tiyan.

"Pangako," aniya.

Unti-unting nagbago ang paligid, nawala ang mga dingding na gawa sa fiber glass, ang puting tiles kung saan ako nakatayo ay naging itim paglingon ko ay wala nang ibang tao kundi ako nalang, at pagka kurap ko ay bumungad sa akin ang kisame ng kwarto ko at ang maliit na liwanag mula sa bintana.

Napailing nalang ako at humiga ulit.

That dream, again.

Sa loob ng isang linggo ay madalas ko itong mapanaginipan ng paulit ulit, parang isang scene sa isang movie na naka loop. Walang katuloy, walang katapusan. Iyon at iyon lang.

Nahagip ng paningin ko ang itim na wall clock sa pader, mag aalas siyete na ng umaga. Tatlong oras lang ang tulog ko.

Nagmadali akong nag ayos ng sarili at baka ma-late ako sa school, pagkasakay ko ng jeep ay nasaktuhan na doon din nakasakay ang kaklase kong si Stan at sa tabi niya nalang may bakante. Wala naman akong choice kundi umupo doon kesa mag abang ng ibang jeep dahil baka ma late ako. Alam kong napansin niya na ako sa kanyang peripheral vision pero hindi man lang siya nag angat ng tingin at tutok na tutok lang sa binabasa niyang manga.

Kaklase ko siya simula first year pero hindi kami close, ni hindi nga kami nag uusap sa classroom eh sa jeep pa kaya. Kung tutuusin masasabi kong sobrang magkaugali kami dahil sobrang anti-social niya din at lagi lang naka earphones o nagbabasa tuwing break time, hindi rin siya kumakain sa school cafeteria pag lunch dahil nakakasabay ko siya sa jeep na umuuwi rin sa apartment niya para lang walang makasama kumain.
Pero ni kailanman ay hindi kami nagkibuan, kahit madalas ko siyang kasabay mag abang ng jeep sa waiting shed ng school at nakakasalubong sa convenience store malapit sa kanto ng street namin, siguro gaya niya ay sinasadya niya rin na hindi makipag eye contact gaya ng ginagawa ko.
May bumabang pasahero ngunit mas malaking manong naman ang pumalit kahit na sobrang sikip ng jeep, ipit na ipit ako lalo at sa tuhod nalang ako kumukuha ng suporta.

Project X (published via Sanctum Press)Where stories live. Discover now